Chapter 1: Arrival

29 4 2
                                    

It was already 6 AM when I arrived in the Philippines. Yeah you heard it right, I am all alone carrying this gigantic black suitcase full of deadly weapons. Nasa loob nito ang itim na briefcase at bag na ibinigay ng nakakataas kahapon. Wala akong dalang kahit anong gamit at tanging iyon lang.





Bago ako umalis, ibinilin sakin ng nakakataas na kailangan kong maging maingat dahil luluwas ako sa Pilipinas bilang ordinaryong mamamayan, which means I am not allowed to take the agency's private airplane, which also means my safety is at risk.






Nasaktong may nakompiskang mga drug paraphernalia rito sa airport kahapon kung kaya't mas pinaigting ang seguridad sa lugar na tinatapakan ko ngayon, ngunit sa kabila nito ay kampante akong walang makakaalam at walang makakahuli kung anong totoong laman ng bagaheng dala ko dahil sa aparatong gawa mismo ng tapat kong kaibigan, kahapon din mismo.






Ang aparatong sinasabi ko ay maihahalintulad sa isang transparent plastic na kung saan kailangan mo itong ibalot sa isang gamit upang maitago at maprotektahan ito mula sa scanners.







Papalabas nako ng Atkinson Airport nang may tumawag sa aking telepono kaya bahagya akong napahinto para sagutin ito.







"Adair." Sambit ko at pinagpatuloy ang paglalakad hawak ang mabigat na maleta sa kaliwang kamay at telepono naman sa kabila.








Si Adair Kulikov, o mas kilalang Hendrix ng Flame Agency ay isa sa apat na may hawak ng mataas na posisyon sa aming ahensya. Sa Pilipinas siya nakadestino kung kaya't siya rin ang naatasang gumabay sakin sa misyong ito.








"I'm already here, Moya ledi." The Russian jerk from the other line said in an annoying tone. I can already imagine his smirk. "Potoropis', pozhaluysta." (Hurry up, please) wish I could immediately wipe it off his face with my fist.







Ngiti akong napairap sa hangin. I usually can't stand this jerk's arrogance but he's going to be my companion so I don't mind wasting my patience. "Oh shut up, Hen---" Damnit!





Naputol ang sasabihin ko nang may makabangga ako.






Alerto kong inilagay ang maleta sa likod ko kasabay ng pagsalo niya sa telepono kong tumalsik mula sa mga kamay ko. Hawak hawak ng Poncho Pilato'ng nakabangga ko ang cellphone ko gamit ang kanang kamay, habang ang kaliwang kamay naman ang gamit niya upang maalalayan ang bewang ko.






Wait.... did he just?!








Agad akong humakbang paatras kasabay ng pagtulak dito ng bahagya at mas mabilis pa sa kidlat na binawi ang telepono ko mula sa mga kamay ng demonyo.







"Ooh that's exactly my type! Agressive." He laughed.







Ang mata niyang itim na itim ay tinitigan ako na para bang naghahamon ng kompetisyion, kaya't sinalubong ko rin ito ng matalim na tingin. I can't stand losing.







Ilang segundo ang lumipas nang napansin kong bahagyang umangat ang kaliwang labi niya na tila nagpapahayag ng pagkapanalo, ngunit sa 'di niya inaasahang pangyayari ay nauna niyang inilihis ang kanyang paningin sa kadahilanang may tumawag sa telepono nito.







Tumingin din ako sa ibang direksyon at nagpakawala ng isang nakakainis na ngiti. Sige, confidence pa nga.







Taming the Monsters of Ophelion Academy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon