naglalakad si joy papunta sa dance department para magpunta sa dance practice room kung saan sila nagpa-practice at share ko lang, sa isang araw ay birthday na ni joy pero mukhang hindi naman siya masaya.
"joy."
agad na napatigil si joy matapos marinig ang boses na 'yon at dahan-dahan na nilingon ito. doon ay nakita niya si jay na seryosong nakatingin sa kanya, hindi naman malaman ni joy ang kanyang gagawin.
ito kasi ang unang beses na kinausap siya ni jay matapos ang ilang araw. palagi kasing nagmamadali si jay at laging kasama si lucy. kapag naman nagpa-practice sila ay hindi siya nito kinakausap tulad ng dati.
"j-jay.."
"nakita mo si lucy?" tanong nito na mas lalong ikinatigil ni joy.
lucy? siya na naman? natawa ng pagak si joy sa kanyang isipan.
joy just shook her head and when jay was about to walk away, joy immediately stopped him. napatigil si jay at muling nilingon si joy na nakahawak lang sa hem ng damit niya.
"bakit?" kunot noong tanong ni jay dito.
unti-unting tumingala si joy sa kanya. "g-galit ka ba sa akin? bakit hindi mo 'ko kinakausap at pinapansin?"
hindi nakasagot agad si jay at nanatili lang nakatingin kay joy na naghihintay lang sa isasagot nito. hanggang sa maya-maya ay gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni jay at hinila si joy para yakapin.
nagulat si joy sa biglang ginawa ni jay pero hindi na siya nagreklamo pa at niyakap na lang pabalik si jay. magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi niya na-miss si jay dahil ang totoo? sobra niya itong na-miss.
"hindi ako galit at kahit kailan hindi ako magagalit sa'yo, joy." dahan-dahang humiwalay si jay kay joy na hindi makaimik at nakikinig lang sa kanya. "busy lang kasi ako kaya ganun.. at dahil na rin sa napag-usapan namin ni tita, ng mama mo."
"napag-usapan niyo ni mama?" naguguluhang tanong ni joy sa kanya.
tumango lang si jay bilang sagot. "sabi kasi ni tita para malaman ko kung may puwang ako sa puso mo, 'wag daw kitang pansinin at kausapin tulad ng palagi kong ginagawa. subukan ko daw na magpa-miss sa'yo—"
"at akala mo naman na-miss kita!?" agad na hinampas ni joy si jay pero natawa lang ito.
"bakit hindi ba? obvious namang na-miss mo 'ko." inirapan lang siya ni joy na mas lalong ikinatawa ni jay. "okay, kung hindi edi habang buhay na lang kitang hindi papansinin—"
agad siyang pinutol ni joy at iritadong tiningnan. "subukan mo lang talaga jay, kalimutan mo ng naging magkaibigan tayo!"
"so, friends nga tayo?" napanguso pa si jay. "ano ba 'yan, hindi ba pwedeng more than friends?"
at dahil doon muli na naman siyang nahampas ni joy. tumawa lang si jay at pasimpleng inakbayan si joy saka sabay silang naglakad papunta sa dance practice room kung saan sila magpa-practice.
naiinis si joy dahil heto na naman si jay sa pang-aasar at panghaharot sa kanya pero ganun pa man ay hindi maitago ang saya sa kanya at lihim pang ngumiti habang akbay-akbay ni jay.
-♡️-
✎ .ೃ notes ;
walang heavy scenes dito lol, ket sa series 1. almost fluff lang at katarantaduhan like murahan, ganun din dito sa series 2 HSHAHAHAHAHA so don't expect na may magaganap na sobrang drama pero 'di ko knows sa iba— k bye :P
BINABASA MO ANG
campus flirt. pjs
FanfictionCOMPLETED. jay and joy- locked in a complex friendship, engage in playful banter and constant bickering making them as frenemies. but little does joy know, jay's flirting and playful behavior hides his true feelings of adoration and as their bond d...