"Bell! Walang hiya kang bata ka! Bumalik ka rito" rinig kong sigaw ni mama pero di ko na ito pinansin. I need to know who's that guy na nakita ko sa palengke kanina lang. Mukhang nahalata niyang tinititigan ko siya, or was he the one who followed me last night?
Napadpad ako sa masikip na ally di pa ganoon ka dilim at 3 o'clock palang naman in the afternoon. Tumingin ako sa dulo ng ally then I saw this guy na hingal na hingal. He looks at me then I saw his lips forming into a smirk? I suddenly felt a chill run through my spine.
Hahabulin ko na sana siya sa dulo ng ally ng may humigit sa aking braso.
"Stop" I heard a guy voice behind me.
"What now, Kent?" I asked him at hinarap siya. Wrong timing naman neto oh.
"Let's go back, your mom is worried" He turns around and began to walk away from that ally.
I rolled my eyes, K. fine may time ka rin sakin kung sino ka man. I quietly followed Kent, he's my mom's butler and we went into my family's car.
"Umuwi na tayo" Maikling sabi ni mama sakin na di man lang ako sinulyapan ng tingin.
"Sorry po" pagpapaumanhin ko at pumasok na sa loob ng sasakyan.
Tahimik lang ako sa likod ng sasakyan habang binabaybay namin ang daan pauwi. I can't stop thinking about that guy I met a while ago. He seems so familiar to me. Napakunot ang aking noo kakaisip kung saan ko ba siya nakita. Pero di ko talaga maalala, sadly wala akong maalala kung anong nangyare 3 years ago. I just know na namatay si Dad, sabi nila inatake raw siya ng sakit sa puso. Nung nagising ako mula sa pag ka coma feeling ko parang pinanganak akong muli, wala nga lang akong nadatnang Ama.
Napabuga ako ng hangin, nang may sumagi sa aking isipan.
"Kent, have you seen the face of that guy earlier?" I asked Kent while driving, bigla ko namang nakitang masakit ang tingin na pinupukaw sa akin ni mama.
"Sabi ko nga di mo kilala" Mahinang bawi ko nalang, ano ba naman yan mukhang mangangain si mama ng buhay.
Mag gagabi na ng kami ay makauwi, di ko pa naiisipang mag bihis dahil may plano akong pupuntahan mamaya.
Pagkatapos naming kumain ni mama ng dinner ay ako na nag presentang mag hugas ng plato.
Okay naman na kami ni mama di na siya nag tatampo sa akin. Mag aalas otso na ng gabi ng maisipan kong kunin ang aking wallet at phone na inilagay ko sa aking black shoulder bag. Nag suot rin ako ng cap for disguise outfit.
Sinilip ko si mama sa kanyang kwarto at ito ay busy sa kanyang mga papeles.
Buti at di rito tumitira si Kent at may sarili itong bahay.
Sumakay ako ng taxi at pumunta sa lugar kung saan nakita kong nakasulat sa aking lumang notebook ang address nito. Bumungad sa akin ang malaking mansion at mukhang alagang alaga parin.
May nakatira ba rito? I asked napakunot ako ng noo dahil nakita kung nakasulat sa notes ko na it is our home address. Bakit di na kami ang nakatira dito ngayon? Binenta ba nila ito? Sayang naman, ang ganda pa naman.
"Maganda talaga ang bahay na yan"
"Ay! Palaka!" Nagulat akong napatingin sa lalaking nagsalita. I saw him standing sa gilid ng poste malapit sa gate.
Tinignan ko lang ito, at tinaasan ko siya ng kilay. I saw him smirk and that's when I knew that he's that guy earlier.
"Bakit mo ako sinusundan?" I asked him, nakataas parin ang kilay ko.
"I'm not following you, nagkataon lang na nasa lugar ka kung nasan ako" He rolled his eyes and turn to look at the house in front of us.
Napangiwi ako, what the?
"Do I know you?" Again, nakataas parin ang kilay ko habang maintriga ko siyang tinititigan.
I heard him sigh, at pinukol ako ng makakahulogang tingin. Napalitan ang mataray kong mukha na nakakunot na ngayon.
"What?" I asked him intently.
"Gaios Jaloren, that's my name" He said, while returning my gaze at him.
"Paki--?"
"I hope you will never forget that"
Ramdam ko ang bigat ng kanyang nararamdaman habang papaalis siya sa aking harapan.
Gabing yun, nilamon na naman ako ng aking isipan.
I wished I know what happened 3 years ago, because those incomplete thoughts and feelings hunts me every night.
YOU ARE READING
Fall of Tomorrow
Teen FictionRobell Heruela ay nag iisang babaeng anak nina Mr. and Mrs. Heruela. Dahil siya ay nag iisang babae, pinaghihigpitan siya ng kanyang Ama to the point na they even hired an agent for her to protect her and guard her at all times. But one day sa gitna...