Chapter 3: Nietzsche

217 18 1
                                    

Chapter 3: Nietzsche

"Huy, bilisan niyo na raw sabi ni Sir. Kapag 'di kayo bumaba, 'yung score niyo sa EPP ang bababa."

"Atat ni Sir. Saglit lang naman. Nagbibihis pa kami eh."

Sigawan ang naabutan ko sa classroom pag-akyat ko. Suot ang simpleng puting t-shirt at blue na basketball shorts, galing akong baba para magpalit ng damit dahil hindi ako kumportable na magbihis sa harap ng iba. Kailangan kasi na magpalit kami ng damit para sa gardening at para 'di rin madumihan ang uniforms namin.

"Hala! Ba't ganyan suot mo? Ang ikli ng shorts mo, Kleofe!" 'Di ako sigurado kung sino ang nagsalita pero alam kong isa 'yun sa mga lalaki kong kaklase.

"Huh? Sakto lang naman ah?" Sagot ko at maayos na nilagay ang uniform ko sa plastic bag.

"Hindi. Parang 70s basketball shorts, suotang Patrimonio."

"Gago. Parang pekpek shorts kaya. Babae ka ba, Kleofe?"

Napa-irap na lang ako sa mga sinabi nila. Nagsisimula na naman sila sa pang-aasar sa akin dahil parang babae raw ako kung kumilos. Wala pang ilang linggo mula nang lumipat ako rito sa KES ay ako na ang trip nilang asarin.

"Bastos nitong mga 'to. Palibhasa pangit legs niyo kaya ganyan kayo!" Si Jolina. Isa sa mga babaeng classmate namin na 'di takot pumatol sa mga lalaki. Balita ko ay frat man ang kuya niya kaya siga-sigaan din siya kung kumilos.

"Anong sinabi mo? Tangina mo, tomboy!"

"Tangina mo rin! Nilalait mo 'yung bago?" Tinuro ako ni Jolina. "Ano naman kung feel niyo pambabae 'yung short? Laitin niyo siya kapag 'di na burog mga mukha niyo!"

Yumuko ako at nagpalit ng tsinelas. Pasimple akong natawa sa patol ni Jolina. Sabi ni Mama, masama raw manlait ng mukha ng tao pero ito ata ang exception. Isa pa, nakakatuwa lang na kahit bago lang ako ay pinagtatanggol nila ako.

"Ano? Grade five, hindi kayo bababa? Galit na si Sir!"

Agad kaming nagsibaba para sa gardening. Ang garden namin ay puno ng mga plant box na gawa sa semento at pinuno ng fertilized na lupa. Magkakahilera ang mga ito at tinatawag nilang plot.

"Buhaghagin niyo!" Utos ng teacher namin. "Kayo, girls, tanggalin niyo ang damo sa plot na 'to kasi tataniman din natin 'yan pagkatapos niyo." Dagdag pa nito.

First time kong makakita ng asarol bukod sa drawing sa blackboard kaya naman excited akong kinuha ito. Tinulungan ko ang iba kong kaklase na bungkalin ang lupa sa dalawang plot.

Ayos naman sana lahat pero matapos ang ilang minuto ay nakaramdam ako ng pangangati. Sa sobrang kati ay kinamot ko ang braso ko.

"Huy! Pigilan mo 'yang pagkamot mo. Baka mamantal 'yan." Paalala ng isa kong classmate.

"Tsaka ba't ka naka-short? Malamok kaya. Palit ka na lang ng pants."

Nakaramdam ako ng hiya nang marealize ko na halos lahat sila ay naka-jogging pants o hindi naman ay naka-leggings.

"La Madrid!"

Akala ko ay namali lang ako ng dinig.

"Huy, Kleofe! Tawag ka raw!" Sabi ni Jenny at may tinuro sa likuran ko.

Paglingon ko ay natanaw ko si AA sa 'di kalayuan. Nasa likod siya ng hilera ng halaman na naghihiwalay sa garden at sa school grounds.

Naka-cross ang mga braso niya at may kung anong hawak sa kamay. Dahil siguro sa tayo at ekspresyon ng mukha niya ay naalala ko si Dao Ming Si na favorite character ni Ate sa Meteor Garden.

Judge by its Abuse [ST #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon