PROLOGUE

2 0 0
                                    

Napasimangot nalang ako ng pinili ni crush yung malandi at bida-bida namin na kaklase para sa project.

“Mr. Kael, are you sure na mas pipiliin mo si Ms. Vida kesa kay Ms. Myx na top 1 sa klase?” tanong ni prof.

Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Kael sa screen ng laptop ko. “Yes. Any problem with that, Sir Bernardo?”

Napabuntong-hininga si Sir Bernardo.

“Nothing. Okay class, that's the end for the English subject. You may now take your 30 minutes break. See you again later!” sabi ni Sir Bernardo.

Pagkatapos nun ay pinatay ko ang laptop ko.

Mukhang wala na ata akong pag asa kay Kael, siguro oras na para maghanap ng iba.

Hayst.

Kinuha ko ang cellphone ko at naisipang
magchat sa gc namin.

[“Jowain ko lalake na marunong mag twerk.”] chat ko sa gc ng section namin.

Madaming nagHAHA react sa chat ko. Ni-mute ko ang gc tapos pumunta naman sa FB.

“LALAKE NGA NA MARUNONG MAGTWERK, JOWAIN KO. SEND NALANG NG VIDEO NIYO SA 'KIN.”

Nirefresh ko ang Facebook app ko. Napatili nalang ako ng makita na may 99+ na nakalagay sa notification bar ko, kaya agad ko pinuntahan ang post ko na may 2.6k reacts, 1.1k comments at 1.3k share sa loob ng dalawang minuto.

“Besh, ako besh. Handa ako maging boy para sayo. Charurot!” comment ng bakla kong kaibigan na si Jester. Nag HAHA react naman ako sa comment nya.

“Huy Myx! Atat na atat magkajowa? AHAHAHA.” comment din ng tarant*do kong kaibigan na si Hailey.

“Di ako marunong mag twerk pero pwedeng ako nalang Myx? Pakainin kita ng marami kasi mukha kanang skeleton.” comment ng Online bad boy namin na si Loki.

Gusto ata mamatay ng maaga neto? ಠಿ_ಠ

“Lol. Aral muna bago landi. Tsk.” comment ni Vida-bida. Bigla nalang uminit ang dugo ko sa sinabi nya.

Nireplyan ko sya. “Maling post ka ata. Dun mo yan i comment sa post mo. Lol.”

Napatawa nalang ako sa mag isa sa loob ng kwato ko. Anhaba talaga ng hair ko. Mainggit ka, fleece?

Tinignan ko ulit ang comment section at may dalawang comment ang umagaw talaga sa atensyon ko.

“Myx, baby, I'm sorry. I will do a twerk for you, just go back to my embrace.” comment ni Brixx Astrius, ex boyfriend ko.

Napataas naman ang kilay ko sa comment nya. Binasa ko ang mga replies nun.

“Nangangamoy kambak, Brixx.”
“Ang harot mo, Brixx. Ex mo yan, remember?”
“Awit. Sanaol comeback.”

Kanina tumaas ang kilay ko, ngayon lumaki ang mata ko dahil sa mga replies.

“Naks. Kapag ex, ex nalang. Wala ng comeback.” reply ko sa comment nya.

Natatawa nalang ako sa mga nirereply ko sa mga nagcomment. Tawa ako ng tawa not until nakita ko ang comment ni Kael.

“Delete this post, Myx.”

Maka command na i-delete, wagas. Nagtatampo pa ako sayo.

Nireplyan ko sya. “Bakit? May tayo ba para utusan ako na i-delete ang post ko?”

Maya maya pa ay biglang umingay ang messenger ko. Pagtingin ko si Kael, tinadtad ng chats ang mess ko.

“Babae, delete your post.”
“Magtu-twerk ako para sayo. Just delete your post. Akin kana.”
“Bagal magreply.”

Dahil sa inis na may kaunting..... Kilig.. nireplyan ko sya. “Sayaw ka ng twerk, yung makikita ng madaming tao. K bye.”

Bumalik na ako sa laptop para ipagpatuloy ang Online class namin kasi tapos na ang 30 minutes break.

In-on ko ang cam ko at nakinig kay Sir Bernardo habang kumain ng chippy. Tinaasan ko ng kilay si Kael ng makita ko na masama itong nakatingin sa akin.

Bleh! Bahala ka sa buhay mo!

“A-ah... Sir Bernardo.” nauutal na sabi ni Kael. Kita ko sa screen ang kabadong mukha nito.

“Yes, Mr. Kael?”

“Can I borrow two minutes time in our subject?” Napakagat pa ng labi si Kael. Owemji, ang ganda ng view sa laptop ko pero mas maganda kung ako ang kumagat sa labi nya. Ror.

“Hurry, Mr. Kael.” sabi ni proof.

Tumayo si Kael at.......

“Prrfffff!!!!!”

Naibuga ko nalang ang kinakain kong chippy ng makitang.... Nagtwerk si Kael? Owemji anlaki ng pwet.

“WHAHAHAHAHAA!!!!!” tawa ng mga kaklase ko. Pati ako natatawa na rin.

“Mr. Kael! How dare you waste our time? Write an explanation kung bakit ka nag-twerk sa gitna ng online class natin. 1000 words. You too Ms. Myx, write an explanation kung bakit mo pina-twerk si Kael. 1500 words.” galit na sabi ni Sir Bernardo.

“Bat nasali ako-” napatakip nalang ako sa malaki kong bunganga.

Oof! Naalala ko ang sinabi ko kay Kael kanina sa chat namin.

“Hala....”

Sa dinami-daming paraan, bat sa klase ni Sir Bernardo? Bat sa ONLINE CLASS?

Shutacca.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONLINE CLASS; JOWAIN KO MARUNONG MAGTWERKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon