Chapter 3

14 0 0
                                    

Chapter 3

Hiro

Di ako naka tulog ng maayos dahil sa mga pinagsasabi ni April. Para daw kasi kaniya pag lalabas ang babae at lalaki na sila lang date daw yun, yan tuloy kung ano ano na ang naiisip ko.
Maaga akong nagising kahit ang tagal kong naka tulog kagabi, excited lang siguro ako dahil nga lalabas kami ni Kent.

Alalahanin mo Ghaycee bibili kayo ng regalo para kay April at hindi kayo lalabas para mag date, okay? Hindi okay, parang mas gusto kong date eh. No! Its not a date, your going to find a gift for April.

Nag tatalo ang isip ko. Ganto ba yung nag dadalawang isip? Ganto yata yun. Ah basta, buti nalang naka isip na ako ng puwedeng iregalo sa kaniya.

Gamit ang mga dala kong panglinis sa katawan, naligo ako sa bathroom ng  kuwarto ni April. Ginawa ko na ang daily routine ko. Nauna akong nagising sa kaniya. Nakapag bihis na rin ako ng pinili kong damit kagabi, Nagdala rin pala ako ng mini sholder bag para paglagyan ng pera at cellphone ko.

Lumabas ako ng kuwarto, pag labas ko ay ang pag labas rin ni Kent ng kuwarto niya. His wearing maroon longsleeve, jeans and a pair of white shoes. "Ready ka na pala, tara na. We will use my car kaya wag ka nang magdala." Salubong niya. "puwedeng palagay sa bag mo ng phone at wallet ko?" Tanong niya nang napansin niyang may dala akong bag.

"Sure." Pag payag ko. Inabot niya ang wallet at phone niya sakin, nilagay ko agad to sa bag ko.

"Sa labas na lang tayo kumain mg breakfast para pag tapos nating kumain makapag hanap na tayo ng bibilhin." He said.

"Okay."

Pababa na kami ng hagdan nang lumabas si April ng kuwarto na halatang kagigising lang. "Ingat sa date nyo!" At kumaway pa ito "Kuya baka madapa yang si Ghaycee, ingatan mo. Malalagot ka sa akin pag nagagasan yan ng kahit konti." Banta niya pa sa kuya niya.

"Oo iingatan ko to, di ko hahayaang magasgasan to malalagot ako kay kuya Kael kung mangyari
yun." I automatically blush to those sentece. What the- Really? Is this real?

We have arrived at the nearest mall in the subdivision we live in. We decided to eat in the fast food, para na rin mabilis kami makahanap ng bibilhin para kay April. I ordered rice and chicken. Para naman di niya ako pag sabihan na 'dapat kanin ang kainin ko kasi umaga pa'

Pagtapos namin kumain sabi niya ay unahin na muna naming bilhin ang kaniya para makapili ako ng maayos. Pumunta kami sa isang sikat na brand ng mga damit, gusto niya daw na ako na ang pumili ng damit dahil di naman daw niya alam ang taste ni April. Pinili ko ang white fitted turle neck long sleeve at pink jumper short, pag tapos nun ay pumunta kami sa isang brand ng mga sapatos pumili ako dun ng white sneakers para puwede niyang suotin sa kahit na anong outfit na gusto niya.

Natapos na kami sa regalo ni Kent kaya sa'kin naman ang sumunod naming pinuntahan. Sinabi ko sa kanya na sa books store kami mag hanap baka meron doon.

Nag hahanap kami ng gusto kong album ng may nakasalubong kaming kakilala niya. "Date? Ganda ng girlfriend mo pre ah." sabi nito.

"Oy Hiro pare."Hiro? It's sounds familiar. Tinignan ko ng mabuti ang mukha niya. It was my cousin to my mother side.

" Hiro Castro? Ikaw nga! " Sabi ko ng nakomperma ko." Ako to si Ghaycee." Pakilala ko kasi parang nagtataka siya, pati si Kent nagtaka dahil kilala ko ang kaibigan niya.

"Ghaycee Mariano?" Tumango ako. "Oy ikaw pala yan. Boyfriend mo tong si Kent?" tanong niya.

"Ah hindi, kamusta ka na? Sila Tita kamusta?" Tanong ko. Nag tataka parin si Kent kung bakit kami mag kakilala nitong si Hiro.

"Ayos lang naman sila Mama, kayo kamusta?"

"Ayos lang."

"Teka nga, pano kayo nag kakilala?". Nagtanong na si Kent.

"Ah pinsan ko siya sa side ni Mommy, Magkapatid ang Dad niya at si Mom."

"Ah." Parang nawalan ng bara yung lalamunan ni Kent, parang naginhawaan siya. Bakit kaya?

"Sige ah mauna na ko sa inyo. Enjoy kayo sa date kahit wala kayong label." Sabi niya habang paalis narinig pa namin ang tawa niya.

"Loko loko talaga yun." Tumawa rin si Kent.

Nag patuloy na kami ng pag hahanap ng regalo. Pero di ako maka concentrate iniisip ko yung itsura ni Kent kanina nung nalaman niyang pinsan ko si Hiro.

Nakahanap ako ng plain color pink na album since favorite color naman iyon ni April. Nakahanap na rin ako ng mga colored marker at mga pang design Mag papa laminate na lang ako ng picture namin ni april.

Nabili na namin lahat, natapos kami ng lunch. "Bago tayo umuwi kumain na muna tayo, baka malipasan ka ng gutom." Yaya niya sa'kin.

Kumain kami sa isang mamahaling restaurant, dito madalas kumakain ang mga nag de-date or nag cecelebrate ng valentines and anniversary. Bakit dito kami kakain? Kain lang di ba? Tiyaka kailangan mag pa reserve dito.

" Kent masyado naman yatang mamahalin dito. " Sabi ko sa kanya.

"Ayos lang yan, ako ang mag babayad." Sa akin hindi ito ayos, mabubutas ang bulsa niya dito eh.

"Sir do you have reservation? " The women in the counter asked.

"Yes. Kent Lacson." He said. Tinignan ng babae ang hawak niyang notebook. Nang nakita niyang nanduon ang pangalan ni Kent pinapirmahan niya ito.

"Okay po sir. Pakisundan na lang po siya papunta sa table niyo." Paliwanag nung babae. Bakit namumula to?

"Thanks." Sinundan namin yung lalaking tinuro nung babae kanina.

"Kailan ka nag pa reserve?" Tanong ko.

"Kanina lang habang nag hihintay ako sayo." Huh? Kanina? Nakasunod lang siya kanina sakin kanina.

"Puwede naman sa fast food na lang ulit." I said.

"Okay lang naman sa' kin kaya wag kang mag alala. Gusto ko lang namang i treat ka."

ChangeWhere stories live. Discover now