Balon

26 4 0
                                    

Nakatitig sa buwan
Inaalala ang ating mga nakaraan
Mga panahong mga puso natin ay nagmamahalan
Kung saan ikaw at ako ay may pagtingin sa isa't isa, na hindi matutumbasan.
Isa-isang pumatak ang mga luha
Luha na sumisimbolo ng aking hinanakit
Hinanakit sa iyong pagkawala.
Masaya ka na sa bago mo
Samantalang ako, heto
Niyayakap pa rin ang nakaraan na merong ikaw at ako.
Ang mga ala-ala na tila bang kasing lalim ng isang lumang balon
Ako'y nahulog at nalulunod sa sakit ng ngayon.
Gustong gusto ko ng umahon,  ngunit ang puso ko ay para bang isang bato,
Na mas lalong hinihila ako,
Pailalim sa sa kahapon.


-veilarah

 Mga Tula Na Aking likhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon