Una

3 0 0
                                    

/Una/

"Wala kang kwentang anak! Lumayas ka dito sa pamamahay ko! Wala akong anak na bakla! Nakakahiya ka!"

Iyan palagi ang naririnig ko sa aking ama. Sa aking amang palaging iniisip ang kapakanan ng kanyang apelyido at sa sasabihin ng mga tao.

Ano ba ang masama kung bakla ako? Ang pagiging bakla ba ay isang nakakahawang sakit para ipagtabuyan at ikahiya niya ako? Hindi ko siya maintindihan dahil kahit anong pilit kong isipin ay hindi naman mali ang maging bakla.

Nandito na ako ngayon sa aking kwarto. Lahat ng kagamitan ko sa aking kwarto ay inilalagay ko na sa aking maleta. Wala rin naman akong silbi dito sa bahay na ito kaya aalis na lamang ako.

"Anak, kailangan mo ba talagang umalis?" Malungkot na tanong sa akin ng aking ina. Alam kong malulungkot na naman siya dahil ikatlong pag-alis ko na dito sa bahay na ito. Pero wala na akong magagawa pa.

Wala na akong magagawa pa para matanggap ako ng aking sariling ama. Wala na akong magagawa pa para manatili pa rito sa bahay na ito.

Tumango na lang ako bilang pagtugon at kinuha ko na ang maleta ko. Pero bago ako lumabas ay tinignan ko muna ang aking kwarto na puno ng bulaklak at mga paruparo.

Yes, I love flowers and butterflies. Sila lang naman kasi ang nagpapasaya at nagbibigay kulay sa aking malungkot na buhay.

•••••

Ilang araw na nang lumayas ako sa bahay at ngayon ay nakikisilong muna ako sa mga kaibigan ko na sina Adonis,Viente at iba pang mga mahilig magsulat ng mga kwentong kasingganda ng buhay ko.

Tsk, note the sarcasm please.

Habang ako'y nagdidilig sa mga halaman ng aking mga kaibigan ay may nagpakita sa aking harapan na isang napakalaki at napakagandang paruparo. Iba iba ang kulay nito at sa buong buhay ko hindi pa ako nakakakita ng ganitong kalaking paruparo.

Kaya gaya noong una ay napanganga ako sa ganda ng kulay nito. Ang ganda, sobrang ganda nito!

Ilang segundo pa ang lumipas ng umalis ito sa aking harapan kaya sinundan ko ito hanggang sa dumapo ito sa isang kakaibang bulaklak.

Isang napakagandang bulaklak!

Agad ko itong nilapitan at gaya ng ginagawa ng iba ay inamoy ko ito at dahil sa magandang amoy nito ay ako'y napapikit.

Ilang segundo pa ang lumipas ay nawala na ang amoy nito kaya dahan dahan kong iminulat ang aking mata pero ako'y biglang napaupo dahil sa gulat nang makita ko ang aking kapaligiran.

Bakit nag-iba ang aking kapaligiran?

"B-bakit? A-ano ang nangyayari?" Bulong ko sa aking sarili.

"Ginoo, ano pa ang iyong ginagawa dito sa labas?" Tanong sa akin ng isang babaeng nakasuot ng baro't saya. "Malapit nang gumabi kaya kailangan na nating pumasok sa ating mga tahanan. Malapit nang magronda ang mga guwardia sibil."

Pagkatapos nitong masabi sa akin ay agad na siyang naglakad papalayo sa akin.

S-sandali, hindi ba ito panaginip? N-nasa nakaraan ba ako?

Pipikit sana ako at sasampalin ang aking sarili para malaman kung nananaginip ba talaga ako nang may marinig akong malakas na tunog ng mga paang papalapit sa aking kinaroroonan.

"Sandali, mga guwardiya sibil?"

Hindi! Nandito nga ako sa nakaraan! Ano na ang gagawin ko? Wala akong tahanan para taguan.

Paikot ikot na lang ako sa aking kinatatayuan at iniisip kung ano ang gagawin ko para hindi ako mahuli ng mga guwardiya sibil nang may humugot sa aking kamay at itinangay ako papasok sa loob ng isang maliit na bahay.

Hindi ako umangal at nagpatianod na lang sa kanya.

"Huwag kang maingay." Bulong nito sa akin saka siya sumilip sa labas.

Madalim dito sa loob kaya hindi ko maaninag ang kaniyang mukha pero alam kong isa siyang lalaki dahil sa kaniyang malalim na boses.

Pagkaraan ng ilang minuto ay hindi ko na marinig ang mga padyak ng mga ito marahil ay nakalayo na sila sa amin .Kaya lumabas na ako sa bahay na iyon para huminga ng sariwang hangin.

Nakakakaba! Muntik na akong mahuli ng mga guwardiya sibil!

"Ginoo, ikaw ba ay nasisiraan na ng ulo? Bakit hindi ka pa nagtago kanina kahit alam mo nang huhuliin ka ng mga iyon kapag nakita ka nilang pagala-gala sa labas?" Medyo may inis ang boses ng lalaking tumulong sa akin.

•••••
@Heaulexues

Even If Time PassesWhere stories live. Discover now