Outro

62 6 1
                                    

Outro

[THIRD PERSON'S POV]

Isang linggo na ang nakalilipas nang matapos ang Game of the Grim.

Napag-alaman na si Keisuke sa una pa lang ang idineklarang Grim at siyang tumapos sa mga estudyante ng Aster Academy gano'n din sa mga estudyante ng Hail Academy.

Muli ay nanalo ang Grim laban sa maraming estudyante ng dalawang paaralan.

Si Maya lamang ang sole survivor ng batch nila, ang nag-iisang itinira ng Grim mula sa official players ng laro.

Isang linggo na rin na hindi lumalabas ng kwarto si Maya, hindi siya umiimik sa kahit na sino kaya't sobra nang nag-aalala si Logan para sa kalagayan at kalusugan niya.

Gabi na nang sapilitang pumasok si Logan sa kwarto ni Maya habang may dala siyang pagkain. "Maya, alam kong mahirap 'to para sa 'yo pero kahit konti kumain ka man lang." pahayag ni Logan at naupo siya sa tabi ng kama ni Maya.

Pero bahagya siyang nagtaka nang makitang bukas ang bintana sa kwarto gayong madalas naman itong nakasara.

Lumapit si Logan sa may bintana at nakita niya ang pinagdugtong-dugtong na kumot at damit hanggang sa maabot nito ang lapag. Mabilis siyang bumalik sa kama para kumpirmahin ang lahat, at tumambad nga roon ang mga unan at wala ni anino ni Maya.

Napailing na lamang si Logan at napangiti.

Nasa sa isang tower nakalugar ang kwarto ni Maya. Personal na inilagay siya rito ni Logan para hindi ito makatakas kung sakaling magbalak man siya. Bantay-sarado rin ang buong lugar dahil kailangan niya si Maya at gagawin niya ang lahat para ma-secure lang niya ang dalaga.

Halatang kakaalis pa lang ni Maya dahil mainit-init pa ang kama na pinag-iwanan niya. Kung kikilos si Logan para dakpin ito ay siguradong mahuhuli niya ulit ito pero hindi 'yon ginawa ni Logan, bagkus ay nakangiting tumingin na lamang siya sa maliwanag na buwan buhat sa bintanang nakabukas.

Sa kabilang banda ay pumunta si Maya sa nakasarado na ngayong West Wing ng Hail Academy. Under renovation na ito matapos nga ang mga nangyaring pagsabog. Pumasok pa rin siya kahit napalilibutan na ito ng red tapes.

Mabigat siyang napabuntong-hininga habang pinapasadahan ng tingin ang buong lugar na dati ay puno ng saya at ingay, ngayon ay kuliglig na lamang ang maririnig sa napakatahimik na paligid.

Sa lugar na ito niya nakilala ang mga taong naging malaking parte ng buhay niya.

Sa lugar din itong binawi ang mga buhay nila.

Walang nakakaalam kung saan inilagay ang mga bangkay kaya't walang puntod para pag-alayan ng bulaklak ni Maya ang mga sumalangit niyang mga kaibigan.

Pumunta siya sa mismong spot ng Open Field kung saan nagbuwis ng buhay ang mga kaibigan niya. "Babawiin ko si Canary, pangako ko sa 'yo 'yan, Allen. Dahil tulad mo, kapatid ko rin siya, kapatid ko siya sa ampunan." wika niya sa kawalan.

Napag-alaman ni Maya na nakaligtas sa ampunan ang si Canary pero nasunog ang buong panlabas nito kaya't kinailangan ng matinding operasyon para mailigtas siya, nagbago ang pisikal niyang anyo.

Dahil sa nangyari ay imbes na maging Runner ay bumaba ang kalidad ni Canary at naging Butler na lamang ito, sa panibagong pangalan na Charlotte.

Ngunit si Canary sa ngayon ay kinuha ng Administration. Sila ang magdedesisyon kung anong gagawin nila sa bata.

Sa kabilang banda, wala pa ring nakakaalam kung nasaan na sila Kase at Avery. Maski anino nila ay wala sa lahat ng lupalop.

Nasisiguro rin ni Maya na gumawa ng paraan si Kase para hindi na niya masundan ang amoy nito. Napatunayan niya 'yon noong huli niyang makausap si Kase sa Hail Academy kung saan bigla na lamang itong sumulpot sa likuran niya nang hindi niya namamalayan.

Hail Academy: Game of the GrimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon