"Ms. Zaira Monique de Castro. That's her name, Ma'am... Okay Ma'am."
Tumango muna si Manong Guard bago humarap ulit sa akin. "The Office of Admissions is expecting you Miss. I am instructed to escort you to the office. Please follow me."Nagsimula nang maglakad si Manong. Sw-in-ipe nya ang ID nya at biglang bumukas ang malaking gate ng eskwelahan. May kinausap muna siya sa kanyang 'walkie talkie' at di nagtagal may humintong golf cart sa harap namin.
"We'll be riding this. This is the mode of transportation here in the school. Lexicon Academy is an eco-friendly school."
Napatango nalang ako. Wow, may eco-friendly palang school. Sumakay na kami sa golf cart. Pinalibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng school. I fell in love.
Ang ganda ng school grabe. Ang sariwa pa ng hangin. Maraming klase ng mga puno ang makikita sa paligid. Naglalakihang mga building ang nakatayo sa magkabilang parte ng eskwelahan.
Di ko namalayang nasa tapat na pala kami ng Administration Bldg. Bumaba na kami at naglakad papasok ng building.
Habang naglalakad kami, may nakita akong nagkukumpulang mga babaeng. Naghihiyawan at medyo may nagtutulakan na. Ano kayang meron?
Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
Nang maabot na namin ang ikatlong palapag, may nagmamadaling lalakeng nakabangga sa akin. And I was like, what the hell? Ni hindi man lang nya ako nilingon o nagpaumanhin man lamang. Hay naku. Hayaan na nga lang.
"This is the Office of Admissions, Miss. I'll be going now. Have a nice day ahead."
Napalingon ako kay Manong Guard nang bigla siyang nagsalita. Andito na pala kami. Tanging 'Thank You' nalang ang nasambit ko.
Nang mapag-isa nalang ako, isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Calm yourself Zai. You can do this.
Inhale. Exhale. Pinihit ko na ang doorknob. This is it.
Pagkabukas ng pinto, bumungad sa akin ang lalakeng nakabangga sakin kanina. My goodness. Anong ginagawa nito dito?
Imbes na tumunganga, pumasok na ko sa opisina. Nakita ko naman ang babaeng todong ngiti. Ito na ata ang head ng admissions.
***
Hi. Short update lang. Tinapos ko lang kasi ang kabuuan ng Chapter1. Pasensya kung hinati ko. Hehe. Sana magustuhan nyo and magkaroon kayo ng drive to want more chapters. Lol. Enjoy! :)
BINABASA MO ANG
How DARE You
Teen FictionStrangers turned friends turned lovers. Paano kung ang isang mala-fairytale na lovestory (sa loob ng isang linggo) ay mapag-alaman mong isang kalokohan lang pala. Isang malaking gag*han. Isang DARE lang pala.