Liwanag

47 13 2
                                    

I REALLY WANT TO WIN KAYA PLEASE LANG PARANG AWA MO NA. MAG VOTE KA PLEASE...

I promote ko na rin mga stories ko.

Please try to read My Racketeer Series and My Maid trilogy.

TIA!

                          ♥♥♥

LUCIA

"Kahit kailan hindi ka maasahan! Ultimong paghuhugas lang ng pinggan nagkakamali ka pa! Peste ka talaga sa buhay ko!"

Napaluha siya ng tumama sa mukha niya ang malapad na palad ng kanyang ina.

Tama kayo. Ang dugo ng babaeng nasa harapan niya ay ang dugo ring dumadaloy sa mga ugat niya.

P*tang ina!

'Yan na lamang ang tanging salita na namumutawi sa kanyang isipan mailabas ang galit na namumuo sa kanyang puso sa tuwing sasaktan siya nito. Pero hindi niyon kayang alisin ang sakit sa tuwing maiisip niyang nakakakaya siyang pagbuhatan ng kamay ng kanyang ina sa simpleng pagkakamali lamang.

Nahulog niya ang isang babasaging pinggan nang dahil sa gutom. Kakatatapos lamang kumain nito na siya ring dahilan kung bakit mayroong pagkain sa hapag. Galing iyon sa pagtitinda niya ng Sampaguita sa simbahang malapit sa kanila.

Napaigik siya nang walang babalang sinabinutan siya nito.

"P*tang ina kang babae ka! Kung hindi dahil sa akin dapat patay ka na. Pasalamat ka at naaawa pa ako sa iyo!"

Sana nga pinabayaan nyo na lamang akong sumama kay Itay! Kung alam ko lang na magiging impyerno ang buhay ko sa inyo!

Tanging sigaw niya sa kanyang isipan.

Niloko ito ng kanyang ama kaya lahat ng galit nito ay sa kanya nito ibinabaling. Kahit kailan ay hindi siya nito pinakitaan ng pagmamahal bilang isang anak.

Ngunit anak nga ba siya nito?

"Naawa lang talaga ako sa'yong bata ka!"gigil pa na turan nito.

"N-naawa ka sa akin? S- sa araw-araw na sinasaktan nyo ako. Unti-unting dinudurog ang puso ko dahil....dahil sarili kong ina nakakaya akong saktan!" garalgal ang boses na turan niya. Hindi na niya matiis pa, sobra na! Pinggan lang iyon pero halos gusto na siya nitong patayin.

"Abat! Marunong ka nag sumagot! Alam mo bang anak ka ng p*ta! Oo! Hindi kita anak! Anak ka ng p*ta na nabuntis ng tatay mo! Kaya nga hindi ka isinama ng tatay mo,gaga!"

Hindi niya naramdaman ang sakit ng sampalin siya nito dahil parang namanhid ang isip at pakiramdam niya sa narinig.

"O, ngayon alam mo na! Kung maari lumayas ka na, panira ka ng araw ko! Wala rin naman akong mapapala sa iyo-"bigla itong natigilan sa sasabihin sana at wari ay mayroong pumasok sa isipan nito.

"Oo nga ano, bakit hindi na lang kita ibenta? Kikita ako ng malaki sa iyo. Birhen ka pa naman!"

Napahumindik siya sa narinig. Nakita niyang may kinuha itong kung ano sa ilalim ng lababo. Nagulat siya ng makitang isang lubid ang kinuha nito roon.

Baliw!

Baliw na ang kanyang ina.

Hindi!

Hindi nga pala niya ito tunay na ina. Walang inang mag-iisip ng ganoong kahayupan sa kanyang anak. Handa siya nitong ibenta para lamang magkapera.

Tatakbo na sana siya nang bigla siya nitong sabunutan at hilahin sa buhok para hindi siya makaalis.

Masakit sa anit ang ang pagkakahawak nito sa kanyang buhok ngunit ginawa niya ang lahat para makatakas dito. Buong tindi na kinagat niya ang braso nito nang mahawakan niya iyon. Nang makawala sa mga kamay nito ay mabilis siyang tumakbo palabas ng bahay.

Nagugulat ang mga taong nakaksalubong niya ngunit wala na siyang pakialam pa. Ang nais lamang niya sa ngayon ay makatakas. Kasehodang madapa siya sa kakatakbo, makalayo lamang sa baliw na babaeng iyon.

Akmang tatawid na siya sa kabilang kalsada nang makarinig siya ng malakas na busina ng isang sasakyan. 

Liwanag ang huli niyang nakita bago siya nilamon ng kadaliman.

Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Puting paligid ang bumungad sa kanyang paningin.

"Doc. Gising na po siya!"

Napalingon siya sa nagsalita. Isang lalaki ang nasilayan niya. Nang lumingon siya sa kanyang kaliwa ay isang lalaki ang nakasuot ng itim na pang-itaas at pang-ibaba ang  nakita niya. Walang mababakas na emosyon sa mga mata nito.

Ibinaling niya ang paningin sa ibang direksyon. Muli iyong dumako sa lalaking kanina ay nagsalita.  Kapansin-pansin ang paghinga nito ng malalim na wari mo ay nabunutan ng tinik sa dibdib. Nakatingin rin ito sa kanya at katabi nito ang isang doktor.

"Kumusta, Miss? May iba ka pa bang nararamdaman bukod sa sakit ng sugat mo sa buong katawan? " kausap sa kanya ng doctor.

Umiling siya.

"Mabuti naman. Kahit ako nagtataka at nakaligtas ka sa sobrang tindi ng mga tama at sugat mo sa katawan but thanks god it's good for you."

May ibinilin ito sa lalaking katabi niya. Muli naman niyang hinanap ang lalaking nakasuot lahat ng itim pero wala na ito roon. Hindi man lamang niya napansing lumabas ito.

"So, Miss wala ka bang ibang kamag -anakan na pwedeng kontakin para sana maibilin ko rin itong mga gamot mo kung sakali"

Muli siyang lumingon sa lalaking nasa gilid niya. Nakasuot ito ng white long sleeve polo shirt. Mukhang may sinabi itong tao. Maganda rin ang mga mata nitong parang tagos sa kaluluwa kung makatingin, ang mga labi nitong lalaking-lalaki ang dating, ang buhok nitong magulo ngunit mas nakadagdag lang iyon ng angking kagwapuhan nito.

"Miss, I'm talking to you. Please stop fantasizing me."

" Wala na akong kamag anak na pwedeng pumunta rito"bigla niyang tugon dahil sa kasungitang taglay ng tono ng pananalita nito. Inalis rin niya ang tingin rito dahil bigla siyang natakot sa awra nito.

Natigilan ito saglit pero sa huli ay napabuntong hininga rin.

🔰🔰🔰

Dalawang araw pa lang siya na nasa poder nito pero parang maayos na ang pakiramdam niya kaya nga kapag wala ito ay pinipilit niyang gumawa ng mga gawaing bahay. Kahit naman mayroon itong katulong ay nagpupumilit siyang magtrabaho sa bahay nito. Pero kapag naroon na ang lalaki galing sa trabaho ay nagagalit ito kapag nakikitang kumikilos siya. Hindi kasi ito naniniwalang okay na siya, na wala na siyang nararamdaman.

Oo, napakasungit nito. Palaging nakakunot ang nuo kaya minsan natatakot siya sa presensya ng lalaki.

Ayon kay Manang ay nagkaganoon lamang ang lalaki dahil niloko ito ng fiance at sa mismong sa kasal pa raw nito ito iniwan.

Nakaramdam siya ng awa rito dahil hindi biro ang ganoong sitwasyon. Iniwan ka ng mahal mo sa araw pa nang pag-iisang dibdib ninyo.

Wala pa ang lalaki at gusto sana niyang maghugas ng pinagkainan pero ang sabi ni manang Gerly baka raw parating na ito kaya hindi na siya nagpumilit pa. Kumuha na lamang siya ng isang basong tubig para sana inumin ang gamot niya dahil oras na ng pag-inom niyon.

Nagulat siya ng mabitiwan ang baso kaya nag-atubili siyang damputin iyon.

"Sh*t!"

Napapikit siya ng marinig ang boses na pamilyar sa kanya. Naramdaman niyang hinawakan nito ang kanyang mga kamay.

"Can't you see?! Dumudugo na ang kamay mo pero patuloy ka pa rin sa pagdampot ng mga bubog"

Napatungo siya. Pinatayo siya nito habang hawak pa rin ang kanyang mga kamay.

"Manang , pakilinis nga po ito. Mas mabuting ikaw na po ang gumawa para hindi na madagdagan ang problema"

Nakasimangot itong tumingin sa kanya. Parang gusto naman niyang maglaho sa harapan nito. Kahit kailan sobrang tanga talaga niya. Wala na siyang ginawang maayos. Kasalanan din niya kung bakit palaging nagsusungit ito.

VOTE
COMMENT
FOLLOW

@allyvia

Light Of Rebirth( One Shot)COMPLETEDWhere stories live. Discover now