Chapter 3
"Good morning ma, pa!" masigla kong sigaw pagkagising ko. Naabutan ko si mama na nagluluto ng almusal namin. Si papa naman ay umiinom ng kape sa hapag habang nagbabasa ng diyaryo. Kumuha kaagad ako ng pandesal at pinalamanan ng mantikilya. "Musta po tulog niyo?"
"Aba maganda yata gising mo," nakangising sabi ni mama. Pritong itlog at ham ang almusal namin.
"Paano naman namin malalaman eh tulog kami?" pilosopong sabi ni papa. Ngumuso naman ako at kinagatan ang pandesal. Hindi na nag nagtatampo sa akin si papa pero madalas pilosopo siyang kung sumagot sa akin.
"Siya nga po pala," sabi ko nang may maalala. "Hindi na po ba galit sa inyo Kapitan?" medyo nahihiya pa akong sabihin pero kinapalan ko na ang mukha ko.
"Bakit mo naman natanong?" kinunutan ako ng noo ni papa. "Hindi naman siya tuluyang nagalit sa 'kin. Sa inyo siya galit 'no. Pero hindi naman nagtatanim ng sama ng loob si Kapitan. Naging maayos naman ang trato niya sa akin kinabukasan no'n. Nagpauwi pa nga siya ng pakwan."
Nakahinga ako nang maluwag. Nahihiya pa rin ako sa kalokohang ginawa namin. Hiyang-hiya talaga ako kay Kapitan at sa buong barangay.
"Baka gabihin pala ako mamaya," biglang sabi ni mama kaya naman napatingin kami ni papa sa kaniya. "Birthday ng amo ko. Magkakaroon ng kaunting salo-salo sa canteen. Gusto mo bang sumama sa 'kin, 'nak? Pwedi raw magdala ng anak doon."
Napakamot ako sa ulo ko at umiling.
Taon-taon nagce-celebrate ang amo ni mama sa canteen at madalas akong isinasama ni mama dahil masasarap daw ang pagkain. Bihira akong makatikim ng mga ganoon. Pero hindi ako makakasama ngayong araw. "May pupuntahan po kami ni Lany mamaya eh. Next time na lang po.""Saan na naman 'yan? Baka magnakaw na naman kayo! Sinasabi ko sa 'yo, Jade! Hindi kita pinalaking ganoon." medyo pagalit na sabi papa. Natakot tuloy ako pero pinakalma naman siya ni mama.
"Sa court lang po, pa! Manunuod lang kami ng skateboarding!" kinakabahan kong sabi. Sana naman ay maniwala sila. Hindi naman sumagot si papa kaya alam kong "Yes" ang ibig sabihin noon.
Pagkatapos naming kumain ay naligo na ako. Hindi ko alam pero parang excited ako hanggang sa nagbihis na ako. Maingat kong inayos ang uniporme ko para hindi magusot. Nagsuot din ako ng pulang headband. Naglagay ng kaunting pulbo at maraming pabango. Inayos ko rin ang gusot ng bag ko.
"Baon mo, 'nak!" nagulat ako nang iabot sa akin ni mama ang papel na supot na may lamang tupperware. Napangiti ako nang makita ang kanin na may tortang talong. Sinamahan niya rin ng isang piraso ng saging bilang pang-himagas.
"Thanks, ma!" masaya kong sabi at hinalikan siya sa pisngi na nagpangiti sa kaniya. Iki-kiss ko rin sana si papa kaso pumasok na siya sa banyo para maligo dahil papasok na rin siya sa trabaho.
Paglabas ko ay bumungad sa akin ang maingay at mausok na kalsada. Dumadaan ang mga maiingay na esdyante, tricycle, mga mamahaling sasakyan, at mga truck na may mga lamang produkto na iaangkat nila. May mga ale pang nagkukumpulan sa isang tabi at may hawak na walis-tingting, mukhang nagtsi-tsismisan.
Mabagal akong naglalakad at palingon-lingon sa likuran. Kumunot ang noo ko nang hindi ko masumpungan ang hinahanap ko. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad nang marating ko ang sari-sari store ni Aleng Merna, nagbukas na sila.
"Si Lany po?" tanong ko kay Aling Merna na nagdidilig ng mga halaman niya. Gulat itong napatingin sa akin.
"Ikaw pala 'yan, Jade. 'Wag mo ng hintayin ang batang 'yon dahil male-late ka lang sa sobrang bagal niyang maligo." reklamo ni Aling Merna. Mukhang badtrip pa rin talaga siya sa nangyari.
YOU ARE READING
Worthful Departure
JugendliteraturJade Astrid, a 16 year old girl full of dreams and goals fell in love with Yadriel Jefferson, a 20 year old man living on the same town. Their relationship seems smooth not until Jade's parent got divorced and Yadriel's girl bestfriend crossed the l...