A1

0 0 0
                                    

(a/n:

*riiiing*
*riiiing*

"Hello?"
"Eros! May good news ako. Punta ka dito daliiii."
"Di ba pwedeng dito sa tawag na lang? Tinatamad ako lumabas"
"Puta. Kaibigan ba kita?"
"Psh, ok fine. I'll be there in 10 mins."
"Yey! Labyu eros pangit, see you"

After 10 mins, nakaupo na ko sa sofa nyo. Tumabi ka sakin ng may malaking ngiti. Psh ang pangit talaga neto.

"Oh. Anong good news?" tumingin ako sayo ng nakakunot ang noo.
"Eros omg omg. Tapos na yung passport kooooo! Excited na kong makita ang Switzerland!!" sabay yakap mo sakin.
Napabuntong hininga ako.
"Tuloy ka pa din? Di ka na talaga nadala sa paghahabol kay Ivan ano?" sinamaan mo ko ng tingin.
"Duh! Yung Switzerland ang dahilan, not him. Masyado mo kong jinajudge"
"Duh? As far as I know nag apply ka ng passport right after umalis ni Ivan. Nakalimutan mo na ba? Umalis si Ivan kasi ayaw na nya sayo."
Binatukan mo ko kasi mukhang nasaktan ka sa sinabi ko.
"Ay bastusan? Pasmado talaga yang bibig mo. Ikaw nga dyan tagal mong niligawan si Selena kahit alam mong wala kang pag asa!"
"Woah woah woah. Bakit napunta sakin?"
"Eh inumpisahan mo ko eh. Tsaka totoo naman dba, parehas lang tayong mukhang tanga sa mga taong mahal natin. Wag kang magmalinis."
"Magkaiba tayo, ikaw harap harapang sinabi sayo na ayaw na sayo pero patuloy ka pa ding sumusunod. Dakilang stalker  tsk"
"Aba aba teka! Bakit si Selena din naman ah. Stalker ka din naman ng babaeng yun dati ah"
"Dati yun."
"Pero atleast naging tanga ka din, Eros"
"Siguro nga tanga ako. Dati kay Selena, kahit nagbibigay na sya ng dahilan para sumuko ako di ko sya sinusukuan. Pero napagod din naman ako. Pero bakit ngayon parang nauulit na naman? nagpapakatanga na naman ako. Nagmamahal naman ako ng babaeng malabong mahalin din ako pabalik."
"Shet Eros, naglilihim ka sakin ah. Wala ka atang nababanggit sakin na may bago ka na namang kinalolokohan. Tell me sino---"
"Ikaw"
"Weh ulol?"
"Oo nga! Yan hirap sayo eh. Nasa tabi mo na palagi yung nagmamahal sayo di mo pa makita. Patuloy ka pa ding nagapakatanga dun sa Ivan na yun."
"Hala Eros parang gago. Pinagsasabi mo?"
"Wala. Sige ingat ka. Balitaan mo na lang ako pag nasa Switzerland ka na." tumayo ako at dali daling lumabas sa bahay nyo.

Habang naglalakad ako pauwi, tumawag ka. Nagagalit ka na dahil sa sinabi ko. Pero para manahimik ka. Sinabi kong prank lang yun. Puro "putangina ka eros, mamamatay ako sayo, anak ka talaga ng demonyo, ulolen" naririnig ko sayo. Nanahimik lang ako at binaba ang cp ko. Kung alam mo lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon