Wow! Ang ganda dito! Nakaupo ako sa damuhan tapos ang daming bulaklak. Ang linis ng hangin tapos ang lakas pa. Sobrang presko. Ang ganda din ng panahon, hindi masyado mainit. Nakaupo lang ako dito maghapon hanggang sa paglubog ng araw. Ang sarap sa pakiramdam.
May naramdaman akong tumabi sakin, pero hindi ko siya nilingon. Umupo siya tapos inabutan ako ng pulang rosas. Napangiti ako, tapos kinuha ko yung rosas. Magpapasalamat sana ako kaya lang biglang may lumapit saming babae. Inalok niya yung kamay niya sa katabi kong lalaki, parang yinayaya siya tumayo. Tinanggap naman ng lalaki yung kamay niya tapos tunayo. Lumayo sila sakin ng onti, pero tanaw ko pa din sila. May kinukuha yung lalaki sa bulsa niya. Nagulat ako sa linabas niya. Kwintas yun. Pero hindi basta bastang kwintas. Biglang tumulo yung luha ko nung nakita ko yun. Napaiyak pa ako lalo nung nakita kong sinuot niya yun sa babae. Hindi ko na kayang pigilan yung sarili ko. Kailangan ko makuha yun..
Kwintas ko yun eh. Bigay sakin ng papa ko. :(
Tumayo ako tapos lumapit sakanila. Hindi nila ako pinapansin, parang hangin lang ako sakanila. Hinawakan ko yung lalaki sa balikat pero parang wala lang sakanya. Inis na inis na ako at iyak ng iyak kaya hinarap ko siya sakin. Kaya lang.. Kaya lang.. Nagulat ako. Hindi, natakot pala. Napasigaw ako kasi.. kasi.. Wala siyang mukha. As in blanko.
Aaaaagggghhhhhhhh!!!
Napamulat ako bigla. Umiiyak na ako, pawis na pawis at hindi makahinga ng maayos. Umupo ako at yinakap yung dalawang tuhod ko. Iyak lang ako ng iyak. Binabangungot nanaman ako. :(
Simula nung nawala ko yung kwintas ko, lagi ko ng napapanaginipan yun. Importante kasi yung kwintas ko na yun. 7th birthday ko nung binigay sakin yun ni papa. Silver yung lace tapos may pendant na letter M. For Mae. Pero kung titignan mo ng mabuti, hindi siya M talaga, Scorpio symbol yun. October 24 kasi yung birthday ko. Sabi ni papa unique daw yun kasi pinagawa niya pa mismo yung pendant. May mark pa yun sa likod na MK for Mae Karen. Sobrang saya ko nun kasi pinaghandaan talaga nila mama at papa yung birthday ko. Para akong nagdedebut. Perfect day na yung araw na yun para sakin. Kaya lang after 3 days, naaksidente si Papa. Nabangga ng truck yung kotseng minamaneho niya. Huli na ang lahat nung dumating kami sa ospital. Wala na siya. Hindi na kami umabot. Hindi niya na kami nahintay. :(
* If I could get another chance
Another walk
Another dance with him
I'd play a song that would never ever end
How I'd love love love
To dance with my father again *
Lagi ko tong pinapakinggan tuwing bainabangungot ako. Narerelax kasi ako kahit papaano.
**
"Uy, Karen! Tulala ka nanaman. Binangungot ka nanaman kagabi no?" Si Cath.
"Oo eh." Napabuntong hininga naman ako.
"Hindi mo padin ba nahahanap yung kwintas mo?" Ewan ko. Feeling ko hindi na mababalik sakin yun.
"Hindi na eh. Nawala na talaga siguro yun." Dumating naman si Hazel at sumali samin.
"Uy! Ano yang pinaguusapan niyo? Mukhang seryoso ah." Si Hazel.
"Yung kwintas ni Karen. Binangungot nanaman kasi siya kagabi eh." Sabi ni Cath.
"Ano bang nangyari sa kwintas mo na yun? Pano nawala?" Tanong ni Hazel.
Ugh.. Pano nga ba? :/