Part 1
“Thank you very much for all your support. I love you all. Mabuhay!” mala-Fammas award winner na sambit ni Cattie habang nasa makeshift stage siya ng Kofi Cups and Sweets. Nag-bow pa siya para pasalamatan ang mga customers ng shop na nauto niyang patulan ang mga surveys na ginagawa niya.
“Palakpakan!” patawang hirit ni Rojun.
“I second the motion,” dugtong naman agad ni Rowell.
Ang mga pasaway na customers, nagpalakpakan nga.
“Thank you. Thank you very much!” huling hirit niya bago siya bumalik sa mesa nila malapit sa counter.
She was an Editorial Assistant in the leading celebrity magazine. At bahagi lang ng pahirap sa kanya ng editor niya ang pagkakabigay sa kanya ng isang column sa magazine na mag-handle ng articles na galing sa surveys. Oo, inasam-asam nga niya na magka-column sa isang magazine. Bilang isang manunulat ay magandang achievement na iyon kumbaga. Pero sabi ng editor niya, no pain no gain daw. Kaya kailangang paghirapan daw niya ang column na iyon. In return, nasa shortlist na siya para ma-promote bilang associate editor. Sulit na rin. At isa pa, pinag-aaral siya ngayon ng company ng libre. Pinakuha siya ng masteral degree in communication arts bilang preparation daw sa mas mataas na posisyon. Sure na ang career progress niya. May gain ng paparating. Ang kailangan lang niya ay i-endure ang pain.
Cattie grabbed her laptop and started working on the survey sheets and articles.
“Uy Catherine-chan, wara ka ba rest day?” tanong ni Xeiji sabay higop ng Café Macchiato nito. “It’s Sunday today.”
“Wala, Kuya Xeiji e.” Tumingin siya sa wrist watch na suot ng katabing si Chrysler. “Kailangan kong matapos ang article at maipasa before six o’clock. May pasok pa ako mamayang three o’clock kaya dapat gawin ko na ito ngayon. Bukas kasi, loaded ako sa work tapos defense naman ng thesis ko after work.”
“Hala! Wala kang balak magpahinga?” tanong ni Chrysler.
“Meron naman mga two hours lang. Okay na iyon.” Dalawang taon na siyang ganon. Mas lumaki lang nitong nakaraang linggo ang responsibilidad niya nang bigyan siya ng exclusive column sa magazine.
May matindi siyang determination sa ginagawa niyang iyon. Isang linggo na lang magkikita na uli sila ni Jomar, ang kanyang one and only. Nang magkahiwalay sila ay malaki ang pinagdaanan niya para lagpasan ang pagsubok na iyon. She was already hundred percent sure that she wanted to marry him four years ago when suddenly he broke up with her in exchange for a much better career in Miami.
Wala siyang nagawa lalo na’t ipinangako naman ni Jomar na ang lahat ng iyon ay para rin sa kanilang dalawa. They played the faith’s game. Sa loob ng apat na taon, hindi sila nag-usap. Walang chat, walang email, walang kahit na anong koneksyon. They swore to meet again after four years at same place and same time. For those years, ibinuhos niya rin ang oras para umasenso rin sa sariling career niya.
“Naku, kung maririnig ka ni Dhey malalagot ka do’n. Ayaw pa naman noon ng mga abusado sa katawan katulad n’yo ni attorney,” sabat ni Kofi sabay serve sa kanya ng paborito niyang Cafe Breva.
“Bakit ako damay?” reklamo ni Xeiji.
“Ikaw kaya ang pinakasakitin sa ating lahat,” tugon ni Leo.
Nagkibit-balikat ang matamlay na si Xeiji. Halata itong hindi na naman maganda ang pakiramdam. Hindi nga lang sure si Cattie kung dahil nga ba iyon sa mahinang immune system ni Xeiji o dahil sa bigong love life nito sa tuluyang pamba-basted dito ni Ranran beybs.
BINABASA MO ANG
Kofi Cups and Sweets (Completed)
RomanceAno ang hanap mo sa isang coffee shop? Masarap na kape? Nakaka-addict na sweets? Romantic ambiance? Sight-seeing ng mga pogi? Magandang view ng mga chickababes? Love na pang-forever ang peg? Then you are at the right place today. Ang Kofi Cups and...