"Itay, aalis na ako." Pagpaalam ko. Hindi ko na siya hinintay pa at lumabas na.
Hindi ko aakalain na papayag sila na makapasok kaming mga normal na bampira sa eskwelahan na iyon. Panigurado ay iilan ay di sumang-ayon at napipilitan.
Ito ang unang araw na papasok kami sa eskwelahan. Pansin ko ang mga nakakasabay ko na tulad ko ay may kinakabahan at iba naman ay hindi maitago ang saya. Sino nga ba namang hindi sasaya kung ang isang tulad namin ay makakapasok sa ganon gayon din ay mga dukha lang kami sa paningin nila.
Ang aking kasuotan ay kulay itim na ang kahulugan ay nasa baitang C ako. Ito ang pinakamababang baitang, ang pinakamataas naman ay ang Royal blood.
Ang pinakamataas ay Royal blood, ang mga nandoon ay ang mga may dugong espesyal at may dugong royal, pula naman. Ang Elite naman ang sumunod sa Royal blood, pangalawa sa pinakamataas, sila ang may dugong kalahating royal at kalahating hindi, kulay ginto naman. Ang sumunod naman sakanila ay ang A, doon lahat ng mga mayayaman, kulay silver naman. Ang sumunod naman ay ang B at C kung saan doon kaming mga normal na bampira, at ang B at C ay pinakamahina para sakanila. B ay kulay blue at ang C ay kulay itim.
Napatigil ang iilan dahil nandito kami ngayon sa harap ng gate ng Royal Academy hindi dahil sa ganda nito ngunit sa mga matang matalim na tumititig saamin. Imbis na huminto ako ay dere deretso lang akong naglakad hanggang sa makapasok ng gate, naramdaman ko ang titig ng iba sakin pero di ko iyon pinansin. Naramdaman ko namang nagsisunudan na ang mga iilan sa likod ko.
Saulo ko na ang iskedyul at ang una kong klase ay ang English, sunod naman ang writing pagkatapos ay oras na ng kainan pagkatapos ng kainan ay hunting ang kasunod pagkatapos ng hunting ay ang battle.
Kung nagtataka kayo kung bakit alam ko kaagad ay dahil sinabi saakin ni Itay, ang kumupkop saakin.
Dahil sa malalim na pag-iisip ay may nakabunggo ako, dahil sa tigas niya ay ako ang napaupo. Nakarinig ako ng tawanan kaya kaagad akong tumayo at tinignan ang suot niya. Nanlaki ang mata ko at tiningnan ito. Naka red ito kaya't alam kong isa itong Royal.
"Patawad. Hindi ko kayo nakita." Magalang kong saad at yumuko upang galang. Sa totoo lang ay naiinis ako, kasalanan din naman niya kung bakit nabangga namin ang isa't isa. Dati ay hindi ko kontrolado ang emosyon ko ngayon ay nagpapasalamat ako dahil kay Itay, siya ang naging dahilan bat ko yon nakontrol at nagamit ko ngayon.
Imbis na may gawin siya o may sabihin ay umalis lang siya sa harapan ko at iniwanan akong nakayuko. Tinaas ko kaagad at di nalang pinansin, pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko hanggang sa mahanap ko ang silid na hinahanap ko. Pumasok ako at madami ng nandidito, pero kahit ganon ay medyo maingay na ang iilan. Tumingin ako sa dulo at may nakita akong bakanteng upuan, kaya't napagpasyahan kong doon nalang umupo. Pagkaupo ko ay bigla ring may umupo sa tabi ko.
"Magandang umaga, ano ang iyong ngalan?" Bungad nito.
"Magandang umaga rin, Luna." Pagpapakilala ko.
"Ang aking ngalan naman ay Allice." Nakangiti niyang sabi kaya naman ay nginitian ko rin siya.
Mahinhin ang boses niya at napakaganda niya. Ang buhok niya ay itim na itim tulad ng akin, mahaba ang pilik mata niya at matangos ang ilong may mapupula naman itong labi at may maitim na mata.
Hindi ko naituloy ang pag obserba ko ng biglang dumating ang magtuturo ata saamin. Natahimik naman kami dahil doon at halatang ikinagulat ng magtuturo saamin. Bigla naman siya natauhan at nagsimula na siyang magturo.
Natapos ang English ay hindi dumating ang magtuturo saamin sa writing. Ilang minuto kami naghintay ngunit walang dumating.
"Bakit kaya kailangan pa ituro saatin ang writing? Marunong naman tayong magsulat." Napabaling naman ako kay Allice na ngayon ay nakanguso.
"Normal na bampira lamang tayo at siguro ang kaalaman nila ay hindi tayo marunong magsulat." Napabaling naman siya sakin at tumango tango.
