Prologue

2 0 0
                                    

Natuto akong mag isip at mangarap na pumuntang Maynila dahil kay Javiier.

Palagi nya akong kinukwentuhan kung anong meron sa Maynila, kung gaano kaganda at kasaya ang mamuhay sa Maynila.

Hindi ko alam kung totoo nga ba pero lahat na lang ng sinasabi nya ay pinapaniwalaan ko.

Naeengganyo na rin tuloy akong pumunta ng Maynila!

"Kung akala mo ay maganda na dito sa probinsya... may ipagmamalaki ang Maynila!" ang laki pa ng ngiti nya habang nag kukuwento sa akin.

"Balang araw babalik akong Maynila. Doon ako magtatrabaho, ako ang magpapatayo ng matataas na building don."

Kumukislap na yung mga mata nya dahil sa sobrang saya nya.

Ramdam ko na ang init sa balat ko dahil nakaupo lang kami sa bangkang nakahinto sa kailaliman ng dagat at nakabilad lang kami sa araw ngunit tinitiis ko lamang dahil sa nag eenjoy pa si Javi.

"Pwede namang dito ka na lang sa probinsya magtrabaho diba? May kukuha din naman sayo kahit dyan lang sa syudad."

Hawak hawak ko na ang namumula kong braso para mabawasan ang init na aking nararamdaman.

Nakasuot lang kasi ako ng sandong puti at maikling short habang si Javier naman ay nakasandong puti din at itim na jersey short.

"Hindi ako magiging kilalang engineer kung mananatili lang ako dito. Alam mo naman.. mas malaking syudad mas maraming opportunidad."

Ngayon nga ay seryuso na sya habang sinasabi ang mga salitang yun.

Dati pa naman ay gusto ng bumalik ni Javier ng Maynila.

Doon sya nag-aral ng elementary hanggang grade 8, pinaalaga sya ng mga magulang nyang nasa ibang bansa sa Tito Jovel nya, na dito naman nakita sa Jintotolo. Kaya naman ay dito nya na pinagpatuloy ang pag-aaral nya at ngayon nga ay freshman na sya sa college.

Palagi ganyan si Javier sa akin, na wag daw makuntento sa buhay na meron ako kasi kung pupunta ako sa mas malaking syudad ay may mas ikaaangat pa daw ang mararating ko.

Kaya minsan ay napagsasabihan sya ng mga kaedaran nyang ambisyoso dahil sa mataas nyang pangarap.

Alam kong magiging matagumpay si Javier pagdating ng panahon. Dahil sa masipag syang mag-aral at kahit sa anumang gaawain. Pwede din syang mag-artista!

Maraming kukuha sa kanya panigurado, sa mga mata nyang malalalim at mapulungay. Mahahaba at itim na pilikmata dahilan para nagiging kulay itim din ang mga mata nya kahit kulay chocolate naman talaga ang tunay na kulay.

Matangkad din sta kumpara sa mga kaklase nyang nagmumukhang totoy pag katabi nya.

Yung mga braso nyang batak na batak dahil sa pangingisda. Yung kulay ng balat nyang nag-aagawang brown at kulay pula dahil na rin sa pagbibikad sa araw.

Ang ilong nyang matangos na nakuha nya pa sa ama nya at sa pagkakaalam ko ay may dugong kastila din kasi sila.

At yung labi nyang mapula at parang kay lambor halik— nah! Shut up!

Walang panama ang mga artistang nakikita ko sa tv!

Yung nga lang ay may pagka suplado din sya.

Pero maraming may gusto sa mga isnabero kesa sa mga mababait ngayon, kaya pasok na pasok talaga sya bilang artista.

"Sabi ni Tatay, makuntento na lang daw kami sa kung anumang meron kami ngayon. Di na namin kailangang pumuntang Maynila para maghanap buhay." mahinahon kong sabi, sabay tingin sa harapan namin kung saan makikita ang Isla Hegante.

"Wag kang mag-isip ng ganyan! Okay lang makuntento pero kung alam mong meron pa, may opportunidad pa, sunggabana mo! Minsan lang yan dumating kaya wag mong talikuran!"

Bigla akong napalingon sa kanya at unti unting namilog ang mga mata dahil sa gulat ko sa pagsigaw nya.

Napakurap kurap pa ako sa harap nya.

Bigla biglang nagbago yung expression nya dahil sa nakitang reaksyon galing sa akin.

Unti unting bumaba yung balikat nya at kinalma ang sarili.

"I mean, wag kang gumaya sa pag-iisip ng mga kaklase mo, ng mga kapitbahay natin. Di porket nakikita mong ginagawa ng karamihan ay gagawin mo din. Mabuti ba yung sa edad na dese nuebe ay nag-aasawa na?" mahinahon nya ng tanong sa akin at nag-iwas ng tingin.

Binalik ko sa harapn ang tingin ko.

Alam ko naman yung pinupunto nya. Naiintindihan ko naman! Pero kasi bakit pa tayo makikipagsapalaran sa walang kasiguraduhan kung meron na kami ditong mas sigurado?

Nakakakain naman kami ng tatlong bese sa isang araw, minsan nga ay sobra pa!

Di namin kailangan ng malaking pero dito dahil wala naman kaming masyadong pagkakagastusan .

Walang bill ng tubig dahil sa balon naman. Walang bill ng kuryente dahil gabi lang naman yung generator dito sa amin.

Kuntento na ako sa kung anong meron kami. Di na kailangan pang manghingi at maghanap ng wala.

Bigla na lang kaming nanahimik na dalawa.

Ayaw ko munang magsalita dahil mas komportable ako sa katahimikan at sa tingin ko ay ganun din sya.

Pinapakiramdaman ko lang yung hangin, yung kaunting galaw ng bangka dahil walang kaalon alon ngayon, plantsadong plantsado ang dagat ngayon palibhasa ay summer na.

Ang linaw ng dagat na kahit yung mga maliliit na isda ay nakikita ko mula sa kinauupuan ko.

Pinag-iisipan ko din yung sinabi nya sa akin at nakakainis lang dahil sa araw-araw na pagkukwento nya tungkol sa Maynila ay nakukumbinsi nya na din akong makipag sapalaran.


///
:)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Anchored DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon