Kabanata 09

3 5 0
                                    

"This is so romantic." Parang nasa cloud nine si Mey at nagde-dreamy pa ang boses nang magsalita matapos niyang ikwento ang lahat.

Hindi niya pa sinasabing signed and sealed na ang pag-awit ni Kiua sa kasal nito.

"Anong romantic ang pinagsasani mo diyan?" nagsalubong ang mga kilay ni Kliyah sa tinatakbo ng imahinasyon nito.
"Tumigil ka nga diyan at huwag mo itong bigyan ng ibang kulay!Hindi kami talo ng taong iyon!Tinutulungan ko lang siya kapalit ng pag-i-sponsor niya sa dental mission ko."

"Alam ba ng mommy mo?"

"Syempre hindi!" pinandilatan niya ito.

"Bakit naman hindi? Pwede mong i-explain na nagpapanggap lang kayo."

"Gusto mo bang pang-umpugin kaming dalawa ni Kiua? Bukod sa mga taong nasa bahay sa kabila,ikaw lang ang nakakaalam. Subukan mong sabihin sa kahit kanino at bubunutin ko lahat ng mga ngipin mo."

Binalewala nito ang banta niya,sa halip ay ngumiti ulit na parang nagpapantasya.
"Basta. Pagbutihin mo ito. Baka magkatuluyan kayo ni Kiua,eh.Edi may libreng ticket na ako sa lahat ng concerts niya kung sakali."tuwang-tuwang ito.
"Lagi mo siyang bantayan baka masalisihan ka ng Angel na yun." Saad pa nito.

"Huwag kang mag-alala." Ngumiti siya nang pilya.
"Magaling akong artista. Actually, i'm getting better and better at it."ngisi niya sa kaibigan.

"Nasaan kana? Alas sais na hindi kapa umuuwi. Hindi mo man lang naisip na hinihintay kito rito? Anong klaseng fiancée ka?"

Napatingin naman si Kliyah sa hawak na cellphone. Banas ang boses si Kiua sa kabilang linya.

"Hoy!Huwag mong sobrahan ang drama mo. Hindi kana nakakatawa."inis na sabi niya rito.

"Nasaan kana kasi?" Medyo humina na ang boses nito at narinig niya ang mga boses ng babae sa background.
"Hindi ka ba naaawa sakin dito?Daig ko pa ang kapapanganak na sanggol sa pangbe-baby sa akin."

"Tiisin mo. Kakatapos lang ng five o'clock appointment ko. Alangan namang indiyanin ko ang pasyente ko para lang sayo? Hello,kailangan ko ring kumita."

"Tumawag ka man lang sana para sabihing malelate ka. Mamaya magsuspetsa pa ang mga ito."

Tumingala si Kliyah sa kisame. Relax,isipin mo nalang ang dental missions mo. Sabi niya sa sarili.

"Oh,sige na. Tama na. Uuwi na ako at dadaan nalang ako diyan. Masyado kang demanding. I-break nalang kaya kita!"
Pinatayan na niya ito ng cellphone. Nagiging habit niya na yata ang ganito.

Mabilis siyang kumilos para makauwi agad. Dumaan muna siya sa isang mall bago niya pinuntahan ang 'nobyo'.

"Sorry. Na-late ako sa pag-uwi. Nahirapan kasi ako sa paghahanap ng present ko sayo. Happy anniversary,sweetheart."

Nakita niyang medyo natagalan bago maka-recover sa gulat si Kiua. Samantalang si Angel na siyang tanging kasama ng binata sa sala ay napataas ng kilay sa hawak niyang pagkalaki-laking Panda stuffed toy.

"It's okay. Happy anniversary din. Pasensya na hindi tayo makakalabas ngayon. I'll make it up to you kapag nakarecover na ako."

"Ikaw naman,siyempre naiintidihan ko."Inilapit niya ang bibig sa tenga ng binata. "Mahal yan, ipapa-reimburse ko iyan sayo."pabulong na sabi niya.

Pigil na pigil naman si Kiua sa pagtawa sa narinig.

"Let's go eat. Hinihintay ka talaga namin."

Finally (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon