"Ayyyyyy!!!" sigaw ni Zein, na nag pagising sakin sa pag kakatitig sa kanya. Mabilis akong humiwalay sa kanya at tinignan si Zein ng masama dahil sa may malisyang tingin nito.
Hindi ako lumingon kahit rinig ko ang pag tawag ni Zein sa pangalan ko. Mabilis kong nilisan ang lugar na yun at hindi na siya muli pang tinapunan ng tingin. Mabilis ang aking lakad pabalik sa hotel.
Pag dating ko sa hotel room ko ay mabilis akong humiga sa kama at napa titig sa kisame. Biglang pumasok sa isip ko yung mukha niya kanina. Mas lalo siya gwomapo sa suot niyang pulo at shades.
"Kamusta na kaya siya." Mahinang ani ko, habang inaalala siya. Napa ngiti ako ng mapait dahil sa tanong kung yun. "Putcha Ny... hindi ka parin move on." Ani ko sa sarili.
Nakatulogan ko na ang pag iisip ng tungkol kay Sameer at about sa feelings ko dito. Nagising lang dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Hindi ko pala nasara yung kurtina sa glass window. Napatitig ako sa araw na unti-unting tumataas.
Lumapit ako sa glass window at tumingin sa mga taong nag lalakad sa tabing dagat at nanunuod ng sunrise. Habang nakatingin ako sa baba, may nakasalubong akong tingin. Hindi ako nag bawi ng tingin at nakipag tatagan lang sa kanya.
Nabasa ko sa mukha niya ang pungungulila. Dahil dun nag bawi ako ng tingin. Hindi ko kayang makita na si Pat pa din hanggang ngayon. Umalis ako sa tabi ng glass window at naligo. Napatingin ako sa kama ni Zein. Umalis na ata. Maayos na kasi yung kama niya.
Nag aalangan akong lumabas ng hotel room ko dahil sa takot na baka makasalubong ko siya. Pero wala akong choice dahil gutom na din ako. Baka hinihintay na rin ako ng mga katrabaho ko.
Napag desisyunan ko nalang din na bumaba. Dala ang aking cellphone at wallet ay lumabas na ako sa aking hotel room. Naghintay muna ako ng ilang sandal bago bumukas ang elevator. Na siyang pinagpasalamat ko dahil gutom na talaga ako. Ngunit ng Makita ko kung sino ang nasa loob nun ay parang nalawa ang gutom na aking mararamdaman.
Nagkatitigan kami sandal. Pero agad din akong umiwas. Hindi ko kaya ang mga emosyun na nakikita ko sa kanyang mga mata. Nagtuloy-tuloy ako ng pag pasok sa elevator. Parang humaba ata ang oras dahil sa tagal naming sa loob.
Kaya ng narinig ko ang tunog. Hudyat na nasa 1st floor na kami ay parang nabuhayan ang loob ko. Ang bigat ng hangin sa loob. Ang awkward sa feeling.
Mag lalakad na sana ako palabas, when I felt his hand on my wrist. Biglang bumilis ang tibok ng bobo kung puso. Huminga muna ako ng malalim bago siya harapin. Pilit ko siyang nginitian ng lumingon ako.
"Yes?" tanong ko habang pilit paring nakangiti dito. Nakatitig lang siya sakin. Hindi ko na kinaya ang mga mata niyang nakatingin sakin kaya ako na ang nag tanggal ng pagkakahawak niya sa kamay ko. "Kung wala kang sasabihin SIR. Pwede bang umalis na PO ako?" diniinan ko talaga ang pag bigkas ng sir at po para maintindihan niya na hindi ko siya gustong makita.
Nakita ko sa mga mata niya na mayroon siyang gusting sabihin pero hindi ko na iyon pinansin at tinalikuran na lamang siya. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng makalayo ako sa kanya.
"Oh. Nan'yari sayo?" taking tanong ni laine. Tsaka ko lang na pasin na nasa labas na ako ng hotel at nasa harap ko si Laine at Zein na nakatingin sakin ng nagtataka. "Oo nga. Ba't para kang hinahahabol ng multo?" natatawang ani ni zein.
"Wala." Mahinang saad ko dito. "Talaga baka may umaway sayo. Halika risbakan natin." Ani ni Zein at papasok na sa hotel ng hawakan ko ito sa kamay at para pigilan. Baka makita pa niya si Sameer. Mabilis pa naman itong babaing to.
"Wala. Gutom lang talaga ako. Halikana samahan niyo ako bago pa kayo ang kainin ko." Pagpapatawa kong saad para hindi na mag usisa pa sila. Nag simula na kaming maglakad papunta sa resto. "Baka. Halikana para makakain na tayo. Ikaw nalang kasi yung kulang. Nandoon na yung mga katrabaho natin. Tapos sabi din ni sir ngayon daw niya ipapakilala yung bagong vice-president natin. Tapos mamaya hapon na daw mag sisimula yung team building natin. At sasali daw yung bagong vice-president ng company." Mahabang kwento ni laine.
Napatango nalang ako sa mga kwento nila. Hindi nagtagal nakarating na din kami sa resto. Nagsimula na kaming kumain. Ang sasarap ng mga pakaing hinahain nila. Malalasap mo talagang fresh. Busog na busog ako pag katapos naming kumain.
Niyaya ako nila Zein at Laine na mag pa-spa. " Ny, spa tayo para makapagpahinga." Yaya ni Zein. "Sige kayo nalang. Naglalakad-lakad muna ako dito. Aakyat na din ako pag mainit na." sagot ko. Tumango lang sila at iniwan akong mag-isa.
Umorder ako ng isang ice cream. Naglakad ako papuntang tabing dagat. Umupo ako sa duyan na nakita ko kanina. Kumakain ako ng ice cream habang nakatingin sa asul at malinaw na tubig dagat.
Inisip ko ang mga nangyari samin. Hindi naman ako galit sa kanya. Natatakot lang akong makaharap siya. Dahil hindi parin ako masaya gawa ng sabi ko sa kanya na pag nagkita muli kami ay masaya nako. Dahil gusto ko parin siya. Napatawa ako dahil sa naisip. Siguro kung makaharap ko uli siya. Gagawin ko ang lahat para mag mukhang masaya sa harap niya. "Wag muna nga yung isipin. Mabuti pa bumalik na ako at mag handa para mamayang hapon." Ani ko sa aking sarili.
Tumayo na ako pag kaubos ng ice cream. Pumikit muna ako habang nakatingala sa asul na asul na kalangitan. Tumalikod na ako para bumalik sa hotel ng makita ang taong nasa aking harap ngayon. Para akong na naparalisa. Nasa harap ko na ang taong iniisip ko kani-kanina lang.
Hindi ko alam kung anong sasabihin. Kaya tumikhim nalang ako para ma wala yung awkwardness na nararamdaman. "Hi!" mahinang ani ko. Ako na ang bumasag sa katahimikan. "Hi." Mahinang sagot niya.
Ngumiti ako bago nagpatuloy. "How are you?" I ask. "I'm fine." He answered. "Hmm... sige una na ko. Mainit na kasi." Ani ko. "Yeah sure." Ani niya. Tumango nalang ako at nilagpasan siya.
Short update. Pambawi sa mahabang panahon na hindi nag update...hshshsh
Typos and wrong grammars.
Hope you like it.
-CHEILLE<3
![](https://img.wattpad.com/cover/255801692-288-k580261.jpg)
BINABASA MO ANG
Fall Right Into You (ISLAND SERIES #1)
Romansa"Everything happen in the right time". Loving someone is not just about a man and a women... Their feelings for each other... Sometimes you loved the right person but not in the right time...