"Alam mo? Sa tuwing maglalandas ang mata mo saakin ay kinikilabutan ako." Deretsang tanong niya na ikinanoot ng noo ko. "Tumataas ang balihibo at alam kong may kakaiba sayo, sa positibong paraan." Ngumiti siya sakin.
"Pakiramdam ko naman sayo ay magaan kang makasama, walang akong makitang kasamaan sayo." Sabi ko at bigla siyang tumawa.
"Oo naman, napakabait ko kaya." Humagikgik ito.
"Saan ka nakatira?" Tanong ko.
"Sa may bayan, ikaw?" Tanong niya pabalik.
"Sa may gubat, madami kami doon."
"Talaga? Doon ako pumupunta kapag nag eensayo ako. Sayang at hindi kita nakita." Totoo ang sinabi niya, atyaka malabo rin dahil madami kami sa gubat.
"Luna?" Kusang luminga ako kung saan nanggagaling ang boses at don ko napagtanto kung sino iyon.
"Dito ka rin pala, Gwen."
"Oo, hindi kita napansin kanina."
"Ayos lang iyon. Allice, si Gwen nga pala kaibigan ko doon sa gubat. Gwen, si Allice." Pagpapakilala.
"Nice to meet you!" Paggamit ng Ingles ni Allice.
"Nice to meet you too!" Bati nito pabalik. Magsasalita na bali ako ng tumunog ng napakalakas ang bell dahilan para magsitakpan ang kanilang tenga, habang ako ay di ko tinakpan dahil sanay ako.
"Kainan na! Luna at Allice, mamaya nalang ulin! Paalam!" Paalam nito at lumabas na ng silid.
Lahat dito ay nasasabik mamasyal dahil sa laki ng Royal Academy. Hindi lang ito malaki, malaking malaki. Pwede kang maligaw. Hindi lang ito ay eskwelahan dahil may pamilihan, palaruan at may mga bahay dito at kung ano ano pa.
"Tara, doon tayo sa canteen." Aya ni Allice, tumango ako at sumunod sakanya.
Sa pagkakaalam ko ay 5 ang canteen.
Makapasok kami sa canteen ay umupo kaagad kami sa bakante at hindi alintana ang mga bulungan.
"Bakit kaya napakababa ng tingin nila saatin?" May bahid na lungkot ang mata niya.
"Dahil mababa tayo at normal na mga bampira lang." Sigurado kong sabi.
"Hindi nga nila tayo kilala." Sasagot na bali ako ng may marinig akong mga natapon. Parehas kaming napunta ang atensyon doon at nakakita ng kaguluhan. Isang Elite at isang B.
Ngumuso ako at pinagmasdan sila.
"Stupid! Did you see what you did??" Nanggigil na sabi ng lalaki sa babaeng nakabunggo sakanya? Ng sasagot na bali ang babae ay bigla itong naunahan. "Oo nga pala, hindi mo nga pala maiintindihan dahil isa kang dukha!" Bigla naman niya itong sinampal.
Unti unti kong naramdaman ang inis ngunit mas pinili kong kumalma.
"You're so stupid that I want to kill you." Sa sinabi niyang iyon ay napatayo ako maglalakad na bali ako ng biglang may humawak sa aking kamay.
"Anong gagawin mo?" Nakita ko ang takot sa kanyang mata kaya ngumiti ako.
"Kukuha ng pagkain natin. Kung akala mo ay susugod ako don at makikipagbayani, ay hindi. Ayaw ko pang mamatay." Inalis ko ang hawak niya sa aking kamay at paderetso sa kinaroroonan ng babae at lalaki.
Napapikit ako ng may humawak na naman sa aking kamay.
"Anong gagawin mo?!" Nanghahamon nitong sabi tumingin naman ako sakanya ay nakita kong kulay silver ito. Isang A.
"Ginoo, pagpaumanhin ninyo ngunit nagkakamali kayo ng iniisip. Kukuha lamang ako ng pagkain namin dahil kanina pa kaming nagugutom ng aking kasama. Malapit kasi ang kuhanan ng pagkain sakanila, pagpaumanhin ko kung mali ang akala niyo. Hindi mauulit." Mahinahon kong sabi at yumukupo pa para makita niya ang pagiging tapat ko.
Lumuwag naman ang pagkakahawak niya sa kamay ko at yon naging dahilan para iangat ko ang tingin ko sakanya at ngumiti ng matamis at umalis na sakanyang harapan.
Kumuha ako ng pagkain namin at bumalik na sa aming upuan at doon ako hindi nagsalita dahil hinihinahon ko ang aking sarili.