"Amppp. Wag na! Nakakahiya. Wag niyo na alamin!" Sabi ko sakanila.
"Aw. Kj naman neto. Kwento naaa. Dali!" Kainis naman tong dalawa. Sigurado ako hindi nila ako titigilan.
"Oo na, ona. Ganto kasi yun.."
Second year nangyari 'to. Actually, summer bago mag second year. Enrollment nun. New student ako ng Divine Light Academy, etong school ko ngayon. Dahil new student nga ako, hindi ko alam yung pasikotsikot dito sa school na to. Kaya ayun, sobrang haggard ko na. Nagikot pa ako saglit, tapos yun, parang may nakita akong mali. May malaking puno kasi dun sa gitna ng quadrangle nila. Hindi naman gitnang gitna, basta malapit dun. Pano kaya naglalaro ng basketball dito? Anyway, sa ilalim ng puno, may bench dun na paikot na pwede upuan. Nagpahinga muna ako doon at nagmasidmasid sa paligid. Wala halos tao dito sa loob ng high school. Pinatong ko yung gamit ko sa tabi ko, tinanggal ko muna sa leeg ko yung kwintas ko tapos nagpunas ng pawis. Aghh, grabe ang init.
Habang nagpapahinga ako, may dalawang lalaki na lumabas galing sa may office ng admin. Pero sa ilalim sila galing. Nung medyo malapit na sila, nakita ko yung itsura nila. Infairness ang cute nila. Haha. Nagulat ako nung napatingin sila sakin. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Tumayo na ako at kinuha yung mga gamit ko. Kailangan ko na umuwi.
Habang naglalakad ako palabas, sobrang kamalasmalasan, katangahan at kalampahan ang nangyari. Eto na eh, ang lapit ko na sa labas eh, natapilok pa ako. Tanga tanga. :| Nahulog pa tuloy yung mga dala ko. Buti nalang walang nakakita. Tss.
"Miss, ok ka lang?" Oops. Sabi ko nga mali ako eh. Nakakahiya.
"Ah, oo. Mangingisda talaga ako, dami ko nga nahuli eh." Whaat? Bakit ko sinabi yun? Nakakahiya lalo.
Napangiti naman siya na nun. Err, ang cute niya talaga! Naniningkit yung mga mata niya nung ngumiti siya. Qtp2t. Jeje. Haha. Cutiepatootie. Natauhan lang ako nung inabot niya sakin yung kamay niya para tulungan ako tumayo. Kinuha ko yung kamay niya tapos tumayo. Pinagpag ko yung damit ko at nagayos. Bumaba naman siya at pinulot yung gamit ko. Ang bait ah.
"Thanks!" Sabi ko.
"Magiingat ka next time ah?" Sabi niya habang nakangiti tapos.. bigla siyang kunindat.
Ok. What was that for? :o
Pasakay nako ng jeep nang narealize ko na hindi ko pala suot yung kwintas ko. Nagpanic ako at hinanap yun sa bulsa ko. Kaso wala! Bumalik ako sa school at tinignan dun, kung saan ako natumba pati dun sa may puno. Pero wala talaga.
~ Picture perfect memories,
Scattered all around the floor.
Reaching for the phone cause, I can't fight it any more.
And I wonder if I ever cross your mind.
For me it happens all the time. ~
Ringtone yan, si Mama tumatawag. Sinagot ko naman, importante kasi pag tumatawag na yan.
"Anak! Nasaan ka na? Malalate na tayo sa party ng tito mo mamaya." Aish! May party nga pala kaming pupuntahan.
"Opo Ma, sandali nalang. Nawawala kasi yung kwintas ko. Hinahanap ko pa."
"Osya, bilisan mo na. Umuwi ka kagad."
"Opo. Byeee!" Ahhh. Ang malas naman. Asan na ba yung kwintas ko!? Nakakainis naman. Pinuntahan ko si Kuya.. Guard? Er, Ate pala. Ibibilin ko nalang sakanya.
"Ate Guard, may nakita po ba kayong kwintas dito na may letter M na pendant? O kaya may nagbigay na sainyo?" Baka kasi nakita nung lalaki kanina.
"Kwintas? Wala eh. Saan mo ba nawala?"
"Basta dito po sa may quadrangle." Hay, asan na kaya yun? "Sige po Ate, babalik nalang ako dito. Baka po may makita niyo o kaya may magiwan. Babalik nalang po ako."
"Sige, dito ka ba nagaaral? Puntahan mo lang ako dito pag weekdays, 6am - 6pm shift ko."
"New student po ako dito. Sophomore. Sige po, salamat po."
..
"At ayun, tuloyan ng nawala yung kwintas ko." Haba ng kwento ko. :))
"Eh kasalanan mo naman pala eh. Tsk." Sabi ni Hazel.
"Sorry na! Nawala kasi isip ko bigla." :/
"Sus! Nakakita ka lang ng gwapo eh. Malandi ka talaga!" Asar ni Cath.
"Hoy! Grabe ka naman. Di naman ganun yun eh. Nawala lang talaga sa isip ko." Paliwanag ko naman sakanila. Grabe si Cath. :/
"Haha. Echos lang! Ay teka. Sino ba yung nakita mong 'gawpo'? Baka nakita niya yung kwintas mo."
Oo nga no? Bat di ko kagad naisip yun? Kaso kasi..
"Ah eh kasi.. Si Jerome kasi yung tumulong sakin nun. Alam niyo na.. Di kami close, saka nakakahiya."
"Ahhhhhhh. Kaya palaaaaa!" Wow. Sabay pa talaga sila.
"Naiintindihan ko na kung bakit nakalimutan mo yung kwintas mo. Namesmerize ka masyado kay Papa Jerome. Haha!" Sige lang Cath, kanina ka pa. :(
"Grabe talaga kayooo! Eh nakakahiya naman kasi talaga. Saka siya naman yun eh, sigurado isusurrender niya yun sa guard o kaya basta sa lost and found. Eh wala padin eh. :(" Sagot ko sakanya.
"Eh bat di mo kaya siya subukan itanong?" Sabi ni Hazel.
"Hello? Medyo 2 years na ang nakalipas? Pano ko sasabihin sakanya? Hi Jerome! Naalala mo nung summer bago mag second year? Tss." Nakakainis naman ih.
"Hay nako, bahala ka. Hindi mo malalaman kung di mo susubukan. Saka, chance mo na yun para maging close kayo." Sabay kindat sakin ni Cath. Puro kalokohan talaga 'to. Haha.
"Eh! Ewan! Bahala na si batman. Hay!" :/
Itatanong ko ba? :(