[Shot 2] The Leaders

564 22 0
                                    

~·~·~·~·~·~·~·

The Leaders

~·~·~·~·~·~·~·

Sabi nga nila, All good things have a cost. Ang pagmamahal ko sa kaniya, may bayad. Ang kabayaran? Careers naming dalawa.

Ako nga pala si Chaerin, otherwise known as CL from 2NE1. Isang sikat na girl group ang 2NE1 sa buong mundo, siyempre dahil ako ang leader. What? It's not called arrogance if it's true. Tss.

Nandito ako ngayon sa dressing room, getting my hair and make-up done. Mag peperform kasi ang 2NE1 ngayon sa isang charity event. Enjoy ko na sana eh, kaso walang bayad. Kaya eto ako ngayon medyo bad trip.

"Hi CL!" Tinignan ko muna sa salamin kung sino yun at sabay humarap sa kaniya at binigyan siya ng PINAKA killer ko na smile.

"Hi GD!" Sabi ko habang patakbo sa kaniya. Si GD, siya ang leader ng Big Bang. Same agency kami at kagaya namin, sikat rin sila.

"Wow! You really are the baddest female" Sabi niya habang iniikot niya ako.

Bigla naman akong nakaramdam ng butterflies sa tiyan ko. Siyempre itwirl ka ba naman ng mahal mo sino ang hindi kikiligin nun? Oo siya ang mahal ko. At alam kong mahal rin niya ako pero ni isa sa amin walang umaamin dahil kagaya nga ng sinabi ko kanina, same agency kasi kami eh. At merong rule na nagsasabi na bawal makipagdate sa kapwa YG (Name ng agency namin yun).

"You ready?" tanong niya sa akin pagkababa niya sakin.

"Yep." Aalis na sana ako ng nagsalita yung hairdresser ko.

"Pero hindi pa po ako tapos sa pagaayos ng buhok niyo!" tumingin ako sa kaniya habang nanlalaki ang mata ko.

"I said I'm ready." Sabi ko habang nakangiti ng peke.

Lumabas na kami ng dressing room ko at hindi katagalan ay may binulong yung bruhang hairdresser ko "Tss. Hindi lang baddest female, the bit..."

Hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi dahil sa nilabas na ako ng manager ko, at bumungad sakin ang mga sigawan ng fans.

"CL!" Pagwewelcome sakin ni GD.

"GD!" Pagsagot ko naman.

"Represent the YG baby baby!!"

------

Pagkatapos ng performance namin, nag 90 degree bow na kami sa fans at aalis na sana ako ng biglang hawakan niya ang kamay ko. At hindi lang ito bastang hawak lang ng kamay, ito yung tipo na nasa gitna ng fingers ko yung fingers niya.

Nagulat ako sa ginawa niya at tumingin naman ako kay sa head ng agency namin at halatang nagulat rin siya.

"Excuse me everybody" Pagkasabi ni GD nun ay nagsitahimik ang mga fans.

"I would just like to announce that CL and I are officially dating. We can go public now right honey?" Sabi niya sabay kindat sakin.

"GD, ano bang ginagawa mo?" bulong ko sa kaniya habang nakangiti parin sa mga fans.

"Just trust me babe." Ano daw?! Babe?

"That is all." Sabi niya at nag peace sign siya sa mga fans habang nakatalikod at hawak hawak parin ang kamay ko. Oh no.... No no. What has he done?!

~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·

Their performance on the side.

Kung gusto niyong maging buong libro 'to just VOTE for this shot.

Don't forget to become a fan and don't forget to follow @StorySneakAPeek on Instagram for sneak peeks!

One Shot Collection: SkydragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon