Prologue

6 0 0
                                    

How can we say that we fall out of love?
How it would be easy for someone to let go of all the good memories?
How does a person hold on to his/her love that already in love to someone?

Hi. I'm Kylie Asia. I live alone yah mag-isa lang ako sa buhay ever since my Lolo and Lola died.
I did not meet my parents, sabi ng Lola Atria ko mayaman daw ang Papa ko gusto niya sana akong
panagutan pero nalaman ng mama ko na may pamilya pala si papa. Meaning to say, naging kabit ang
mama ko. Hindi ko alam kung paano nakaya ni mama ang lahat ng yun. Si mama namatay nung
ipinanganak ako. Kaya si Lola Atria at Lolo Primo na ang nagpalaki sa akin. I love my Lolo and Lola-
lagi kong pinapakita sa kanila kung gaano ko sila kamahal. Sa kasamaang palad, pag-uwi ko galling sa
barkada ko sinalubong ako ng masamang balita  na disgrasya sina Lolo Primo at Lola
Atria habang pauwi galing sa palengke. My heart was shuttered into pieces when I heard that…..

----Flashback----

“Shen, thank you ha! Kung hindi mo ko inuwi dito sa bahay niyo siguro sa lansangan ako
natulog.” Sabi ko habang hawak-hawak ang ulo ko na para bang sobrang bigat neto. Ganito pala ang
pakiramdam ng may hangover.

“Ano kaba Kylie, kung may problema ka hindi solusyon ang pag-iinom ng alak. At saka pinag-aalala mo
ang Lolo at Lola mo. Kahapon pabalik-balik sila dito sa bahay, kaya kagabi hinanap na kita.” Seryoso niyang panenermon sa akin.

“Hala! oo nga baka akala nila naglayas nako. Teka, Shen uwi nako salamat uli ha.” Sabi ko sabay takbo.

Hingal na hingal ako ng papasok nako sa eskinita na dinadaanan ko papunta saming bahay ng makita
ko ang kumpulan ng mga kapit-bahay.

“Ano ba  yan ang aga-aga ng chismisan niyo ha! Mag-kape muna kayo mga kumare! HAHAHAHAHA. "
Sigaw ko sa kanila ngunit parang wala silang narinig sa sinabi ko. Hanggang sa lumapit sakin si Rina.
Anak ng kapit-bahay na laging nagpapaturo sa akin kapag wala ako ginagawa. Labas pasok din yan sa
bahay at tinuring ko nading kapatid at apo nila Lolo at Lola.

“ATEEEEE! HUHUHUHUHUHUHU Sigaw niya matapos siyang makalapit sa akin.

“Oh bakit Rina? Anong nangyari? Inaway kaba nila?”. Tanong ko agad, ngunit parang mali ang tanong
ko. Ang bigat ng pakiramdam ko ng marinig ko ang mga pag-iyak niya.

“S---si Lolo Primo at Lola At---ria huhuhuhuhu”. Sambit niya na para ba kong nabubuhusan ng mainit na
tubig.

“Bakit sila Rina? Pinalo kaba nila?”. Tanong ko kahit alam ko naman na hindi magagawa nila
Lolo at Lola yun dahil ni minsan ay hindi nila ako pinalo. Nangbabakasakali akong sasagutin niya ngunit
wala akong narinig na sagot. Humahagulgol lang siya at ang sakit sakit makitang umiiyak si Rina.

“Ms. Asia? Maari ko po ba kayong maka-usap?”. Tanong ng pulis na lumapit sa akin. Parang lumilipad
ang utak ko sa mga nangyayari. Para bang gusto ko na muna pumunta sa bahay at matulog na
dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

“Sir, pasensya na saka na lang ho, masakit po yung ulo ko. Kailangan ko na ------“. Hindi ko na natapos
ang sasabihin ko ng biglang nagsalita ang pulis. At para bang nagsisisi akong narinig ko ang mga sinabi
niya.

“Ma'am patay na po si Lola Atria at Lolo Primo”. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. pakiramdam
ko'y wala akong dila at hindi ako makapagsalita. Gusto kong tumakbo sa loob ng bahay para
patunayan na nandoon lang silang dalawa na nagkwekwentuhan habang sumisipsip ng paborito
nilang kape. Ngunit hindi ako makagalaw. Naramdaman ko ang pagyakap ni Rina mula sa aking
bewang at doon na bumuhos ang aking mga luha. Ang sakit sakit isipin na mag-isa na naman ako.
Wala na yung mga tumayong magulang ko iniwan nadin nila ako.

-----End of flashback-----

Mon AmourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon