Chapter 2 (Remade)

21 4 0
                                    

TW // Sexual Harassment



ERZA



"Class dismissed!"



Naghiyawan sa saya ang mga kaklase ko nang makalabas na si sir Shin sa klase. Ang iba pa sakanila'y nagpapaunahan sa paglabas dahil sobrang apurado nang umuwi.



"Etong mga punyetang 'to! Ginulo lalo 'yung arrangement ng mga upuan palibhasa hindi cleaners!"



"Hoy! Asaan na si Evergreen!? Tumakas nanaman ba 'yun? Isumbong niyo nga kay Erza nang masa---"



"Andito ako! Engot!"



Napabuntong hininga na lamang ako sa namumuong ingay at gulo dito sa loob ng classroom. Wala rin kasi akong enerhiya ngayon para pagsabihan 'tong mga utak biya na mga 'to dahil nahihilo nanaman ako.



Nakaramdam ulit ako ng sakit sa ulo kaya agad kong hinimas ang sentido ko at pumikit habang nakaharap sa desk. Pagkatapos ay tinapik tapik ko rin ang magkabilang pisngi ko't pakiramdam ko'y babagsak na 'yung mga mata ko sa sobrang bigat.



*THUMP*



Napakunot ang noo ko nang biglang may maglapag ng hydro flask sa table ko. Umangat ang tingin ko sa taong naglagay nun at nakita ang nag-aalalang mukha ni Loke.



"Anong gagawin ko sa hydro flask mo?"



"Lemon water 'yung laman niyan. Inumin mo para mabawasan sakit ng ulo mo kahit papaano." Sabi niya at bigla nalang umupo sa tabi ko at isinuot ang basketball goggles niya. "Kanina ko pa napapansin na masama pakiramdam mo. Akala ko ayos na kasi sinabi sa'kin ni Laxus kanina na binilhan ka daw niya ng meds at medyo um-okay ka naman daw."



"Sumakit lang talaga ulo ko bigla. Mawawala rin naman 'to mamaya. Salamat, Loke." Sagot ko at uminom sa hydro flask na binigay niya. Luminga linga ako para hanapin si Lucy dahil sabay kami laging pumapasok sa trabaho ngunit hindi ko siya makita.



Saan nanaman ba pumunta 'yun?



"Nandun si Lucy sa labas ng boys' locker. Hinihintay si Natsu makapagpalit." Tinanguan ko lamang siya at tumingin sa kawalan. Hindi kami nagsasalita ni Loke at nanatili na lamang tahimik habang pinakikiramdaman ang presensya ng isa't isa. Wala ang mga mata ko sa kaniya ngunit alam kong umiiling siya ngayon at tila may gustong sabihin pero may kung anong pumipigil sa kaniya na magsalita.



"A-ah...Erza?"



"Hmm?"



"Hindi pa rin ba umuuwi 'yung b-bestfriend mo?"



"Hindi pa." Sagot ko at lumingon sa gawi niya. "Bakit?"



"Wal---"



"Wala ba talaga?" Sarkastikong tanong ko bago nagpakawala ng buntong hininga. "Loke, bestfriend mo rin si Gray. Kung may mga bagay man siya na hindi nasasabi sa'kin, alam kong nasasabi niya sa'yo. Pero hindi kita pipilitin na sabihin sa'kin 'yung mga 'yun. Ang gusto ko lang naman marinig ay kung ligtas ba siya at kung may balak pa ba siyang umuwi. Kahit---"



"Erza, tara na! Naririnig ko na si Lu-chan tyaka Natsu sa labas." Naputol ang pagsasalita ko nang biglang lumapit si Levy kung kaya't binigyan ko na lamang ng makabuluhang tingin si Loke bago ko napagdesisyunang tumayo at lumabas ng classroom bitbit bitbit 'yung mga gamit ko. Paglabas ko ay nakita ko si Natsu na naglalakad patalikod habang kaharap niya si Lucy na may bahid ng nerbyos sa mukha.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing Through Storms (A Grayza Fanfiction)Where stories live. Discover now