Chapter 9

72 8 0
                                    

Nandito nako sa kwarto ko para magpahinga dahil sabi ng doctor ko bawal akong mapagod

Naalala ko lahat ng sabi ni mama sken ng malaman nyang gusto ko si Mar

{Flash back}

1 month ago

"Sabi kona nga ba eh may something kayong dalawa ni Mar"

Masayang sabi sken ni mama na kinakunot ng noo ko wala naman akong nakwekwento

"Po?"

Tanong ko kay mama kse hindi ko alam ang pinagsasabi ni mama sken

"Kailan ang kasal"

Masayang tanong sken ni mama na kinagulat ko wala na man akong matandaan na may ikakasal

"Sinong ikakasal"

Tanong ko Kay mama na kinakunot ng noo nya sken sino kayang ikakasal

"Ikaw at si Mar diba?"

Tanong nya sken na kinagulat ko sino naman nagsabing chismosa sa nanay ko

"Sino pong ng Sabi?"

Tanong ko Kay mama na kinakunot ulit ng noo ni mama

"Wala"

Tipid na sagot nya sken nagsimula nang magsibagsakan ang mga luha ko na kinagulat ni mama

"Oh anak bkit ka umiiyak?"

Tanong sken ni mama na napawi ang ngiti"

"Ma,mamatay nko"

Sabi ko kay mama na ngayon ay lumuluha na rin hindi tumigil ang masagana kong mga luha

"Wag mong sabihin yan anak mabubuhay kapa ng matagal"

Sabi sken ni mama hindi parin tumitigil sa pagbuhos ng luha si mama

"Ma alam mong umikot ang buong buhay ko kay Mar"

Kausap ko kay mama na kanina pa umiiyak alam mong nasasaktan sya naramdaman ko yon bilang isang anak

"Alam mo anak nandito lang si mama hindi kita iiwan"

Sabi sken ni mama na humihikbi sa sobrang pag-iyak
Alam kong matapang si mama pero nasasaktan sya sobra ng palihim pinapakita sken ni mama na malakas sya kung nahihirapan ako mas nahihirapan si mama

Ayaw ko na dumating ang oras na mawawala nako sa mundo ang pinaka masakit na makikita ko ang pagluha ni mama at papa

"Kaya ma may paki usap ako wag mong sasabihin kay Mar ang feelings ko pwede ba yon ma?ayaw ko sya masaktan"

Paki usap ko kay mama tumango lang ito bilang sagot Kaya ko hindi inaamin ang feelings ko kay Mar ay ayoko syang masaktan sa oras na mawawala nako

Niyakap ako ng mahigpit ni mama lumuluha parin sya unting unti na dudurog ang puso ko sa mga hikbi ni mama wala akong magawa para patahanin sya dahil alam kong kahit hindi na sya umiyak ay unting unti na dudurog ang kanyang puso

"Ma wag nyo po akong ipagamot magsasayang lang po kayo ng pera mamatay rin na po ako"

Sabi ko Kay mama ng magpacheck up kami sa doctor ko

"Hindi anak hindi ko hahayaang mamatay ka wala na lahat sken wag lang kayo ng papa mo ang pera na papalitan ang buhay mo hindi na"

Sabi sken ni mama niyakap ko sya mahigpit tumulo ang mga luha ko

{End Flashback}

Hindi ko na malayan na tumulo na pa ang masagana kong luha dahil sa mga naalala ko mga pinag-usapan namin ni mama non

Tinawagan ako ni Sam niyaya nya ako na mag mall kami bibili daw sya ng mga gamit nya saktong may bibilhan rin ako regalo ko kay Sam sa birthday nya at kay Mar and, Kennth

Nagsuot lang ako ng simpleng crop top at at isang maikling short na maong sinundo na nya ako sa bahay ng hintay kami sa terminal para makapunta na kami sa mall

Magkatabi kami ni Sam ng upuan nagpababa na lang kami sa tapat ng groceryhan malapit sa Kabanatuan SM Mall sinalubong kami ng guard sa mall check nila ang mga gamit namin kung may mga armas o ilegal na gamit ng macheck na nila pinapasok na kami

Hinila ako ni Sam sa bilihan ng mga gamit ng pambabae namimili na sya ng mga gamit na tahimik akong naglakad papunta sa couple necklace ng hindi nya namamalayan tumitingin na ako sa ng mga couple necklace ireregalo ko sana kay Mar ang necklace nato binili ko ang isang simple couple necklace na puso na may susi

Bumalik nako sa kung na saan si Sam kanina namimili parin sya ng mga bibilhin nya ang mga binili nya ay pamunggos,make up, lipstick,at marami pa

Nagpunta kami sa counter para bayaran ang mga binili ni Sam umakyat na kami sa taas para bumili ng mga damit binilhan ko naman si mama ng isang magandang dress dinamay ko na rin si Kenneth sa pamimili ko madami akong pera dahil inipon ko talaga ang pera ko sa bangko hindi alam ni mama at papa na nagpabukas ako ng account sa bangko gusto ko kse na pag nawala ako ay may pera silang pambili ng mga kailangan nila

Ng makapili kami pumunta na kami sa counter para bayaran ang mga binili namin sunod naming pinuntahan ang mga bilihan ng mga hikaw,singsing,at iba pa hindi nako ng dalawang isip na bumili ng isang singsing na may diamond sa gitna nito nagpunta na kami sa counter para bayaran ulit ang mga binili naming dalawa

Bumaba na kami sa bilihan ng mga damit ng maagaw ng pansin ko ang bilihan ng mga voice toys niyaya ko si Sam na pumunta doon bumili ako ng isang malaking voice toy mas malaki ito sken bumili na rin ng mga maliliit na mga voice toy nagpunta na kami sa counter para bayaran ang binili kong mga voice toy

Palabas na kami sa ng mall check ng guard ang mga binili namin habang ng hinintay kami sa terminal sobra dami ang hawak kong paperbag hindi naman ito kabigatan sakto lang

Sumakay na kami ng bus pauwi ni Sam tutulungan sana ako ni Sam na buhatin ang mga binamili ko ng umiling ako baka kse makita nya ang regalo ko sa kanya

Nakauwi nako sa bahay sinalubong ako ni mama na kasalukuyang nagluluto ng pagkain namin simula ng nag-usap kami ni mama hindi na nya ako pinagtratrabaho ng gawaing bahay madali na rin kse akong hingalin








I'm Falling In Love With My Boy BestFriend (UNDER REVISION EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon