"Tristan Babe! Bakit mo kinakampihan 'tong tulo laway na babaeng 'to?! Mas maganda kaya ako sa kanya baveh!" sabi ni Dianne.
"Okey. " sabi ni Tristan at agad na umubob sa kanyang desk.
Haha! Yan pa kinalaban mo Dianne? Eh antukin din yan eh! Isip ni Faith.
"What?! Ugggggh!"-Dianne >.<!
"Ms. Rivera! Ang ingay mo! Manahimik ka nga jan!" sigaw ng bungangerang teacher nila.
"Whatever." sagot naman ni Dianne sabay takip ng kamay sa tenga.
*Boooooooggsshh!*
Nagulat lahat ng estudyante at napaayos ng biglang dumating si Dennis. Si Dennis na kinababaliwan ni Faith. Si Dennis na gwapong gwapo na nakasuot pa ng tuxedo sa panaginip ni Faith.
"Sorry maam, I'm late. " sabi ni Dennis at naglapag ng 1000 pesos sa desk ng tacher nila.
"Okey. Take your seat."
Madalas ganito ang pangyayari tuwing umaga. Dadating siya sa klase ng late at saka maglalahay ng pera sa desk. Sanay na naman ang teacher nila pati na din ang mga kaklase nya. Ayaw na ayaw nya kasi sa mga babaeng palasigaw at bungangera.
![](https://img.wattpad.com/cover/3556939-288-k08b46c.jpg)