Part 11

8 6 0
                                    

shane povs:grabe feeling ko tuloy ako yung bida sa action movie lumabas lang naman ako sa pinagtataguan ko,natulala kaagad sila sa akin iba  rin nagagawa nang maganda eh

"ano ikaw lalaban"tanong sa akin nung lalaking may hikaw sa ilong,tumango ako sa kanya"hahahaha nag papatawa kaba"

"hindi"sabi ko sa kanya dahilan para matahimik sya sa pag-tawa"hindi ako nag papatawa kasi talagang lalaban ako,ikaw nag papatawa kaba"tanong ko pabalik sa kanya

"anong sabi mo bakit ako mag papatawa ahh,bakit?muka ba akong katawa-tawa"galit na tanong nya sa akin

pikon

"honestly,OO"sabi ko sa kanya kaya lalong syang nang gigil"hindi ako marunong mag-sinungaling kaya tanggapin mo na lang yung katotohanan,at syaka sino bang makiki pag-away sa mga tukmol na to"sabay turo kila keiner kaya sinamaan nya ako nang tingin"nang may sing-sing sa ilong"

"hoy babae ok nasa akin na laitin mo ako pero ang hindi ko lang tanggap na yung hikaw ko sa ilong ay maging sing-sing"gigil na sabi nya sa akin,grabe naman to yun lang pala grabeng mag drama

"sorry naman sing-sing pala ay este hikaw yang nasa ilong mo hindi kasi halata ang laki kasi nang butas nang ilong mo eh"sabi ko dahilan para matawa yung kabilang panig ganun narin sila ethan

"hoy kayo"turo nya sa mga kasamahan nya"huwag kayong tumawa sugurin nyo na sila"grabe ang daya ang bibilis nilang kumilos pero okey lang yan mas mabilis mas maganda

"shane umalis kana"sabi sa akin ni ethan pero dahil ako nga si shane ay hindi ako umalis

"ayoko dito lang ako"sabi ko kaya wala na silang nagawa halos lahat kami lima lima yung kalaban dahil ang dami nila pero kay keiner sa sobrang bilis nyang kumilos hindi kona alam kung ilang yung na patumba nya pero ang nakaka pag taka lang bakit lahat sila magagaling pati si kate ang bibilis nila at ang liliksi

hindi kona lang pinansin kung ano yung iniisip ko naki pag-laban na lang din ako,may susugod sana sa akin pero nahunahan ko sya hindi paman sya nakaka lapit sa akin ay binigyan kona agad sya nang malakas na sipa kaya tumilapon sya ganun na lang ang gulat ko nang pag harap ko ay may sumipa sa akin nasaktan ako pero parang kinagat lang ako nang langgam sanay ako sa sakit kaya nung sipain nya ulit ako ay hindi na ako nasaktan nung sisipain nya sana ako ay nahunahan kona sya hinawakan ko yung paa nya sabay puwersahang hinila dahilan para madapa sya at mauntog,halos lahat nang mga nakalaban ko ay puro paa ang gamit pero laking gulat ko nang makita kong may sasaksak sa likod ni ethan

"ethan sa likod mo"habang sinasabi ko yun ay tumakbo na ako kay ethan para hindi sya masaksak mas pinili kong iharang ang katawan ko para hindi masaksak si ethan

"shane"sigaw nila carter,

"keiner ang daming dugo"sabi ni ethan,at bigla na lang nanginig ang kamay nya at biglang nangilid ang mga luha sa mata"ate shane kayanin mo ahh"nag mamaka-awang tinig ni ethan

"shane huwag kang matutulog dadalhin ka namin sa hospital"halos lahat sila ay may sinasabi pero parang wala na akong marinig unting-uti nang labo ang paningin ko,dahilan para mawalan ako nang malay


ethan povs:nawalan nang malay si shane kaya mas lalo akong nanginig hindi dahil sa takot na makulong ako dahil ako yung may kasalanan kung bakit sya nasaksak takot na baka mawala sya ayokong mawala si shane

"ano dalhin na natin si shane sa hospital"nag mamadaling tinig ni kate

"kayo na ang mag dala sa kanya"sabi ko at syaka tumingin sa lalaking may gawa kung bakit na sak-sak si shane

Im Still Love youWhere stories live. Discover now