Chapter 1 (Remade)

26 3 0
                                    

ERZA



'Erza, ano? Nakauwi na ba si Gray?'



Hindi pa. Wala pa rin siya hanggang ngayon.



Dahan dahan kong isinandal ang ulo ko sa pader pagkatapos basahin ang text na mula kay Laxus. Agad kong ibinalik ang tingin ko sa labas ng bintana at aking ipinagpatuloy na panoorin ang pagtila ng ulan habang nakaupo sa pasimano ng durungawan.



Maga-anim na araw na nung sinabi mo sa'kin na aalis ka lang saglit pero hanggang ngayon ay hindi ka pa rin bumabalik. Sinubukan kang hagilapin ng mga mata ko kahit na malakas ang bagsak ng ulan kanina. Dinayo ko lahat ng maaari mong puntahan nang hindi iniisip kung mauubos na ba 'yung pamasahe ko at nananakit na ba 'yung binti't paa ko kakalakad kaso...hindi talaga kita makita.



Hindi ko na alam kung saang sulok pa ba kita kailangang hanapin, Gray...



Anibersaryo ng pagkamatay ni tita Mika nung umalis ka at naiintindihan kong malungkot ka nung araw na 'yun pero hindi naman ata patas sa'kin 'tong ginagawa mo. Nangako ako sa'yo na ako ang magiging kanlungan mo, hindi ba? Bakit namomroblema ka mag-isa?



Napatawa ako nang mahina at saka pinunasan ang luha na tumulo galing sa kaliwang mata ko gamit ang likod ng palad ko. Ibinaling ko ang atensyon ko sa orasan na nakasabit sa dingding at nakitang magsi-6:30 na--- kaya agad akong tumayo't kumilos para maghanda na sa pagpasok sa eskuwela.



Umuwi ka na sa'kin kung ayaw mong ako naman ang lumisan makalayo lang sa'yo.


























































"Scarlet." Pagtawag sa akin ni sir Conbolt, instructor namin sa History, pagkatapos kong ilapag ang notebook ni Gray sa lamesa niya. "Nilalagnat pa rin ba si Fullbuster?"



"Ah- masama pa rin ho kasi 'yung pakiramdam kaya hindi ko pa ho pinapapasok." Sagot ko habang nakangiti nang bahagya sa guro na nasa harapan.



"Ganoon ba? Himala. Buti nakakagawa pa rin siya ng assignment."



Ngumiti na lamang ako kay sir Conbolt bago lumabas ng faculty at nagulat ako nang biglang sumulpot si Laxus sa harapan ko habang may dala dalang laptop at...supot.



"Anong ginagawa mo dito sa building namin?"



"Tss. Binilhan kita ng meds. Nag-text kasi sa'kin si Cana. Ang sabi niya sumasakit daw ulo mo tapos nilalagnat ka pa. Bakit ba kasi pumasok ka eh may sakit ka pala?"



"Eh sa gusto kong pumasok eh, pakialam mo? Break niyo ba at pumunta ka rito?"



"Mhm. Ang tigas talaga ng ulo mo eh 'no? Tara na nga, lunch tayo." Sabi niya sabay hila sa braso ko.



"Hoy. Baka ang akalain ng mga estudyante dito eh magjowa tayo dahil diyan sa mga pinaggagagawa mo. Ayaw ko pa naman ma-link sa'yo." Sambit ko at agad namang napatingin si Laxus sa'kin nang nanlalaki ang dalawang pares ng kaniyang mata. Agad niyang binitawan ang braso ko at sinuntok ako nang mahina at pabiro.



"Ayos lang sana sa'kin dahil wala namang kwenta 'yung boyfriend mo kaso talagang magkapatid ang turingan natin sa isa't isa."



"Tss. Pwede mo namang sabihin na si Mira ang gusto mo. Required bang idawit at pagsalitaan mo nanaman ng masama si Gray? Bigwasan kita eh." 



Chasing Through Storms (A Grayza Fanfiction)Where stories live. Discover now