Nakatitig sa buwan
Inaalala ang ating mga nakaraan
Mga panahong mga puso natin ay nagmamahalan
Kung saan ikaw at ako ay may pagtingin sa isa't isa, na hindi matutumbasan.
Isa-isang pumatak ang mga luha
Luha na sumisimbolo ng aking hinanakit
Hinanakit sa iyong pagkawala.
Masaya ka na sa bago mo
Samantalang ako, heto
Niyayakap pa rin ang nakaraan na merong ikaw at ako.
Ang mga ala-ala na tila bang kasing lalim ng isang lumang balon
Ako'y nahulog at nalulunod sa sakit ng ngayon.
Gustong gusto ko ng umahon, ngunit ang puso ko ay para bang isang bato,
Na mas lalong hinihila ako,
Pailalim sa sa kahapon.-veilarah
BINABASA MO ANG
Mga Tula Na Aking likha
RandomIto ay compilation ng mga gawa kong tula, asahan na ninyo ang malalalim na salita, ibat-ibang genre, maling grammar dahil ang mga tula na nakapaloob dito ay 'on-the-spot' kong ginawa. More on tagalog itong mga tula na ito. Binubuo ng mga tulang may...