Una.
Monday. "Sh*t", bulalas ko nang makita ang orasan ko. "6:46 A.M." Agad-agad akong bumangon. Kinuha ang tuwalya ko at pumasok sa banyo. Pagkatapos maligo, dali-dali akong nagdamit at lumabas ng kwarto.
"Nay, ba't di nyo po ako ginising ng maaga? Di ba po first day ko sa klase ngayon. Alis na po ako." bungad ko sa Nanay ko nung makita ko syang naghahain ng almusal.
"Pasensya anak. Nakalimutan ko. Aalis ka na agad? Mag-almusal ka muna." sagot ni Nanay.
"Wag na po Nay. Sa school nalang po ako mag-aalmusal. Late na po kasi ako. Kailangan ko pang asikasuhin ang mga papeles ko sa eskwelahan."
"O sya. Mag-iingat ka anak."
"Opo, Nay." sagot ko at humalik sa pisngi ni Nanay.
Lumabas na ako ng bahay at sumakay ng tricycle. Pagkadating ko sa eskwelahan, agad akong pumara at nagbayad kay Manong.
"Lexicon Academy." sambit ko nung mabasa ang nakasulat sa ibabaw ng malaking gate ng eskwelahan. "Di ko akalaing pwede pala akong makapasok sa ganito ka-prestihiyosong eskwelahan sa bansa."
Nagmasid muna ako sa mga estudyanteng papasok ng eskwelahan. Sa unang tingin, mapapansin mo nang mga anak sila ng mga mayayaman at makapangyarihang tao. Maraming mga estudyante ang pumapasok na naka-kotse. Mangilan-ngilan lang ang naglalakad.
Napabuntong hininga ako. "Makaka-survive kaya ako dito? Mukhang di naman ako babagay dito e." bulong ko sa sarili ko. Maraming buntong-hininga ang pinakawalan ko bago igalaw ang mga paa ko.
Apat na CCTV Cameras ang makikita sa may Guard House. Napapagitnaan ang guard house ng dalawang malalaking gate, electronic gates that is. Lumapit ako dun sa isang gwardiya at nagtanong, "Manong, asan po dito ang Office of Admissions?" Nagtanggal muna ng black sunglasses ang guwardiya bago sumagot. "I'm sorry, Miss. May you repeat your question please? I didn't understand you." My jaw dropped, big time. Wow, just wow! Spokening dollar pala ang ang mga gwardiya dito. Nabanggit ko na ba na naka-suot nang black suit ang mga gwardiya at may mga earphones sa tainga. Iyan ata ang counterpart nila ng mga walkie-talkies ng mga normal na guwardiya. Dito ata tumatambay ang security team ni President Obama.
Ilang segundo muna ang lumipas bago ako naka-sagot."Uhh, I was asking about the Office of Admissions. How can I get there?"
"Do you have your School Identification Access Card?"
"I don't have one. You see, I'm just new here."
"Oh, I'm sorry. One moment, Miss." sagot ni Manong Guard. Pumasok sya sa Guard House at pinindot ang Intercom. "Good morning, Miss Mina. There's someone here who wants to go to the Office of Admissions. Are you expecting someone? ...Yes, Miss.. Hold on, Ma'am." Binalingan ako ni Manong, "Excuse me, Miss. What's your name, again?"
"I'm Zaira Monique de Castro." sagot ko dito.
***
Ito lang muna. Next time na ang Part Two nitong Chapter One. HAHAHA. Enjoy. ;)
BINABASA MO ANG
How DARE You
Teen FictionStrangers turned friends turned lovers. Paano kung ang isang mala-fairytale na lovestory (sa loob ng isang linggo) ay mapag-alaman mong isang kalokohan lang pala. Isang malaking gag*han. Isang DARE lang pala.