"Sino'ng nagbisto sa inyo?" tanong ni Mey na dumaan saglit sa clinic niya.
Sinenyasan ni Kliyah ang kaibigan na magdahan-dahan dahil baka may marinig sila ng assistant nitong si Glee. Luckily,her assistant was on the phone na sobrang excited dahil sinabi niya na rito kanina na magkakaroon sila ng dental mission at ang sponsor ay si Kiua.
Nang sabihin niya kanina ang tungkol doon ay kinailangan niya pang magpaliwanag na kapitbahay niya ang binata.
Panay pa ang singil nito sakanya na tila obligasyon niyang ipaalam sa publiko na kapitbahay niya ang bokalista.
"Sabi sa news kababata niya raw ang fiancée niya? Eh, dapat kilala niyo rin diba?Maganda ba?" usisa nito sakanya kanina.
"Oo. Maganda pero hindi ako magchi-chismis kaya mabuti pa,asikasuhin mo ang mga ito." sagot niya rito saka binigay ang mga dokumento.
Naka-recover na ang assistant niya at heto ngayon,excited na sa mga tinatawagan na mga mag-o-organize para sa dental mission nila.
"Iyong manager niya yata." Bulong niya kay Mey.
"So ibig sabihin puwede kong ibida sa mga kasama ko sa trabaho na kaibigan ko ang girlfriend niya?" Excited na tanong nito sakanya.
"Tangekk! Hindi pwede 'no! Hindi pa nila alam ang pangalan ko."
"Ayy sayang naman. Hindi bale,hihintayin ko nalang na malaman nila,saka na ako bibida."
"Baliw ka talaga."
"Diba friday ngayon? Ano nga pala ang mangyayari sa date niyo ni Gil?"
"Edi,magde-date parin kami! Ano ba ang nabago?"
"Tsk! Salawan." Bulong ng kaibigan saka tumalikod para umalis na.
Wala siyang dapat ikaramdam na guilt habang kaharap niya ang binata sa suki nila restaurant,pero pangit paring isipin ang sitwasyon niya.
"Are you okay?" Tanong ng binata habang kumakain sila.
"Oo. May iniisip lang ako. I was also wondering if you are willing to join me sa dental mission na ipinapa-organize ko."
"Ofcourse. That's good.Game ako."
"Nice. Pinapaayos ko na kay Glee. Pumayag narin iyong ibang mga kakilala ko. Kiua Havier will be sponsoring it."
"That's good. Huhulaan kong ikaw ang nag kumbinsi sakanya,diba?"
"Oo eh. Kinapalan ko na ang mukha ko. Para kahit papaano ay may pakinabang naman ang mga tao rito sakanya."
"Mas okay kung magpapakita siya sa araw ng dental mission niyo."
"Susubukan kong sabihin sakanya."
Mga ilang minuto ay narinig niya ang pag-ring ng cellphone niya na nasa bag. Nang tingnan niya ang pangalan ng tumatawag ay nakita niyang si Kiua iyon.
"Excuse lang, Gil." Saad niya sa ka-date at tumayo para may privacy ang usapan nila ng kababata.
"Ano na naman?" Inis na tanong niya rito nang sagutin niya ang tawag.
"Nasaan kana?" Tanong nito sa kabilang linya.
"I'm on a date,Kiua. Bakit ba?" Sagot niya.
"Date?" Parang hindi makapaniwalang pagkumpirma nito.
"Oo.Date! A dinner date with a friend of mine."
BINABASA MO ANG
Finally (Completed)
Krótkie OpowiadaniaPaano kapag ang kababatang kaibigan ni Kliyah na isa nang ganap na celebrity dahil isa itong bokalista sa banda ay bumalik sa kanilang lugar dahil sa isang aksidente at idadamay siya sa kamalasan nito sa buhay...