"Love..."Napatigil ako sa aking paglakad nang marinig ko ang boses ni Derick. Kahit hindi ko pa siya lingunin,kilang-kilala ko ang boses niya.
Pagkatapos naming nag-usap ni Daniella nung nakaraan napagdesisyonan kong bigyan siya nang pagkakataong makapagpaliwanag sa akin. But, I never expected that it will happen today.
Kagagaling ko lang sa review center . Three months from now, board examination na namin. Hindi ako pwedeng madistract. Kailangan ko nang focus para makapasa ako. Pero paano ko yun magagawa kung halos araw-araw ginagambala niya ako.
Kahit hindi naman niya ako kinakausap o nilalapitan, the mere fact na palagi siyang nakatambay sa harapan nang boarding house namin at palagi siyang naghihintay kung kailan matapos ang review namin is really disturbing me.
Pagod na din ako sa kakaiwas sa kanya. Minsan naba-blangko pa ako. I find it hard to memorize those freaking formulas which make it harder for me to solve and analyze problems. Parang lalabas na ang utak ko sa sobrang hirap sagutan ang mga tanong na hindi ko alam kung nag-eexist ba sa totong buhay.
But, what can I do? Part ito nang journey ko para maging isang ganap na Enhinyero. Sayang naman ang limang taong pinag-aralan ko kung hindi ko pagsisikapang maipasa 'tong board exam na ito.
"Love, please let's talk..." dinig ko ang pagod sa boses niya.
Ibang-iba ang ayos niya ngayon, sa dating ayos niya. Napansin kong medyo pumayat ito, at nangingitim ang palibot ng kanyang mga mata. Humaba din ang kanyang buhok at may tumubong malilit na balbas sa kanyang mukha.
Ang dating maaliwalas niyang mukha at mga matang malamlam ngayon ay napakalungkot tingnan. Ano bang ginawa niya nitong nakalipas at bakit naging ganito ang ayos niya.
I somehow feel guilty, 'coz I know I'm one the reasons why he looks like this, exhausted and tired. But, I cannot show him that I pity him. Kung sana hindi siya naging malihim sa akin hindi kami aabot sa ganito.
Pero ano pa bang magagawa ko, it's done, hindi ko na maibabalik pa. Ang pwede ko lang gawin ngayon ay pakinggan ang paliwanag niya para magkaliwanagan kaming dalawa. Kung ano man ang maaring kahihinatnan nito atleast wala akong pagsisisihan. Walang tanong na patuloy na maglalaro sa utak ko.
"Please hear me Love, pagkatapos nito hindi na kita guguluhin. I just want to explain my side." malakas ang buntong hiningang pinakawalan nito. "Promise...this will be the last Love, lalayuan na kita pagkatapos nito " Nakita kong nanubig ang mata nito kaya hindi ko na rin napigilang maging emosyonal.
Inilang hakbang ako nito at niyakap ako nang sobrang higpit. Hindi ako nakagalaw dahil hindi ko inaasahang gagawin niya iyon sa akin.
"I miss you so much Love, mahal na mahal kita...Hindi ko kayang mawala ka sa akin" madamdamin nitong sabi.
Naramadaman kong yumuyugyog ang balikat niya habang mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa akin. Narinig ko ang pagsinghot nito kaya hindi ko na rin napigilan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.
Na-miss ko rin siya, sobrang-sobra. Yung mga yakap at halik nita at ang pagiging malambing niya sa akin.
Marahan ko siyang tinulak para makawala ako sa yakap niya. Nung una ayaw pa nito pero kalaunan, lumuwag din ang pagkakayakap niya sa akin.
Tinuyo nito ang luha sa aking mga mata at dinampian ito nang masuyong halik. How I miss this feeling. That calming feeling every time he kissed me gently.
"I don't want to see you crying, Love" sabi nito pagkatapos."I'm sorry..."
Hinawakan nito ang aking kamay at giniya ako sa sasakyan niya. Hindi ako kumontra at hinayaan ko lang siya kung saan niya ako dadalhin.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Soulmate ( SELF-PUBLISHED)
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY VALDERAMA SERIES 2 Vin Derick Valderama & Sapphira Audrey Mendez story. Everything happens for a reason sabi nga nila. Kung nasaksaktan ka, bumitaw ka na. Ang pagsuko ay hindi nag...