Prologue

3 0 0
                                    

"Luna! Hanapin mo ako!" Napalinga naman ako kung saan nanggaling ang boses pero wala iyon. Sumimangot ako at napagpasyang tumalon pababa sa puno na aking inuupuan kanina.

"Ayoko na! Masyado kang magaling doon!" Nagsimula akong maglakad ngunit tumigil ng nasa harapan ko na kaagad siya.

"Kailangan mong pag-igihan ang mga iyon." Pagleleksyon niya saakin.

"Ano ang gagawin natin sa mga yan? Wala naman tayong kalaban para gawin ang mga yan. Pasalamat nalang tayo at buhay pa tayo!" Inis na sabi ko kay Leonardo na aking kapatid na lalaki.

Totoo naman ang lahat ng sinabi ko. Wala namang rason para maghensayo at magpalakas kami, tama naman ang mga iba na dukha lang kami at hanggang doon na yon. Normal na bampira lamang kami at wala kaming espesiyal na dugo, hindi tulad ng mga may espesiyal ang dugo ay sila ay kailangan pinaglilingkuran at kailangan sambahin.

Sa mundo namin ay may mga batas na napakaraming pinagbabawal, dahil kapag sinuway mo ang isa sa batas, pwede kang mahatol sa kamatayan.

Isa, bawal mong suwayin kung ano ang iniuutos ng mas nakakataas sa iyo.

Pangalawa, kailangan mong sambahin ang mga nakakataas sa iyo.

Pangatlo, kapag nangangaso ay kailangan walang agawan.

"Luna! Hindi mo masasabi kaya't wag na wag kang magsasalita ng ganyan! Kahit na akala mo'y walang kalaban kailangan mo parin mag ensayo at magpalakas. Luna, darating ang araw na kailangan mong lumaban." Taos-puso siyang nakatangin saakin. Napanguso ako at umupo sa may tabi ng puno at sumandal.

"Kuya, siyam na taong gulang pala mang ako." Pag-iiba ko ng dahilan. Ng makita kong dumaloy ang inis sa kanyang mga mata ay lumipat ang tingin ko sa bilog na buwan na ngayon nagbibigay ng liwanag.

"Kaya nga gusto kong mag-ensayo ka at magpalakas. Gusto kong makita na kapag lumaki ka na ay makikita kitang malakas na hindi mo na kailangan ang proteka ko, na ikaw na ang magpr-protekta sa sarili mo." Tumingin naman ako sakanya at doon ko nakita ang nakangiti niyang mga labi kaya't ako ay napangiti na din.

"Sig---"

Para akong nawalan ng lakas ng makita kong tumumba ang aking kapatid! Naalarma ako at pumunta sakanya at nanginginig na inaalog siya.

"Kuya! Gumising ka!" Napahagulgol ako at di alam ang gagawin. Sisigaw na sana ako para humigi ng tulong ng may humawak sa aking kamay. Tumingin ako kung sino iyon.

"K-kuya?" Nauutal kong sabi at medyo nakahinga ng maluwag.

"I-ipangako mo s-saakin na mag e-ensayo ka at magpapalakas." Nahihirapan niyang sabi. Umiyak ako at tumango nalang. "A-alam kong darating ang araw na i-ito. L-luna, u-umalis ka n-na." Kasabay non ang pagpikit ng kanyang mga mata.

"Kuya!" Tangi ko nalang nasabi. May naramdaman akong papalapit kaya mabilis akong umalis.

Kuya, patawad.

Dadating ang panahong ipaghihiganti kita.

At simula ng nangyari iyon, wala akong matirahan. May kumupkop saakin at laking pasasalamat ko iyon, tinuruan niya akong mag ensayo at magpalakas. Dumating rin ang araw na pinayagan kaming mga normal na bampira para makapag-aral sa Royal Academy. Hindi ko alam kung bakit nagbiglaan pero alam kong may dahilan kaya't sumabak narin ako dahil gusto ko rin mahanap kung sino ang pumatay sa aking kapatid.

Royal BloodWhere stories live. Discover now