"Nydhie ano na nasan kana? Mahuhuli tayo niyan eh.." Tanong ng katrabaho ko.
"Ito na palabas na ko ng bahay ko. Mag aabang nalang ako ng taxi para mabilis." Ani ko dito.
"Sige.. ikaw nalang kasi ang kulang bago umalis ang bus." Ani nito.
" Oo na.. ito na nakasakay na ko ng taxi..sige bye na." Sagot ko. Matapos kong ibaba ang phone. Tumingin lang ako sa labas ng taxi.
Habang naka tingin sa labas ng bintana hindi maiwasang mapaisip. Ang bilis ng panahon halos isang taon na ang lumipas ng huli kaming nagkita. Kamusta na kaya siya ngayon? Siguro wala na talaga kaming pag asa. Baka nakahanap na yon ng bagong mamahalin.
Napailing at napangiti ng mapait nalang ako. Humingan ako ng malalim para alisin yun sa isip ko.
Tama na Ny. Masasaktan kalang sa ginagawa mo. Di ka niya kayang mahalin. Di mo kayang palitan si Pat sa puso niya.
Dahil sa naisip napahawak nalang ako sa dibdib ko--- sa tapat ng puso ko. Kaya mo yan self. Nakaya mong mabuhay ng ilang taon na di mo siya kilala... Makakaya mo uli ngayon. Basta't kapit lang...
Hindi nag tagal ay nakarating din ako sa aking pinagtratrabahoang kompanya.
"Manong ito po yung bayad... Salamat po.." Magalang kong ani.
Naglakad na ako papalapit sa bus na aming sasakyan papuntang airport. Habang papalapit ay nakita ko naman si Zein na nasa labas pa nang bus. Hinihintay ata ako.
"Zein nandito nako!!" Tawag ko dito. Lumingon naman ito sa gawi ko at kumaway.
"Salamat naman at nandito kana... Mahuhuli tayo sa flight natin dahil sayo." Pabirong sabi nito sabay hatak sakin papasok ng bus.
"Sorry naman na huli ng gising eh...HEHEHE.." Hinging patawad ko dito.
"Oh siya at para maka alis na tayo. Manong tara na po wala na pung hinihintay.." ani nito sa driver.
Umupo naman kami sa hulihang bahagi ng bus yun nalang kasi yung available.
Lumipas ang dalawang-pung minuto ay nakarating din kami sa NAIA.
"Ny tabi tayo ah." Ani ni Zein habang parang tuko naka yakap sa braso ko.
Napatawa nalang ako dahil dito. Siya lang kasi ang pinaka close ko sa lahat ng katrabaho ko. Friend ko naman yung iba pero iba talaga si Zein. Walang hiya to eh. Matapos kasi ng masalimuot na nangyari sa akin sa London ay nag hanap na ako ng trabaho para makalimutan ko naman ang sakit na dinanas ko.
"Ughhh... Nakakapagod palang umupo ng halos isang oras papunta dito." Ani ni Zein sakin pag baba namin ng eroplano.
Paglabas namin ng airport ay naghintay muna kami ng ilang minuto para sa bus na sasakyan namin papuntang Can-avid.
Halos apat na oras ang biyahi namin galing Tacloban papunta dito. Tapos sasakay pa kami ng bangka para ihatid kami sa Naked island.
"Ahhh... Makakapagpahinga din sa wakas.." Ani ng mga katrabaho ko pagkababa namin ng bangka.
" Grabe Ny mahigit isang araw din tayong bumiyahi papunta dito sa resort nato, pero sulit naman dahil tignan mo naman ang buhangin ang puti-puti tapos ang tubig asul na asul." Manghang sabi ni Zein sakin.
" Tara na bilis para makapag pahinga na tayo. At para may energy tayo mamayang gabi Ny. Night swimming tayo ah..." Excited na ani niya. Sabay hila sakin papuntang front disk at ng makapag pahinga na kami.
Pagdating namin sa room namin ni Zein ay tulog na agad ito. Nagbilin lang na gising siya pag kakain na.
Nagpalit muna ako ng damit para makapag pahinga na. Paglabas ko ng banyo ay malapit ng lumubog ang araw.
BINABASA MO ANG
Fall Right Into You (ISLAND SERIES #1)
Любовные романы"Everything happen in the right time". Loving someone is not just about a man and a women... Their feelings for each other... Sometimes you loved the right person but not in the right time...