Prologue

87 6 3
                                    

"You've lost your memory"

What! Tila hindi makapasok sa aking isipan ang salitang namumuo sa bibig ni Hydrael. It was too much for me to process, too heavy to deal with.

"Hindi! Hindi yan totoo. Hindi ako nakalimot. Hindi ako nakakalimot. And you know that Ryael. Papaano!"

Lumapit ako sa kaniyang lamesa na punong-puno ng mga papel at idiniin ang aking palad sa naturang upuan. Halos hindi kinaya ng aking sikmura ang matinding tapang na amoy ng alcohol na kanina pang lumilibot sa kaniyang opisina.  Nakatingin lamang ako sa kaniya, pinagmamasdan kung papano niya nagawang maging kalmado habang ako'y naguguluhan na sa kaniyang sinabi. Hinubad niya ang kaniyang puting coat , tinupi't inalagay niya ito kasama ang stethoscope sa cabinet. Ibinalik niya ang atensyon sa akin habang inayos ang kaniyang desk plate, Dr. Hydrael Yves C. Greyete.

Patuloy na sumasagi ang mga katanungan sa aking isipan. Bumabalabog sa aking utak ang sinabi ni Ryael. Halos mawindang ako sa pag-unawa sa kaniyang sinabi. Hindi ko naman talaga kayang makalimot.

"Maghulos-dili ka Celeste! Makinig ka muna"
sabi ni Ynah na kani pang humahaplos sa aking likuran.

Tiningnan ko siya ng matagal at sinabayan ang kaniyang paghinga. Nang maramdamanan ko na ang pag-alma ng aking pag-iisip, nilipat ko ang aking paniningin kay Ryael na kanina pang nakatitig sakin. His stares were too profound to deal with.

"You have a memory gap, Cel. A cancer-related cognitive impairment o chemo-fog kung tawagin. Dulot ito ng ilang beses mong pagki-chemotherapy......"

Hinawakan niya ang kamay at dinama ang pait na tila bumabalot sa akin. Ang kaniyang ekspresyon ay pawang lungkot na nag udyok ng kanyang luha na tumulo.

I felt nothing. Wala akong naramdaman kundi ang taghoy ng hangin na kanina pang sinasayaw ang aking buhok. Halos wala pa rin akong naiintindihan sa mga nangyayari. Imposible at papaano ako makakalimot.

Bago pa man matapos ang sasabihin ni Ryael ay walang pagdadalawang-isip kong pinutol ang kaniyang pagsasalita.

"Asan siya? Asan si Nico"

Inalis ko ang aking kamay sa kanyang gawi at inabot ang aking telepono sa aking bag. I dial Nico's number but it was out of reach. Paulit-ulit ko itong tinawagan ngunit wala man lang salita na galing sa kaniyang bibig ang aking narinig.

"Tang'na naman to oh, sagutin mo Nico! Sagutin mo! Asan ka na ba"

Nainip ako at tinayo ang aking sarili. Aalis na sana ako nang hinablot ni Ryael ang aking kamay at hinatak niya ko.

"Huwag ka munang umalis. Kailangan ka namin maka-usap! " saad niya.

Tinulak ko ang kaniyang kamay na nakapulapot sa aking braso at tinitigan siya sa mata.

"Ayokong makinig sa inyo! Mas makakabuti kung si Nico mismo ang magpaliwanag sa akin. Siya lang ang nakakaalam sa mga pinagdadaanan ko. Siya lang ang makapagsasabi sa kung ano talaga ang nangyari sa akin. Sa kung bakit ako hindi makaalala. Siya lang ang makapagsasabi kung lahat ng iyong sinabi ay totoo. Siya lang! "

Mabilis akong umalis sa opisina ni Ryael. Ramdam ko ang presensya ni Ynah sa aking likuran- sinusubukan niya akong sundan ngunit gusto kong mapuntahan si Nico. Gusto ko ng sagot galing sa kaniya.

Tumakbo ako ng pahalang kahit labag ito sa hallway rules ng Greyete Hospital. Para akong nakipaghahabulan sa hangin subalit ako'y nakatali sa mapait na aking karamdaman. Nang malapit na ako sa exit ay naramdaman ko ang malakas na pagsunggab ni Ryael sa akin. 

Pilit kong makawala sa kaniyang pagkahawak ngunit nangibabaw ang kaniyang lakas. Nagmakaawa at nagmukhang baliw akong umiyak sa kaniyang harapan para lamang pakawalan sa kaniyang hawak.

I Forgot to Remember YouWhere stories live. Discover now