Prologue

51.3K 855 135
                                    

Marriage is the promise between to people who love, trust and honor each other. It is a promise that whatever challenges you face, you face them together. It is when you choose someone to spend the rest of your lives together.

Ito ang pinakamasayang araw ng buhay ko dahil ngayon matutupad na ang pangarap kong makasama habang buhay ang taong pinakamamahal ko. Ang taong tumanggap sa akin kung ano ako. Ang taong nagbigay ng bagong kahulugan sa buhay ko. Ang taong hiningi ko sa panginoon. Ang taong pupuno sa mga kakulangan ko. He is the half that makes me whole.

Maaga akong naulila sa aking mga magulang. At the age of 16 natuto akong harapin ang buhay na mag-isa. Unang namatay ang nanay ko dahil sa sakit na kanser. Dalawang buwang lang ang lumipas sumunod  naman ang tatay ko. Siguro dahil sa kalungkutan ng mawala si mama, nagising na lang ako isang araw na iniwan na din ako ni papa.Hindi nakayanan ni papa ang matinding kalungkutan kaya't inatake siya sa puso.

Mahirap lang kami, walang iniwan sa akin ang mga magulang ko. Ganunpaman masaya ang buhay namin nung nabubuhay pa silang dalawa. Salat man kami sa kayamanan, puno naman kami sa pagmamahal. 

Wala kaming malapit na kamag-anak na gustong kumupkop sa akin. Pagkatapos mailibing si papa lahat ng komunikasyon ko sa mga kamag-anak namin ay naputol  na din. Ramdam kong sadyang pinutol nila ang ugnayan nila sa akin dahil walang gustong magkaroon ng obligasyon sa akin.

Naiintindaihan ko din naman, kasi kahit nung buhay pa ang mga magulang ko kami-kami lang din naman ang nagdadamayan. Sa buhay kailangan nating maging malakas, walang puwang sa mundo ang mahihina. Kung hahayaan mong maging mahina, kakainin ka ng mundong iyong ginagalawan.

Natuto akong maghanap buhay para sa sarili ko. Nagtitinda ako nang kahit ano sa palengke araw-araw pagkatapos ng klase ko sa hapon para may ipambili ako ng pagkain at para sa ibang ko pang gastusin.


"Isda...Isda...bili na kayo mga suki"

"Oh Sapphira, presko ba talaga yang isda na paninda mo?Pabili nga isang kilo."

"Oo naman Aling Tinay presko to, kasing presko ko po."

"Ikawng bata ka maloko ka talaga." 

"Ganyan dapat Aling tinay, kailangan talaga laging masaya..pano ko mabebenta tong mga isda ko kung nakabusangot ang mukha ko diba? sabay kindat ko pa kay Aling tinay na suki ko sa paninda kong isda.

"O siya dagdagan mo na, gawin mo nang tatlong kilo."

"Ayun!...swerte ko talaga sayo Aling Tinay.." Mabilis kong tinimbang ang tatlong kilo ng isda para maibigay na kay Aling Tinay. Ganyan talaga pagnagtitinda kailangan machika ka sa mga suki mo para babalik balikan ka.

" O ate...ateng maganda na 'sing ganda ng mga isda ko...bumili na kayo sa akin.."sigaw ko ulit.

"Swerte mo ngayon Sapphira ah madami ka nang naibenta, samantalang ako konti pa lang mapapagalitan na naman ako ni nanay nito mamaya" nakabusangot ang mukha ng kaibigan at kapitbahay kong si Daniella. 

"Dani gurl kong maka Sapphira ka ah, diba sabi ko sayo Fyre tawag mo sa akin para sosyal, babaeng tow! hmmp!"

Siya ang best friend ko at lagi kong kasamang nagtitinda at nagsasideline ng kung ano-ano dito sa palengke. Dalawang taon na ang nakalipas ng iniwan ako ng mga magulang ko at si Dani ang laging nandiyan para sa akin.

"Kaya ayaw kung magtinda katabi mo eh hindi ako nakakabenta, dinadaan mo sa ganda at bola eh"

"Hay naku, diskarte kasi yan...Hayaan mo pag-maubos tong akin, tutulungan kita jan."

The Billionaire's Soulmate ( SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon