Chapter I

4 1 1
                                    

Robell

Hinihingal akong natapos sa paglilinis ng aking kwarto. I was supposed to go out with my friends today but my dad is a kj so ayun di na ako pumunta. Instead, naglinis nalang ako ng room dahil nababagot ako pag wala akong magawa.

My phone rang; someone's calling through my messenger. Napangiwi ako ng makita ang name ng caller at agad ko iyong sinagot.

"Di mo naman kami sinipot, nakakatampo ka na ah" bungad ng dalawa sakin habang nasa mall sila at kakatapos lang ata nilang kumain.

Napaupo ako sa bed habang hawak hawak pa ang walis paypay.

"Di nga kasi ako allowed lumabas ngayon, pasensya na kayo pero mukhang nag enjoy naman kayo ah" I said while rubbing my face dahil tumutulo ang aking pawis.

"You look tired, nag linis ka na naman ba ng room mo or nag gym ka lang?" Tanong ni Caiah habang nakakunot na nakatingin sakin through the video call.

"Wala akong magawa dito that's why I decided to clean my room, anyway tinatawag na ako sa baba see you nalang bukas sa school mga sweet cakes" nakangiti akong nag paalam sa kanila at pinatay na ang call.

Kumuha ako ng towel pamunas sa aking pawis at bumaba na. Nadatnan ko si Kuya Kyle na nag kakape banda sa may terrace namin habang nagbabasa ng news paper.

"Manang pa timpla po ako ng coffee, doon lang po ako sa terrace" Utos ko kay manang na nasa kusina at pumunta na ako sa terrace kung nasaan si Kuya.

"I guess, naglinis ka na naman ng room mo" bungad niya sa akin habang papa upo ako sa kanyang harapan.

"Yeah right" I rolled my eyes at nag palumbaba sa harap niya.

"Don't look at me like that" Sinulyapan niya ako ng tingin at humigop ng kanyang kape.

"Lalabas ka ba mamaya?" I asked him and tama tama pinatong ni manang ang kape ko sa table.

"Thank you po manang" Nakangiti kong tiningnan si manang.

"Dahan dahan sa pag inom Bell ha mainit yan" Nakangiting iniwan kami ni manang at dumeritso na ulit sa loob ng bahay.

Natuon naman ang aking tingin kay Kuya ng sagutin nito ang aking tanong.

"Yes, may papabili ka ba?" Mabilis akong umiling at inilapit ang aking mukha sa kanya.

"Can I go with you?" mahinang tanong ko rito. Agad namang itinulak niya papalayo ang aking mukha.

"No." Walang alinlangan niyang pag tanggi.

"Sige na Kuya, sama mo naman ako oh. Nakakabagot dito sa bahay" Nagmamakaawang sabi ko dito habang niyuyugyog ang kanyang braso.

"Ask Dad" tugon niya sakin habang patuloy parin sa pagbabasa.

"Dad's not here, anong oras ka aalis? magbibihis na ako ah" Tumayo na ako at pumasok sa loob para maligo at magbihis.

Kasalukuyan akong nag susuklay ng mahaba kong buhok ng may kumatok sa aking pintuan. Binuksan ko ito at ang pagmumukha ng Kuya ko ang sumalubong sa akin.

"Let's go" Ika nito, habang nakapamulsang nauna na sa paglalakad.

Binilisan ko ang pag suklay at kinuha nalang ang aking scrunchie sa mesa  pati ang aking shoulder bag na di alam kung nandon ba ang aking wallet. Inilagay ko nalang din ang aking phone at sabay na naglakad ng mabilis papuntang sasakyan.

Nasa loob na si Kuya ng kanyang sasakyan kaya sumakay na ako at sa tabi niya ako umupo.

"Thank you!" Nakangiti kung sabi sa kanya habang nag susuot ng seat belt.

Fall of TomorrowWhere stories live. Discover now