Chapter 7

11.8K 476 129
                                    


"GOOD morning, Engineer!"

My employees greeted in unison as soon as I enter my company building. Lahat sila tumahimik nang hindi ako nagsalita. Ang mga tunog lang ng takong ng aking sapatos ang tanging maririnig.

Taas noo akong naglakad at hindi man lang bumati pabalik sa kanila. I don't want to show them any emotion.

Tumabi ang mga empleyadong nakapila sa elevator para padaanin ako. Lahat sila ay nakayuko at parang takot na makita ang aking pagmumukha. As soon as I step inside my private lift walang nag-tangkang umangat ng kanilang paningin sa akin.

Better.

I stared at my favorite Bulgari Serpenti tubogas watch while waiting for the elevator to reach my floor. This watch reflects my style. It screams glamour and danger. Para itong ahas na nakapulupot sa aking kamay.

Parang ako ngayon... makamandag.

I'm extra glam up today dahil magkikita kami ni Sebasian mamayang gabi. Tumawag siya sa akin at may sasabihihin daw.Sinadya kong magpaganda at baka kung ano na naman ang sasabihin nito sa akin. Mahilig pa naman ang lalaking 'yon mamuna.

Wearing my red off-shoulder ruched bodycon dress paired with my favorite Manolo Blahnik lurum satin mules and Hermes Kelly tote, I look sophisticated and classy.

Ngayong may pera na ako hindi ako nagda-dalawang-isip na bigyan ng reward ang sarili ko. Para saan pa na naghirap ako kung hindi ko rin naman ma-e-enjoy ang aking mga pinaghirapan?

I heard the elevator dinged when I reach my floor. Pagkalabas ko pa lang, nakita ko ang aking sekretaryang natatarantang tumayo para bumati sa akin.

"Good morning, Engineer!" nakangiti nitong bati sa akin. I didn't smile at her, dumiritso lang ako sa aking opisina.

I am like this to everyone. I don't want them to see my smiles. Ayaw kong makita nila ang kahinaan ko. I don't want someone feeling close to me. I want them to feel intimidated all the time.

All the time and no exemptions.

Ilang minuto pa lang akong nakaka-upo narinig ko na ang katok niya. I told her to come in at pumasok ito na may dalang kape. The aroma of the coffee set my mood. Masarap gumawa ng kape itong si Ana, kuha nito ang gusto kong timpla. Lumabas siya at kinuha ang tablet niya para basahin ang schedule ko sa araw na 'to.

After reading my schedule, I asked her some questions. Gusto ko pang masanay siya sa kanyang trabaho dahil may plano ako para sa kanya. I want to promote her.

Maldita lang ako at masungit pero marunong akong pumuri. I give credits to those who are deserving.

"Did Engineer Meneses submit the blueprints?"

"Yes Engineer. The blueprints for Batangas project are already reviewed by Engineer Dani, it only needs your signature."

"How about the Quotation for Tagaytay housing is it finalized?"

"Pinabalik ko sa Tender Department, Engineer dahil may isang page na kulang ng pirma ng head nila." Tumaas ang kilay ko pagkarinig sa sinabi niya.

"Inform their head to report to me at 10:00. I want her to explain bakit hindi niya pinirmahan. Siguraduhin niyo lang na hindi tayo male-late sa submission dahil kapag itong pag-pirma niya ang maging dahilan kung bakit hindi ko makukuha ang project na 'yon, mabuti pang magbalot-balot na siya." Tumango ito sa akin.

Uminom muna ako ng kape para kumalma ang utak ko, nagsisimula na naman akong maaburido.

"Siguraduhing mong masabi mo lahat ng sinabi ko Ana. I don't want lousy people in my company."

The Billionaire's Soulmate ( SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon