Chapter 5
Sabay nga kaming naglakad papunta sa pinakamalapit na lugawan. Hindi ako mapakali dahil iyong iba sa nakakasalubong namin ay madalas binabati siya dahil sa pagkapanalo nila. Iyong iba naman ay nakikipag-high five kaya lumayo ako nang kaunti para hindi kami ma-issue.
"Akala talaga namin olats na eh. Kaso dumating ka bigla!" natatawang sabi noong isang lalaki.
"Makita mo lang itsura ni Rex kanina parang namatayan."
"Buti talaga umabot kapa!"
Marami pa akong narinig na papuri. Iyong iba ay pangangantyaw na manlibre daw siya pero tumawa lang si Yogan at sinabing sa susunod na lang daw.
Nauna na lang akong maglakad hanggang sa marating ko ang harap ng lugawan. Tumayo lang ako roon at pinag-krus ang mga braso. Mabuti na lang dahil iilan lang ang mga kumakain kaya tahimik.
"Hija, bibili ka?" tanong sa akin ng tindera. "May promo kami ngayon. Buy 1 take 1 na lugaw para sa mag-jowa o mag-asawa!" masaya niyang sabi ng tindera na ikinagulat ko.
"May hinihintay pa po ako." ngumiti ako na parang tanga para hindi mapansin ng tindera na naiilang ako. "At hindi po kami mag-jowa."
Magsasalita pa sana ang tindera pero dumating na si Yogan na parang tumakbo pa mula roon. "Sorry, na-traffic lang sa mga tambay doon."
"Okay lang." sagot ko at tumango para makapasok na kami sa loob. Kaagad akong umupo sa bakanteng upuan kung saan tanaw na tanaw ang kalsada. Inilapag ko naman ang bag ko sa isang upuan. Inilagay naman ni Yogan sa silong ng lamesa ang skateboard niya bago lumapit sa tindera para mag-order.
Ang awkward. Parang nahihiya ako at nagsisisi kung bakit pumayag pa akong sumama sa kaniya. Pero libre naman daw niya kaya titiisin ko na lang ang hiya. Hindi talaga ako sanay na may kasamang iba. Madalas kasi ay mga kaibigan ko lang ang kasama kong kumain ng lugaw.
"Dalawa pong mangkok ng lugaw," sabi niya sabay kuha ng pitaka para magbayad. "At dalawa pong coke." dagdag niya saka lumingon sa akin na parang tinatanong kung gusto ko noon. Tumango lang ako bilang sagot at umiwas ng tingin kaagad.
"Sayang. May promo kasi kami ngayon. But 1 take 1 na lugaw para sa mga mag-jowa o mag-asawa." nakangising sabi ng tindera sabay titig sa akin. Pinunasan ko ang tumagaktak na pawis ko dahil sa awkwardness na nararamdaman. "Magkapatid ba kayo?"
"Po?" gulat na tanong ni Yogan. Napakamot siya sa batok niya. "Ah, ang totoo po niyan ay..."
Bigla siyang tumingin sa akin na parang nagpapahintulot. Bigla tuloy akong kinabahan sa sasabihin niya.
"Live-in partner ko po siya."
Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko. Napanganga naman ang tindera at gulat akong tinignan. Maging ang ilang costumer na nakarinig ay napatingin sa akin. Sa sobrang kahihiyan ay napatakip ako sa mukha ko at isinubsob ang mukha sa lamesa. Anong pinagsasabi niya?!
"Aba susmaryosep! Ang babata niyo pa! May ipapakain ka na ba sa kaniya kapag nabuntis mo siya?! Ang mga kabataan talaga ngayon! O siya, hintayin mo 'to," hindi makapaniwalang sabi ng tindera at nagsalin ng lugaw sa isang mangkok.
Nang medyo mahimasmasan na ako ay sinilip ko si Yogan. Nagtama ang mga mata namin pero umiwas lang siya ng tingin at pinatunog ang kamay. Parang nahihiya sa akin! Mas nahihiya ako sa sinabi niya!
Anong iisipin ng mga nakarinig?! Na malandi ako at maagang nakipag-live in?! Isinama lang niya yata ako rito para gumanti dahil sa pagnanakaw namin sa farm nila eh! Kainis!
Ilang saglit pa ay lumapit na sa akin si Yogan dala ang dalawang mangkok ng lugaw. Kaagad akong tumayo para kumuha ng kutsara namin. Hindi ko na lang pinansin ang tingin sa akin ng tindera.
YOU ARE READING
Worthful Departure
Teen FictionJade Astrid, a 16 year old girl full of dreams and goals fell in love with Yadriel Jefferson, a 20 year old man living on the same town. Their relationship seems smooth not until Jade's parent got divorced and Yadriel's girl bestfriend crossed the l...