Chapter 7

5 0 0
                                    

Chapter 7

Bodyguards

"Hindi ako yun baka yung kapatid ko." Pagtanggi pa ni Hiro. Kapatid? Kapatid ibig sabihin nag transfer din si Drix dito.

"The other guy? Hindi si kendrix yun. Dahil tahimik siya at hindi nakikipag usap."

"Pano mo nasabing tahimik si Drix?" Hiro asked Von.

"Because he's my classmate."

"What?" He asked in shock.

"I don't like repeating what I already said." After what she said,  she walk away. Naiwan naman na tulala si Hiro.

"Bakit gulat na gulat ka?" Tanong ni April kay Hiro.

"I don't know." He groan.  Simula noon parang nawala sa mood si Hiro. Di siya masyadong nag sasalita.

Ano ba ang nasabing mali ni Von sa kanya? Hanggang sa pag uwi namin tahimik parin siya. Sakanya na ako nakisabay nakakahiya na kay Kent.

"Saan kayo nag stay? Saan ka nga pala tutuloy ngayon? Sa pag kakaalam ko sa laguna kayo nakatira.  Nag transfer ka sa school para tumulong sa business, right?" Tanong ko sa kanya.

"Nag stay kami sa hotel. Tito said, Drix and I are going to stay with you. Pinadala na roon ang mga gamit namin kanina pang umaga. " He said.

"Why? sanay naman akong mag isa sa bahay ah at hindi man lang ito nabanggit ni Daddy. "
I look at him.

"Para may bantay ka at may kasama ka sa bahay. From now on sa akin ka sasabay o kaya Drix. Kailangan nakasakay ka na sa kotse sa oras ng uwian.May curfew ka na ngayon pag lalabas ka at kailangan may kasama ka. Okay?" Grabe bantay sarado naman ako nito. "Utos yan ni Tito at Kuya Kael, kaya wag ka nang pumalag."

I sigh "Ewan ko sainyo kung anong nangyari. Dati naman ah walang ganito, malaya pa nga akong nakakalabas eh."

"Naalala ko nga pala, kahit na di talaga kayo ni Kent kailangan pag lumabas kayo may kasama kayo."

"Isa rin yun eh. Binabantayan rin kami non. Iyun yata ang unang recruit ni Kuya at Daddy."

"Good. You have Three bodyguards."

"Bodyguards mo mukha mo."

Nakarating kami sa bahay. Nauna na palang umuwi si Drix sa amin. Ang dalawa feel at home ang peg ako pa ang nahiya, nung ako ang bumisita sa kanila nahiya ako non ah kahit na kamag anak ko sila.

Nag kulong lang ako sa kuwarto ko. Gumawa ng homeworks at naglinis ng kuwarto. Kainis di rin ba ako makapunta mag isa kahit sa park, kukuha ako ng aso para may isasama akong mag lakad lakad.

Napag desisyonan ko nang lumabas ng kuwarto, ngayon ako pupunta ng pet shop. Si April na lang ang isasama ko.

"Hi!" Pang bungad kong sigaw sa dalawa na nanunood ng T.V, "Pupunta ako ng pet shop si April ang isasama ko."

"Pet shop huh? Isama nyo si Drix." Utos ni Hiro. Aba kasama ko na nga si April eh. Bago ko pa mabuksan ang bibig ko para mag complain nag salita ulit siya. "Para may mag da drive, di pa ayos ang kotse mo."

"Bakit pa kailangan isama si Drix? puwede naman ako na lang mag drive ng kotse. "

"Para mabantayan kayo. Ayoko nga ipahiram sayo  ang kotse baka masira mo rin at wag ka na mag reklamo, dapat nga ako pa ang nag rereklamo dahil gagawin pa akong driver ni kuya." Si Drix na ang nag salita.

Pumunta muna ako kanila April para masabi ko sakaniya. "Hello po." Bati ko sa guard nila.

Pag pasok ko sa loob nakita ko na may ibang mga tao pala. Walo sila pero dalawa lang ang kilala ko sa kanila si Matthew at Tiffany, yung iba di ko na kilala. Mga ka batch sila ni Kent, siguro may activity sila.

"Hi." I awkwardly wave my hand on them.

"Oh hello Ghaycee." Boses iyon ni Tiffany. "Hanap mo ba si Kent? Sorry ah busy siya, may gagawin
kami." Sa boses na nang aasar.

"No. I'm not here for him." I said and ignore her. I heard her groaned. Mukhang napahiya yata siya.

"Ahh si April ba ang kailangan mo? nandoon sa kuwarto niya." Sabi ni Matthew.

"Thanks."

Dumeretso na ako sa hagdan nila. Habang papaakyat ay nasalubong ko si Kent na may dalang mga gamit.

"Oh nandito ka pala Ghy. Bukas ba kanila Hiro ka na sasabay?" He asked.

"Yeah, mukha ngang bantay sarado ako eh."

"Dapat lang. Pupuntahan mo ba si April?"

"Yes. Gusto ko kasing mag pasama sa pet shop. I want a puppy." I said to him.

"Tamang tama kanina pa nag iingay yun dahil gusto ng aso. Nood kasi siya ng nood ng mga dog movies kaya ngayon gusto na niya daw mag alaga, kaya nga lang busy ako sa mga school works."

"Okay, pupuntahan ko na lang siya. Good luck."

Pumunta na ako sa kuwarto ni April. Kinatok ko ng dalawang beses at binuksan na agad ang pinto ng kuwarto niya. I saw her watching at her  laptop screen .

"Hey. Punta tayo pet shop."

"Talaga? Gusto ko nga mag alaga eh." She said.

"Kanina ko lang naisip, nag kulong kasi ako sa kuwarto, paano ba naman yung dalawa binabantayan ako ng lubusan. Kaya naisip ko na baka puwede mag aalaga nalang ako ng aso para may kasama akong mag lakad lakad sa village at para na rin may maaalalagaan ako at makakausap. Mukha kasing lahat ng sasabihin ko ibabalita nila kay Daddy at Kuya."

"Kaya nga eh para tayong mga bata eh, pati nga si kuya masyadong possessive. Tara na nga."

Bumaba na kaming dalawa. Okay na raw siya sa damit niya sa pinaka malapit lang kami na pet shop pupunta.

"Gusto niyo bang ihatid ko kayo?" Biglang tanong ni Kent.

"Wag na Kent, kaya na nila yan." Sabay kapit ni April sa braso ni Kent. Tinanggal naman agad nito ni Kent, kaya masama ang tingin ni Tiffany sa akin ngayon. Ako ba ang nag tanggal ng kamay niya.

"Okay lang Kent. Gawin niyo na lang muna yan. Ihahatid naman kami ni Drix." Sabi ko kay Drix.

"Mag ingat ka, - kayong dalawa ah."

I just nod to him. Pero bago pa kami makapag paalam pumasok si Drix sa bahay nila Kent.

"Bilisan niyo na nga at naiinip na ako."

Kitang kita ko kung paano tumingin ang tatlong babae na kasama nila Tiffany kay Drix.

"Ito na nga eh. Sige Kent una na kami."

'Bye kuya, pag balik namin may anak at pamangkin ka na!" Pang aasar pa nito sa kuya niya. Si Tiffany naman ay masama ang tingin sa akin. Anong ginawa ko dun sa babaeng yun?

ChangeWhere stories live. Discover now