Promise//20

1 0 0
                                    

"Gemini! Open the goddamn door!" they shouted.

Days passed since that happened. I didn't contact them. Ilang beses kong binalik balikan ang convo namin ni Aries pero tulad ng sabi nila ay wala.

Napasabunot ako sa buhok ko. Hindi. Buhay pa si Aries. Siguro nabura ko lang nang hindi ko namamalayan. Tama,ganoon nga.

Muli kong kinuha ang phone ko at chineck uli 'yon pero wala talaga. Nabura ko lang siguro.

"Gemini!" nilingon ko ang pinto ng apartment ko kung saan nagmumula ang ingay. Tatawa tawa akong tumayo at lumakad papunta doon ng hindi inaayos ang sarili.

Nang makarating ako sa mismong pinto ay walang sabi sabing binuksan ko iyon at kita kong napatigil si Dale sa pagkatakot dahil nakaamba pa ang kamay nito.

"Pasensya na, ayos lang ako," ani ko. Pero hindi sila umimik. Nakatitig lang sila sa akin at mababakas sa mga mukha nila ang pagtataka at awa.

Tumawa ako, "Bakit ganyan kayo makatingin?" tanong ko.

"Anong nangyari sayo, Gemini?" tanong ni Mich.

"Huh?"

"Ang katawan mo puro pasa at sugat..."

PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon