Chapter 4: Wrath of Embarrassment

18 4 0
                                    


A Z A R I A

There are lots of things running through my mind right now, so I decided not to attend my afternoon class. Oo na first day na first day cutting ginagawa ko. But it doesn't matter anymore. I heard that normal students happen to cut classes too, which means I could also do the same since I'm just an acting-normal student, so why bother?



I'm heading towards the school garden located at the back of the Engineering Building. Medyo tago ito at madalang puntahan ng mga tao kung kaya't tahimik. I felt like my ears are getting swollen cause of too much noise from those damn people. I want an hour of silence atleast.


Sa ilang minuto ng paglalakad ay narating ko ang hardin. Hindi ko maiwasang mapamangha dahil sa ganda ng mga halaman at ibat ibang klaseng bulaklak ang bumubuo rito. Sa kabila ng kalumaan ng fountain sa gitna ay hindi maitatago ang ganda ng lugar. Lalo na't tahimik...



Nakahanap  agad ako ng punong maaaring tambayan. Walang ano-ano'y inakyat ko ito at naghanap ng matibay na sanga sapat na para mahigaan. Tahimik akong nagpasalamat dahil walang langgam o anuman, mahirap na 'pag nagkataon.




'I trust you'




Paulit-ulit na dumadaan sa isipan ko ang mga katagang 'yan. It's just so ironic to think that lots of people put their trust on me.... but I can't even trust myself.




I've been so proud of myself and what I am capable of... not until that day happened. The day I first hated myself that I even wished to just die without anyone noticing it.




Pinikit ko ang mga mata at dinama ang hanging dumadampi sa balat ko, rinig ko rin ang agos ng tubig mula sa fountain at paggalaw ng mga dahon sa punong kinalalagyan ko ngayon.... Kaya't tuluyan nakong nilamon ng antok.



Napamulat ako sa isang pamilyar na lugar. Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa lugar nato. Natatandaan ko pa ang huling punta ko rito at masasabi kong ayoko nang bumalik pa saimpyernong 'to. Ayoko na..



Paulit-ulit kong sinubukang maglakad at tumakbo sa pero 'di ko magawang makaalis sa pwesto ko. What's wrong with me? Argh! I pulled my hair out of frustration. Tangina nababaliw nako.



'Soleil!'

'Help us, Moya ledi!'

'Fuck! Don't just sit there!'


Nakarinig ako ng mga pamilyar na boses sa likuran ko. Damn! 'Di ako nagkakamali, kilala ko ang mga 'to. Kilalang kilala ko ang mga boses na paulit-ulit tinatawag ang pangalan ko. 


Inangat ko ang paningin ko at saktong tumama ito sa isang blankong tingin ng taong matagal ko nang hindi nakikita.... ang inakala kong di ko na makikita kailanman.


H-hindi...Imposible 'to...


'L-leon..' I automatically muttered his name. Akma nakong tatayo para yakapin ito ngunit nagulat ako nang bigla itong dumukot ng baril at walang pagdadalawang isip na tinutok ito sakin.


'Yes it's me, my dear Soleil.' He grinned. 'Why won't turn around and see who's calling you.'



Unti unti akong lumingon at kusang bumigay ang tuhod ko nang makita ang lagay ng tatlong importanteng lalake sa buhay ko. 'N-no...T-this can't be.'



Taming the Monsters of Ophelion Academy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon