Ang Coffee Shop ni Kofi

1.3K 30 0
                                    

I was afraid to open my eyes. Don't even know how many tears that I've cried. Now that I've found the love of my life. I don't get down down down down down…

Isang masayang kanta ang morning trip sa Kofi Cups and Sweets nang umagang iyon. As the owner of this international quality coffee shop along the provincial roads, Kofi made sure that every morning would begin with a happy morning in his precious coffee shop.

Habang personal na nagsisilbi si Kofi sa mangilan-ngilang customers ay sinasabayan niya ang “Happy” song na maririnig mula sa built-in speakers sa kabuuan ng coffee shop niya.

 “Happy. It's so nice to be happy. Everybody should be happy. It's so nice to be happy…”

Lalo pang naging hyper ang morning dahil present na naman ang mga kabarkada niya  kahit alas-singko pa lang ng umaga. Nakikikanta na  si Dhey, ang singing doctor ng tropa na hindi halatang wala pang tulog sa graveyard shift nito sa isang public hospital sa di kalayuan. Nakiki-second voice naman sina Chrysler at Cattie.

“You bring the sunshine into my life. Your lips are burning and the feeling is right. I can't believe It's true that you're mine. Don't let me down down down down down…”

“Ah, Kofi!” untag ni Rojun, ang isa sa mga suki niya sa coffee shop. Kaka-serve lang niya dito at sa kasama nito ng Espresso Con Panna at Butter cookies.

“Bakit?” tanong niya.

“Pwede mo bang i-mute iyang circle of friends mo? Ang ingay pare e.”

“I second the motion,” dagdag pa ng kasama nitong si Rowell. 

“Ah, eh…” Napakamot lang siya sa batok.

“Oy, double R, mind your own business nga. Hindi naman kami sintonado dito at saka kayo lang naman ang nagrereklamo ano,” buska ni Cattie.

“Honga. May freedom of singing naman kami dito,” hirit din ni Dhey.

“At masakit din kayo sa tenga ko,” gatong pa talaga ni Rojun.

“I second the motion,” singit ulit ni Rowell na abala sa kung anumang ginagawa sa laptop nito. Wi-Fi zone din ang coffee shop niya kaya convenient din ang lugar sa mga techie addicts.

“Kung ayaw n’yong marinig e di mag-disappear na kayo, sige na, tsu!” pagtataboy ni Dhey.

Alam na niya ang mangyayari. Maagang asaran na naman ito. Hindi naman masama ang asaran ng mga ito dahil mas madalas kumikita siya ng malaki habang nagtatagal ang mga tambay ng Kofi Cups sa lugar niya. At sa paghaba ng asaran at tawanan ng mga ito  ay sa pagdami rin ng orders at added entertainment value. Hindi na  niya masyadong kakailanganin ang magpakitang–gilas sa magic na alam niya para mapasaya ang customers niya. 

 “Bakit naman? Kumikita ba si Kofi sa inyo? At least kami, nagbabayad kami ng kape ano, e kayo? Palibre lang kayo ng palibre kay Kofi e ang yayaman n’yo naman,” kampanteng sambit ni Rojun sabay higop ng kape.

“I second the motion,” patangu-tango na tugon ni Rowell.

“At least, kami marami kaming sinasabi. Hindi katulad niyang kasama mo na second the motion lang ang kayang sabihin!” hirit ni Cattie.

“I second….oy hindi naman, busy lang ako!” naguguluhang hirit ni Rowell.

“At least nagsasalita ang kasama ko, kesa naman sa kasama n’yo. Tahimik lang si Chrysler kasi ikinakahiya nila kayong dalawa,” tatawa-tawang buska ni Rojun.

Binalingan ni Kofi ang mesa ng tropa niya. Natural na hindi makikigulo si Chrysler sa kanila dahil abala ito sa pagko-compute ng kikitain nito sa inorder niyang coffee products. May-ari ito ng isang coffee farm at ito ang major supplier niya.  At pag negosyo ang pinag-uusapan kahit pa pasabugan mo si Chrysler ng bomba ay hindi ito matitinag.

Kofi Cups and Sweets (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon