Prologue

26 2 4
                                    

"T-teka, n-nasaan na ba ako?" 

Dahan-dahan kong iminumulat ang aking mga mata at medyo malabo ito kaya ipinikit-pikit ko ito hanggang sa dahan-dahan na itong lumilinaw.

Napakaganda ng paligid at ramdam ko ang hangin na dumadapo sa aking balat. Napapikit ako at nilanghap ang sariwang hangin.

Tinignan ko ang aking mga kamay at para bang ito ay animated kung titignan. 

"Nasa loob na pala ako ng larong tinatawag na New World Online"

"Pero bakit parang walang katao tao at napaka tahimik ng lugar na ito?"

Ilang saglit pa bago ako makahakbang ng isa ay may narinig akong kaluskos at nakaramdam ako ng kakaunting kaba sa aking dib-dib pero minabuti ko munang isara ang aking mga mata at pinakinggan lamang ang kaluskos kung saan ito nanggagaling.

Naalala ko ang itinuro sa akin ng aking lolo nung ako ay bata pa kaya ito ay aking gagamitin sa loob ng larong ito.

Ilang saglit pa ay pumabilis na ang paglapit nito sa akin kaya iminulat ko na ang aking mga mata at handa na ako sa pag atake pero agad niya itong napigilan kaya't laking gulat ko na lamang.

Pinagmasdan ko ang mukha nito at nakangiti pa itong nakatingin sa aking mga mata.

Hindi ko alam kung bakit iba ang aking nararamdaman nong una ay takot at pangamba pero sa ngayon bakit parang nag iba na.

Aking iniling ang aking ulo at tinadjakan ang pribado nitong parte. 

"Arggghhhhh!" pag inda nito.

Napasigaw at namimilipit sa sakit habang hawak-hawak ang kaniyang pribadong parte ng katawan habang ako naman ay napahawak na lamang sa aking bibig at nagulat sa aking nagawa.

Nilapitan ko ito at umupo sa kaniyang tabi habang tinitignan itong namimilipit sa sakit.

Napapangiti na lamang ako habang pinakikinggan ko ang pag inda nito sa sakit na kaniyang natamo.

"Hindi ko kailangang humingi ng paumanhin dahil alam mo sa sarili mong ikaw ang unang sumulpot at kabago bago ko pa lamang dito sa laro kaya masyado akong alisto sa mga galaw ng mga manalalaro dito" nakangiting sabi ko sa kaniya.

Gusto kong tumawa ng malakas at hindi ko na talaga mapigilan dahil ang cute niyang tignan sa posisyong ito.

"Better luck next time sir, nakahanap ka din ng katapat mo" 

Tumayo na ako at aktong aalis na ng bigla itong nagsalita.

"Grrr! kung hindi ka lang babae kanina pa kita dinurog" nanggagalit na sabi nito sa akin.

"Okay fine" mahinahong sabi ko.

Akin nang binuksan ang setting at aktong mag lolog out na ako dahil sinubukan ko lang naman muna at bukas pa ako magpapatuloy sa paglalaro nito. 

Nilingon ko muna ito sa aking likuran at nagiwan ng isang salita.

"Bukas samahan mo ako mag grind siguro... Mga alas dos ng hapon" sabi ko sabay ngumiti sa kaniya.

Hindi na ito muli pang nagsalita at itinuloy ko na ang pag lolog out sa larong ito upang ako na ay bumalik sa totoong mundong aking ginagalawan.

Pag tanggal ko ng aking Helmet ay saktong papasok na ng kwarto ang aking ina.

"Oh anak! gising ka na pala halika na't kumain na tayo sabay-sabay sa baba mamaya na yang paglalaro mo" nakangiting sabi sa akin ng aking ina habang hawak-hawak ang door knob ng pintuan.

Tumango na lamang ako at bumangon na sa aking kinahihigaan. Biglang pumasok sa aking isipan ang lalaking una kong nakasalamuha sa loob ng NWO. Napangiti na lamang ako habang inaalala ang mga sandaling iyon. 

"May makakasama na din akong maglaro at mukha namang madami na siyang alam sa larong iyon, baguhan pa lamang ako kaya magagamit ko siya para ako ay lumakas sa larong iyon" 

Bumaba na ako dahil kumakalam na ang aking sikmura at talagang nagugutom na talaga ako hindi ko kayang pigilan ang aking gutom. 

Syempre patay gutom ako eh wala na akong magagawa don.

Sa pagpapatuloy ko bukas ng laro ay sisiguraduhin kong makakakuha ako ng kagamitan sa kaniya kailangan ko iyon para may magamit akong pananggalang sa mga kalaban at para mabilis kong mapatay ang mga creatures sa game na iyon.

Wag nga lang magiging marupok dahil ayokong ma attach lalo na sa loob pa ng game na iyon hinding hindi ako papatol sa loob ng larong iyon never never!

Napaka offensive ko naman ata at para bang napaghahalataan na akong...

"Nak! kain muna bago yang iniisip mo" 

Bigla akong nagising sa katotohanan ng marinig ko ang boses ng aking ina at kita ko ang aking kamay na may hawak na kutsara kaya isinubo ko na ang kanin na nasa kutsarang ito.

Basta bukas ay alam ko na ang aking gagawin upang ako ay mabilisang lumakas sa larong NWO.

Itinuloy ko na ang aking pagkain dahil baka ako pa ay mabulyawan ng aking ina at muling sabihin ang kaniyang linya na "Hindi dapat pinaghihintay ang pagkain" sabagay tama naman kasi si papa hindi na nag dalawang isip at kinain na si mama kaya nagawa ako.

Napaka dumi talaga ng utak ko at puno ng kalokohan.

UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon