Ang bilis ng oras at panahon, Friday na naman.
"Yhanie, kumain ka na ng almusal. 'Wag kalimutang mag-toothbrush." sabi ni Mama.
Pumunta na ako sa may lamesa at kumain.
"Yhanie! nandiyan na si Kuya Gardo! Bilisan mo!" sigaw ni Mama.
Dumiretso ako sa may lababo at nag-toothbrush.
Nang kukuhanin ko na yung bag ko, tiningnan muna ni Mama yung laman nun.
Nalaman niya kasi na puro lipstick yun laman nung bag ko nung Monday.
-____________-
Paano naman niya nalaman??
"Yhanie! Bakit nga ba nasa sayo tong mga gamit ko?" sabi ni Mama.
Aba, malay ko! >__<
"Hindi ko alam." sabi ko.
(Yeah.. Hindi ko pino'po' ang mama ko. Yung papa ko lang.)
"Magpalit ka ng bag. Ayusin mo nga gamit mo! Ako na magsasabi kay Kuya Gardo." sabi ni Mama.
Dali-dali akong tumakbo para ayusin yung mga gamit ko.
Pagkatapos ng ilang minuto, umalis na kami.
Nandito na naman ako sa school.
Makikita ko na naman si Best Friend! ^o^
Di ko alam kung bakit pero, lagi akong na-e-excite kapag may pasok.
Simula nung nagkaroon ako ng Best Friend, parang ang saya-saya ko lagi.
I mean, mas masaya ako ngayon. :)
P.E. nga pala..
Baka hindi na naman makisama si Gian -________-
Ayaw nga pala niya sa mga laro...
Nang pumasok ako sa room, naglalaro na yung mga kaklase namin.
Siyempre, sumali agad ako. Bata e!
Nang matapos yung laro, hinanap agad ng mata ko si Gian.
Wala pa siya.
Baka naman kasi, hindi papasok?
-________________-
"Yhanie! Laro pa tayo!" sabi ni Nicka.
"Sige!" sabi ko.
"Ano lalaruin natin?" sabi ni Aya.
"Alam ko na! Pataasan tayo." sabi ni Mae.
"Ha? Di maintindihan namin." sabi ni Nicka.
"Pataasan tayo ng maaabot dun sa flag pole!" sabi ni Mae.
Nagngitian kaming apat.
Nag-unahan kami papunta dun sa flagpole sa loob ng room.
"O, sino una?" sabi ni Nicka.
Umurong yung tatlo.
Ngumiti lang ako sa kanila sabay prisintang ako na ang mauuna.
"O sige! Si Yanie daw mauuna!!" sabi ni Aya.
Kumapit ako sa flagpole.
Madulas pala.
Pero, nang nasa kalagitnaan na ako, dumausdos ako pababa.
Nagtawanan kaming apat.
"Yhanie, kaya pa ba?" tanong ni Aya.
"Oo naman! Di ko pa nahahawakan yung dulo!" sabi ko.