𝗌𝖺 𝗉𝖺𝗇𝗎𝗅𝖺𝗍 𝗇𝗂: 𝙙𝙖𝙢𝙨𝙚𝙡𝙨𝙘𝙝𝙧𝙚𝙞𝙗𝙩sa kailaliman ng gabi ng iyong
pagmumukmok
mas pinili mong idaan sa sulat
ang lahat ng pagsubok
nang simulan mo nang ibuhos
ang pakiramdam na sa puso
mo'y lumalamulukosmasisilayan sa mga mata
mo ang pagkalito
dahil samu't saring bantas
ang kabilang sa
pangungusap
alin ang nanaisin mong
gamitin upang magpatuloy sa
pagsulat?
paano kung magkamali ka ng
paglapat at maging dahilan
upang maiba ang nais
mong ipahayag?makalaunay, mas pinili mo na
lamang na gumamit ng elipsis
tatlong tuldok na
ginamit mo upang
magkaltas ng salita
dahil inakala mong makukuha
naman niya ang iyong
pinakahuhulugan
walang mahabang detalye,
walang paligoy-ligoy, walang
karagdagang impormasyon
sapagkat alam mong
matatapos pa rin naman
ito sa tuldokSubalit paano kung mas pinili mong
gamitin ito sa pandaliang paghinto?na kahit batid mo na ang patutunguhan
ay mapakakawalan mo pa rin ang salitang
naghihintay sa pagbuka ng iyong bibig
at sa paraang ito ay mabibigyang linaw mo
ang nais mong ipahayag
na kahit may paunti-unting
pagtigil
ang mahalga ay wala kang
pagsisisihan.