Chapter 1 : Past"Are you ok ?" Tanong sakin ng bestfriend ko na si Caleb . Hindi ko rin alam kung bakit ganito ako ngayon . Tahimik , matamlay , parang laging wala sa mood sa lahat ng bagay .
"I'm fine ." Sabi ko sa kaniya pero sa totoo , hindi naman talaga . Para akong ewan ngayon eh .
"Pwede mo ba akong samahan sa Bookstore . May bibilhin lang ako mamaya para sa School Projects ." School Projects ? Oo nga noh ? Nawala sa isip ko na tambak na pala ako ng projects na kailangang tapusin ko na agad dahil sa malapit na ang deadline .
Dahil sa hindi ko talaga kayang tanggihan tong bestfriend ko , sumama na rin ako . May mga bibilhin rin naman kasi ako para sa mga projects pati sa school reports . Idagdag mo pang wala rin naman akong gagawin mamaya at sobrang boring sa bahay .
Pagpasok sa bookstore ay naghiwalay na kami . Naghanap siya ng mga books about sa History while Science books naman ang hinanap ko . May report rin kasi ako next week . Kinuha ko yung Biology Textbook pati na rin yung Biology Dictionary .
"Gerald ?" Napatigil ako sa paghahanap ng makita ko siya . Si Gerald . D@mn this small world . Bakit sa lawak lawak ng mundo eh nagkita pa kami dito . And take note , kasama niya ang ex bestfriend ko , si Denise .
~~~~~ Flash Forward ~~~~~
"Babe . Sorry hindi ako makakapunta sa kitaan natin ngayon ah . May emergency kasi eh . By the way , Happy Anniversary ! Bukas na bukas , magcecelebrate tayo . I love you hun !" text sa akin ni Gerald .
Medyo nadismaya ako ng malaman kong hindi pala kami makakapag celebrate ni Gerald . First Anniversary pa naman namin ngayon . Nakakalungkot .
Dahil sa sobrang boredom , tinext ko na lamang si Caleb , bestfriend ko para pumunta ng park .
"Caleb . Free ka ba ngayon ?"
"Oo . Bakit ?"
"Hindi kasi kami makakapagcelebrate ni Gerald ng First Anniversary namin eh . May emergency daw . Yayayain sana kitang magpunta ng park . Kung ayos lang ."
"Sige ba . Maliligo lang ako at kakain . Baka mejo malate ako . Medto mahihirapan kasi akong tumakas dito eh ."
Natawa naman ako sa sinabi niya . "Sige sige ."
Dumiretso na ako ng park . Naglalakad na ako ng biglang may narinig akong tahol . Nanginig ako . "Asoooo ! ! ! !" Halos hindi ako makagalaw dahil sa asong to . Mukhang galit na galit siya sakin eh .
"Brownie come here !" Sigaw ng isang babaeng nasa mga 40's na . Medyo napanatag ako dahil nandito na rin ang amo ng asong ito . Pero teka ? Parang kilala ko siya ah ?
"Pasensya ka na sa asong to ah ."
"Tita Maureen ?" Tanong ko sa kaniya . Tama ! Siya nga si Tita Maureen ! Mama ni Gerald . Pero . . . Anong ginagawa niya rito?
"Oh ! Ikaw pala yan Alison ! Anong ginagawa mo rito ? Di ba dapat eh kasama mo si Gerald dahil sa Anniversary ninyo ngayon ?"
"O-oo nga po . Kaso hindi daw siya makakapunta dahil sa may Emergency ."
"Pero ang alam ko nasa Park siya ngayon ah . Ang akala ko nga eh ikaw ang kasama niyang babae doon ."
Park ?
Babae ?
Parang kinabahan ako sa sinabi ni tita .
"Puntahan mo kaya siya roon ? Nandun siya banda sa may playground sa may park."