Ngiti

20 11 0
                                    

Uy ikaw! Oo ikaw nga!

Babasahin mo na yung pangalawang chapter neto. Beke nemen...........

Isang ngiti nga sabay VOTE at FOLLOW jan.

TIA!

Please check the media above. He's the male character of this story.

He is LOTUS DEL RIOS.
Please try to read My Mafia Series and My Maid series!

TIA!

♥♥

LOTUS DEL RIOS.

"Sa susunod magiingat ka. Hindi ako palaging narito para linisin ang sugat mo. Isa pa dinadagdagan mo pa ang trabaho ni manang"

Nakatitig lamang siya sa mukha nito habang sinasabi iyon ng lalaki. Patuloy lang ito sa ginagawang paglalagay ng gamot sa nasugatan niyang mga kamay nang dahil sa mga bubog kanina.

Bigla siyang nahiya nang mag-angat ito ng tingin kaya ngali-ngali siyang nagsalita kahit nabubulol-bulol pa siya.

"S-sorry, kahit kailan clumsy talaga ako, palagi na lamang akong may maling nagagawa. S-sana hinayaan mo na lamang ako, kaya ko namang gamutin ang sarili ko"sinasabi niya iyon habang nakatungo.

"Tsk! Mag-thank you ka na lang, pwede?" masungit pa ring sabi nito.

Hindi siya nagsalita. Puro sugat pala talaga ang mga kamay niya at hindi niya maisip kung paanong nangyari iyon nang hindi niya napansin.

Napatingin siya sa lalaki nang bumuntong-hininga ito.

"Okay, I'm sorry. Nagiging masungit na yata ako nang sobra sa iyo. Gusto ko lang naman na maging maayos ka na. Kasalanan ko kung bakit may mga sugat ka sa katawan" seryoso ito ng sabihin iyon. Siya lamang itong nahihiyang salubungin ng tingin ang lalaki.

"H-huwag mong sisihin ang iyong sarili, ako ang may kasalanan. Huwag kang mag-sorry. Ako 'yong bigla na lamang tumawid sa kalsada"

"Hindi, parehas siguro tayong may kasalanan. Lasing ako nang oras na iyon kaya hindi rin kita napansin agad. Sorry, I'm so sorry...."

Nakita niya na parang may gusto pa itong sabihin pero parang may pumipigil dito.

"Okay lang wala na namang saysay ang buhay ko nang mga panahong iyon. Sana nga ay namatay na lang ako....."hindi niya napigilan maging malungkot nang banggitin ang mga salitang iyon. Ngunit naisip rin niyang bago pa man siya mabundol ng sasakyan niyo ay may isang kahilingan ang biglang sumagi sa isip niya na siya rin sigurong dahilan kaya siya ay nabubuhay sa ngayon.

"Please, don't say that! Nang mangyari ang bagay na iyon ay iyon din mismo ang araw na hindi sinipot ng fiance ko ang kasal namin. Nang mga oras na iyon sinabi ko sa sarili ko na wala nang saysay ang buhay ko pero nang akala ko na makakapatay ako ng tao dahil mababangga kita, nagdasal ako na huwag niya akong kunin dahil gusto ko pang mabuhay. Ewan, basta! Gusto ko pang mabuhay"

"Sorry.." muli niyang sambit. Hindi niya matukoy kung ano ang dahilan at nabanggit niya ang salitang iyon.

"Sabi ko huwag kang mag-sorry. Makulit ka talaga!"

Napatingin siya sa mukha nito nang mapansing nakangiti na ito sa kanya.

Bakit ba ang guwapo nito? Bakit lalo itong nagiging magandang lalaki dahil  sa ngiting iyon?

"Alam kong guwapo ako"

" Oo nga, guwapo ka nga pero mayabang ka pala"

Para siyang timang, kanina lamang ay sobrang lungkot niya, ngayon nama'y parang hindi siya makahinga ng maayos dahil sa mga ngiting iyon.

Light Of Rebirth( One Shot)COMPLETEDWhere stories live. Discover now