[KYLIE'S POV]***********RINGGGGGGGGGGGG**********
“Hoy Kylie, kanina kapa natutulog dyan ah. Zero ka na naman sa Statistics natin. Talaga bang ganyan kana palagi?”. Inis na panenermon ni Shen sa akin.
Galing akong Furious Bar kagabi. Doon ako nagtratrabaho tuwing gabi. Hindi bilang bayaran kundi bilang singer. Oh diba anong akala niyo sa akin lasinggera lang? Aba syempre, may talent ako. Sobrang sakit ng ulo ko at lalong sumasakit dahil sa panenermon ni Shen. Ang bestfriend kong hindi ako iniiwan.
“Shen pwede ba hayaan mo muna ako ang sakit sakit ng ulo ko.” Pilit kong sagot sa kanya dahil alam kong di sya titigil sa kakasermon hangga't di ako sumasagot sa sinasabi niya.
“Hoy kylie baka nakakalimutan mo graduation na natin next month. Baka dika makagraduate sa ginagawa mo.” Dismayadong sagot niya. Sa totoo lang mula nung namatay ang Lola Atria at Lolo Primo nagkandaaletse-letse na ang buhay ko.
Hindi nako tulad ng dati, nagging bisyo ko na din ang pag-inom ng alak. Siguro kung buhay pa grandparents ko hindi ako ganito. Dati din akong honor student ngunit napabayaan ko na. Nagiging priority ko na ang pagkanta sa Bar. Na kung minsan naaliw sila dahil sa aking madrama estilo sa pagkanta.
“Oo alam ko naman Shen. Next week babawi ako ha. Hayaan mon a muna ako matulog dito pwede?”. Tamad kong sagot at tila ba naniwala din si Shen sa mga sinabi ko.
“Sabi mo yan ha. Dapat sabay tayong gragraduate ha.” Nakangiti niyang sagot sa sinabi ko. Maswerte ako at nagkaroon ako ng kaibigan na tulad ni Shen. Yun bang para mo ng kapatid at walang sapawan na magaganap dahil pareho naming gusto umanggat.
“Salamat Shen ha. Mahal na mahal kita.” Sambit ko at niyakap ko sya.
“Hoy kylie! Tomboy ka pala! HAHAHAHAHAHA” Sabi ni Fred. Kakalase kong wlang ibang ginawa kundi inisin ako.
“Tumahimik ka nga dyan Fred baka gusto mo sapakin kita dyan?”. inis kong sagot.
“AHAHAHAHAHAHA! INIS KA NA BA NYAN?”. Muling panunukso nila at saka kumaripas na ng takbo.
Kahit kalian talaga hindi mabubuo ang araw niya hanggat di niya ako nakikitang naiiinis. Makatulog na nga lang at mamaya makikinig nako sa discussion.
[DRIX'S POV]
Anubayan sa lahat ba naman ng lilipatan kong school ditto pa ako ipinunta ni Dad. Haysss ayoko dito gusto ko ng bumalik sa dati kong school.
“ANG POGI NYA NO?”
“HALA YAN YATA YUNG TRANSFEREE”
“ANG GWAPO NIYA MYGOSH”
“SIGURO HEARTROB YAN SA DATI NIYANG SCHOOL.”
Ewan ko ba sa mga students dito sa GRACIAS HIGH bumubulong sila sa katabi pero naririnig ko naman. Ganun na ba ako kagwapo para pagpiyestahan ng mga students dito. Sa lawak ng school na to diko pa alam kung saan ba talaga yung room ko. Subukan ko nalang kaya magtanong total gwaapo naman ako tiyak di ako iisnobin.
“Ah miss, miss”. Pagtatawag ko sa babaeng nakaupo patalikod habang kinakalabit ito.
“Tangina. Ano ba umiidlip yung tao eh! Ano ba problema mo?”. Sigaw niya sa akin. Teka, ngayon lang ako nasigawan ng babae ah. Imposibleng di umobra sa kanya ang kagwapuhan ko.
“Ah pasensya na miss, tatanungin ko sana saan room ng Grade 12 dito?”
“Muka ba akong tanungan? Kitang umiidlip eh dun ka sa iba magtanong. Istorbo!!”. Muli niyang sigaw. May dalaw yata ang babaeng to. Napakasungit naman sa inis ko ay sumagot nako.
“Wow ha! Nagtanong lang naman ako masama ba yun! Kala mo naman kung maganda.” Sagot ko at naglakad na paalis.
“Anong sabi mong unggoy ka?!.” Sigaw niya.
Kumaripas nako ng takbo baka mabugbug pako ng amazonang babae na yun. Diko alam kung saan ba dapat ako pumunta. Grabe nakakainis talaga sana hindi nalang dito.
“Oh, Hi ikaw ba yung transferee?”. Tanong ng isang babae na para bang anghel ang kagandahan. Ang haba ng mga pilikmata niya, ang kulay brown na mata ay bagay na bagay sa kanya at ang pula niyang labi na para bang ang sarap halikan.
“Ah hello, huuuuuuy Mr? Naririnig mo ba ako?.” pagtatanong niya habang winawagayway ang kamay niya sa mukha ko.
“Ah pasensya na ang ganda mo kasi nakakatulala.” Nakangiti kong sagot sa kanya. Ngumiti naman siya at lalong nagpaganda sa kanya.
“Ahm, ako nga pala si Shen Pearl Cortez. Ang Supreme Student Government President ng Gracias High. Ako yung inatasan na magguide sayo papunta sa room. Kanina pa nga kita hinahanap e.” Seryoso niyang sambit.
“Ah ganun ba , tara na sa room ko at pagod na pagod nako kakahanap. Sa lawak ba namn ng School niyo.” Sagot ko at tumawa ng konti.
Naglakad na kami papunta sa room ko.
“By the way ano pala name mo at saang school ka galing?”. Tanong niya habang diretsong nakatingin sa daan.
Tumigil ako at sinagot ang tanong niya. “I'm Drix Young. Nice to meet you Shen Cortez.” Nakangiti kong inilahad ang aking mga kamay at inilapat naman niya ang kanyang malambot na kamay at saka ngumiti.
Oh my God. Why this woman looks so good in my eyes.“Hala ang swerte naman ni Ms. President ang pogi nung lalaki.”
“Bat sila magkasama? boyfriend niya ba?"
“Ang swerte naman nila pareho.”
“Bagay na bagay silang dalawa Oh my God.”
Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad habang naririnig ang mga bulungan ng mga students ng Gracias High. Mukang ayos din pala kahit papano ditto. Masyado lang talaga akong maarte. Mukhang magiging heartrob na naman ako ng school na to. Napaka interesting nun hahahahaha.