Nagising ako sa katok na nanggagaling sa labas ng kuwarto ko.
Obviously, It's Ssen. Wala naman akong ibang kasama rito.
Kahit na tinatamad pa akong tumayo at parang gusto ko na lang matulog ay pinilit ko pa rin ang sarili ko.
Aga-aga naman mambulabog ng babaeng ito.
“Oh, c'mon, My preggy Cousin. Wake up!” sigaw niya.
Napailing ako at dumiretso na lang sa pinto para pagbuksan siya.
“What?” I asked.
Inirapan niya muna ako bago siya sumagot, “What, ka r'yan? It's Saturday, remember?” ngumuso siya sa kung nasaan ang sala. “Xandre Pascuelo is here kanina pa.” irap na sabi niya.
Napatingin ako sa sala ng condo ko at nagkasalubong ang mata naming dalawa.
Do we really have to go this far? Puwede naman niyang makilala ang anak namin. Do I really have to get married with this guy?
“I told him na gigisingin na kita kanina. But, he refused. Pregnant woman needs a lot of rest, daw. Tsk.” iling ni turan ni Ssen.
Nabalik ang tingin ko kay Ssen.
“Anong oras pa siya r'yan?” tanong ko.
Nagkibit-balikat muna siya. “7:00am.” sagot niya.
Tumingin ako sa wall clock ko.
It's 9:30 am passed. Kanina pa siya.. Lumingon muli ako sa sala. Nasa akin pa rin pala ang mga mata niya.
2 and a half hour siyang nag-antay... Dapat ba akong matuwa dahil sa pag-aalala at effort na binibigay niya?
“Mag-ayos ka na. Nang makaalis na tayo. Naaalibadbaran ako sa tatay ng anak mo.” aniya saka ako marahang pinapasok sa kuwarto ko.
Sumunod na lang ako. Ssen and her weirdness.
Ngayon lang talaga naging ganyan si Ssen. She likes models. Pero iba ang trato niya pag-dating sa tatlo.
Or, talagang ayaw lang niya sa tatlo? Ssen maybe likes models but except from those three? Poor them.
Nag-ayos na ako. Dahil bawal sa akin ang masisikip at makakaipit sa tiyan ko ay nag suot na lang ako ng simpleng dress na mayroon ako.
Ayoko namang may mang-yari sa baby ko.
Lumabas na agad ako. Naabutan ko sila sa sala.
Nakaayos na upo si Third pero si Ssen ay naka-dekuwatro pa habang nakatingin sa taong kaharap niya.
Napailing ako. Laki talaga ng problema nitong si Ssen.
Napansin ako ni Third kaya tumingin siya sa akin.
Nilingon muna ako ni Ssen bago siya tumayo. Isinakbit niya ang sling bag niya sa balikat saka binalingan ng tingin si Third.
“Isabay mo na ang cousin ko papunta ro'n. I have my car naman. And for sure, hindi mo rin alam ang way.” ani Ssen. Tumango naman ang lalaki.
Nilingon muli ako ni Ssen.
“Mauna na ako. Sumabay ka na sa kanya.” aniya at inirapan ako.
Napailing na lang ako.
Agad siyang dumiretso palabas. Naiwan kami ni Third.
Tumayo siya mula sa sofa at hinarap ako. Akala ko kung ano'ng gagawin niya at lumapit siya sa akin. Kinuha n'ya ang bag ko.
Kunot-noo ko siyang tiningnan. Binawi ko ang bag ko.
“Kaya kong bitbitin ito.” ani ko.
Tumango siya. Siguro naman, ramdam niyang ayaw ko ng plano niyang ito?
BINABASA MO ANG
NIGHT Of DESIRE
RomansaCOMPLETED || Warning: Matured Contents Included!🔞 Charisse Allessana Ferrer Villaromano, never been kiss and never been touch kind of a woman. Charisse didn't know that the guy who took her innocence was also the guy she's been waiting for to come...