1:37 AM. - One Shot Story - Mystery/Thriller

106 7 5
                                    

Gumising ako sa tunog ng bumbero na palakas ng palakas, nabingi na ako kaya bumangon na ako sa kinahihigaan ko.

1:37 am, Monday. Natameme ako sa nakita ko. Nagliliyab ang dorm, at malapit nang lamunin ng apoy ang kwarto ko. Hindi ako nakagalaw kahit sobrang init na. Nagpapanic na ako sa isip ko habang pinagpapawisan ng todo.

“JULIEEEEE!!!!!” narinig kong may sumisigaw ng pangalan ko sa labas, sinilip ko ang bintana at nakita ko ang mga ka-dorm ko! lalo akong nataranta nang makita kong sunog na ang roommate kong si Joshua, ang Boyfriend ko, pati si Nicole na bestfriend ko…

“JOSHUA!!!! NICOLEE!!! (sobs) Anong nangyare dito!? WAHHHH!!!” Nasusunog na ako ng apoy, bumagsak na ang kisame malapit sa pinto kaya di na ako makalabas. Wala na akong choice, tinalon ko ang bintana kaya nabasag to, napalingon pa akong saglit bago ako tuluyang mahulog at nakita ko sa tapat ng bintana si Joshua, at si Nicole, kasama ang isang bumbero na nakatitig sakin na sobrang gulat at pagtataka.

“Hindi maaari… patay na sila, nakita ko ang bangkay nila, sunog…” tuluyan na akong nahulog at tumama sa lapag ang katawan ko, nalasog ang katawan at nag-aagaw buhay. Narinig ko si Britney, “Sa wakas!”… pero hindi ako nagtagal at nanagutan na ako ng hininga.

(GASPS!) Napaupo ako sa kinahihigaan ko, Bangungot lang ang lahat… tiningnan ko kung anong oras na, 1:30 am, Monday. bumigat ang pakiramdam ko… Familiar ang feeling na to… I sense something bad. Narinig kong may tumatakbo sa hallway. Nakita ko sa may pintuan namin si Britney, nagmamadali. Bakit naman susunugin ni Britney ang dorm?? hindi niya magagawa yon!

tapos biglang tumunog ang fire alarm. Putangina panaginip na naman ba to!? Hindi kaya? “WAHHHH!!!!” nagtilian ang mga tao sa dorm at tumakbo na palabas, uminit ang paligid! tangina may sunog nga! Ginising ko sina Joshua at Nicole at tumakbo na kami palabas ng dorm pero may nakabangga sakin sa hallway kaya natisod ako at nauna na ang dalawa. may narinig akong bumagsak, pinulot ko to…

“(gasps!) Sinong nakahulog netong lighter!?” Ugh bakit ba ako nagtatanong dapat lumalabas na ako ng dorm, nasan na kaya sila Nicole? Tumakbo na ako at nakalabas na ng dorm, nakita ko ang mga pulis at narinig ko na ang mga sirena ng bumbero na nakarating sa dorm at naglabas na ng mga hose. Nakita ako ng Head namin at tinanong ang tungkol sa lighter na hawak ko. Hinablot niya ang wrist ko at inangat.

“Ano to!? LIGHTER!? BAKIT KA MAY LIGHTER!? Anong pinag-iisip mong babae ka!? Sinunog mo ang dorm!”

“Mam! di ko po sinunog yung dorm! naki—“

“PULISS!!! PULIS! Arestohin niyo to! Napakalaking kalokohan ang ginawa mo!”

“Pero hindi po ako iyon!” hindi na nila ako pinakinggan at dinala ako sa loob ng sasakyan ng police, tinangka kong lumabas pero sinarhan nila ako ng pinto kaya nauntog ako ng sobrang lakas.

Pagdating sa police station

“Hija bakit ka ba may dalang lighter ng ganong oras?” Ang kulit di nga akin un

“Napulot ko po yun nung nagtatakbuhan lahat ng estudyante palabas ng dorm.”

“May nakakita ba sayo nung pulutin mo yon?” nakakainis na to ah!

“Wala po siguro”

“So pwedeng nag-iimbento ka lang ng kwento!” Tangina mo!

“Hindi po! natisod kasi ako tapos nakita ko na lang po yung nahulog na lighter!” Ano pa ba kailangan mo?

“Sa ganong sitwasyon, nagawa mo pang pumulot ng kung anu-ano? Oh? bakit parang pinagpapawisan ka?! Hija may tinatago ka ba?” Aba!

“E gago po pala kayo eh, pinipilit mong ako yung nagsunog ng dorm, malamang mapepressure ako! ni hindi niyo nga ako binigyan ng oxygen para makahinga man lang, tapos putanginang tanong niyo kung bakit ako pinagpapawisan? Ano bang klaseng mga pulis kayo?” Nainis na talaga ako… umiwas na lang ako ng tingin pero pagtingin ko sa kanan, nakita ko sina Joshua at Nicole na nakatayo, abo na lang… HINDI MAAARI! NAGISING KO KAYO NUN! ANO BANG NANGYAYARE!?

(Gasps!) Gumising na naman ako sa bangungot ko, naramdaman ko ang luha sa mga mata ko. hindi ko na kaya. hindi ko na alam kung alin ang totoo sa panaginip! epekto siguro to ng paggamit ko ng droga, hindi ko alam kung bakit pa ako sumama kila Vince na adik adik. ayoko na! tumingin ako sa orasan, 1:20 am, Monday. Ayoko na, hindi ako makukulong at mamamatay ng dahil sa sunog na to… nakita ko si Vince na dumaan sa hallway… may dalang lighter… Hindi kaya’t siya ang sumunog sa dorm? Mangyayari na naman, sisiguraduhin kong ligtas kaming makakaalis dito. Ginising ko na agad sina Joshua at Nicole, lumabas na kami dorm. nakita kong si Britney pala ang pumindot sa fire alarm, kaya nataranta na ang lahat at tumakbo palabas ng dorm. Nakalabas na kaming lahat. Buhay na buhay sina Joshua at Nicole.

Pagka-apula ng sunog, inembestigahan na ng mga pulis ang nangyare… Nagmula daw sa lighter ang sunog, pero hindi sadya. “Kung hindi sadya, anong gagawin ni Vince sa---“ naudlot kong sabi

“Mam! nakita po naming itong batang to na may dalang droga!” sabi ng officer habang bitbit sa braso si Aaron.

“Ang sunog sa dorm ninyo mam ay nagsimula sa aksidente, dahil sa mga batang to na nagdodroga, sinisindihan nila ang droga at saka nilalaklak.” paliwanag ng officer.

“Pero hindi lang kami ni vince ang gumagamit niyan!” sumbat ni Aaron.

“Nagawa mo pang ikatwiran si vince pagkatapos niyang masama sa sunog!” sigaw ng head namin.

“Kasama po namin siya!” turo niya sakin…

“Kasama namin si Julie na nagdodroga!”

“JULIE?! Nagdodroga ka?!” tanong sakin nila Joshua at Nicole.

“H-h-hindi!!! Niloloko lang kayo niyan! wag mo akong idamay aaron!” sigaw ko

“Sumama kayo sakin!” hatak din sakin ng officer kaya dalawa kami ni Aaron ang pumunta ng police station. inexamine nila ang dugo ko at napatunayang positive ang dugo ko sa drugs… kinulong kaming dalawa sa isang selda na kami lang ang laman.

“Hihihihihihihiihihihi”

“Ok ka lang Julie” tanong sakin nitong si aaron

“Mukha ba akong ok!? WAHAHAHAHAHA! Hindi ako ok Aaron! Ahahah! dahil mamaya lang magigising na ako sa bangungot na to!” nasisiraan na ako. nahihilo na ako kaya napasandal ako sa pader. paglingon ko sa tabi ko, nakita ko si Vince, abo na lang! baliw na ako!

“(gasps!) Tigilan niyo na ako!” sigaw ko nang magising na naman ako sa bangungot ko… 1:00 am, Monday. Nagising sila Joshua at Nicole, dahil sa pagsigaw ko…

“Ok ka lang Julie?!” tanong nila sakin…

“LAYUAN NIYO KO!!!” sigaw ko sa kanila… hindi ko na kinaya, tumalon ako bigla sa bintana nang di ko alam, humampas ang katawan ko sa matigas na sahig, naramdaman ko na ang tunay na sakit. Ngayon alam kong hindi na ako nananaginip, pinaglaruan ako ng isip ko dahil sa droga. Nangyare lahat tulad ng nasa bangungot ko, Nasunog ang dorm, nasunog si Vince, nahuli si Aaron, at napag-alamang nagdodroga din ako... pagkalabas ko ng ospital, kinulong nila ako sa selda kasama si aaron. baliw...

\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\

Yan po ang 1st one shot ko :) pumasok lang yan sa isip ko and isang gabi ko lang siya ginawa... Ayun lang... vote if you like it! Comments? sana nagustuhan niyo po ang "1:37 AM" :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

1:37 AM - One Shot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon